Chapter 19

20 5 3
                                    

Chapter 19: Jail


Xia's Point of View

Nasaan ako? Anong lugar 'to? Bakit ako nandito?

Inilibot ko ang aking tingin, wala akong ibang makita kundi puro selda,  teka nasa kulungan ako? Hindi maaari dahil ang sabi nila ay iimbestigahan muna nila kami para sa katunayan na isa nga sa amin ang may sala ngunit bakit andito ako sa hindi ko alam na dahilan?

Napagtanto ko rin na ako lamang mag-isa dito, nasa loob ako ng isang selda ngunit hindi ito nakasara, ito ay bukas na bukas. Sa pagkakaalam ko ay pinag-aayos kami ng aming mga gamit sa organisasyon ngunit pag mulat ng aking mga mata ay ito na ang aking nakita.

Dahan-dahan akong lumabas ng selda, gulong gulo pa rin ko sa nangyayari dahil palagi nalang ganito ang nangyayari sa amin.

Pagkalabas ko ng selda ay nagulat ako nang bigla itong sumara, dahil sa gulat ay agad ko itong nilingon kasabay ng paghalkhak ng isang hindi pamilyar na boses, isang tinig ng babae. Agad kong tinignan ang paligid kung saan nang-galing ang tinig na aking narinig hanggang sa tumambad sa akin ang isang monitor.

Nakabukas ito at nakasabit sa pader, tumambad sa akin ang isang babae, hindi ako pamilyar sa kanyang boses at mukha dahil ngayon ko lang siya nakita. Humalakhak muna ito at saka nagsalita.

"Welcome Xia" sambit nito, bigla akong nagulat nang tawagin nito ang pangalan ko.

"S-sino ka?" tanong ko ngunit ngumisi lamang ito.

"Angel Foster" sagot nito.

"B-bakit mo ako kilala? Nasaan ang mga kasama ko?" ani ko.

" Kilala ko kayong lahat, ang pagkatao niyo ay alam ko" panimula nito ngunit ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi parin nawawala. " Andito rin sila gaya mo ngunit, hiwa-hiwalay kayo" natatawa nitong sabi.

"Para san?" tanong ko dahil hindi ko maunawaan ang kanyang punto.

"Ang gusaling ito ay mayroong limang palapag" panimula nito. "Andito kayo ngayon sa pinakataas ng gusali at ang tanging goal niyo lamang ay makalabas dito ng buhay" dagdag nito.

"Hindi kami nakikipagbiruan sa inyo, ang sabi ay iimbestigahan lamang kami, wala kaming panahon para makipag laro sa'yo" sambit ko ngunit tinawanan lamang ako nito.

"Baka nakakalimutan niyong isa sa inyo ang pumatay" natatawa nitong sabi. "Kilala ko kayo higit pa sa sarili niyo" dugtong nito.

"Buhay ang nawala, kaya malamang ay buhay din dapat ang kapalit" dagdag nito.

"Nasaan ang mga kasama ko?" tanong ko.

"Andito din sa ikalimang palapag ngunit hindi kayo maaaring magsama-sama" sambit nito.

"Bawat palapag ay may task na dapat gawin, hindi ko sasabihin kung ano kayo na mismo ang makakaalam non" panimula uli nito. "Dahil kung hindi niyo magagawa iyon ay hindi bubukas ang elevator pababa" dugtong nito.

"Paano ako makakapag simula?" tangi ko na lamang tanong dahil alam ko na wala rin naman akong magagawa dahil una sa lahat ay wala akong alam sa lugar na ito.

"By the way, hindi kayo makakapandaraya dahil nakikita ko ang bawat galaw ninyo, madaming cctv na nakakabit sa buong gusali" sambit nito. "Once na lumagpas na mamatay ang monitor na ito ay doon na nagsisimula ang laro" natatawa nitong sabi kasabay ng pagkamatay ng monitor.

So start na? Hindi ko maiwasang mapangiti ng sarkastiko dahil parang nakikipag-lokohan na lamang kami, well hindi na ako takot mamatay dahil ilang beses na muntikan na akong malibing sa hukay.

Hindi parin ako umaalis sa aking kinatatayuan dahil sumagi sa aking isipan ang aking mga kasamahan, kamusta na kaya sila? Sana ay sabay-sabay kaming magkita sa ibaba.

Dahan-dahan akong lumilikha ng mga hakbang sa aking paa habang pinagmamasdan ang paligid, baka isa dito ang task na kailangan kong gawin.

Ilang minuto ko ng nililibot ng palapag na ito ngunit wala parin akong makita na kahit na anong kakaiba sa paligid. Masyado rin kasing malaki ang palapag kaya hindi agad agad malilibot.

Pinagmasdan ko uli ang bawat selda, may mga laman naman ito ngunit bangkay na lamang ng mga tao kaya hindi ko maiwasan na maisip na baka ganito rin ang nangyari sa kanila noong una at hindi siguro nila nagawa ang task kaya dito na sila nabulok.

Wala akong ibang marinig sa aking paligid kundi ang akin lamang paghinga at ang aking paghakbang. Nang makaliko ako ay tumambad sa akin ang isang babaeng matanda, nakaupo ito at may ngiti sa kanyang labing nakatingin sa aking direksiyon.

Onti-onti akong lumapit dito hanggang sa senyasan niya akong maupo. Hindi ko na tinanong pa sa aking isipan kung bakit nandito siya dahil isa lamang ang aking nasa isipan kung bakit siya nandito. Ayon ay baka isa siya sa nakakaalam ng task or siya na mismo yung task na kailangan kong hanapin at gawin para tuluyang makaalis sa ikalimang palapag na ito.

"Kamusta binibini?" sambit nito.

"Ah hello po" sabi ko ngunit nginitan lamang ako nito.

"May bugtong akong kailangan mong masagot, kapag nasagot mo ito ng tama ay maaari ka ng pumunta sa ikaapat na palapag ng gusaling ito" panimula nito. "Ngunit, sa oras na ika'y magkamali ay kahit na kailanman ay hindi kana makakababa dahil dito ka na mismo sa palapag na ito malalagutan ng hininga tulad nila" dugtong nito atsaka tinuro ang mga bangkay na nasa loob ng mga selda.

Agad akong nakaramdam ng kaba at takot dahil sa sinabi ng matandang babae, isang pagkakamali lang ay kamatayan agad ang kapalit nito na para bang kumakaway na sa akin si kamatayan patungong impiyerno.

"Sige po tinatanggap ko" sambit ko dahilan para mapangiti ito.

"Mayroon kang Thirty seconds para makasagot, at sa oras na natapos ang oras ay hindi ka na maaari lang magsalita" sambit nito.

"Kung may dalawa kang anak, isang lalaki at isang babae, at isa lamang ang iyong kailangang iligtas, sino iyon? At bakit?" sambit nito dahilan para matigil ako sa aking kinauupuan.

Masyado kong minaliit ang tanong, hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap ang ibibigay sakin. Hindi ako agad makapag-isip dahil sobrang ikli lamang ng oras na ibinigay ng matanda. Nahagip din ng aking nga mata na sumenyas na ito na nangangahulugang ang oras ay nagsimula na.

Nag-isip akong mabuti, kung may dalawa akong anak at tinanong ako kung sino ang ililigtas ko dito? Sino nga ba? Natigilan ako dahil wala namang sinong magulang o ina na mamimili kung sino ang ililigtas nito sa kanyang mga anak, dahil ang tunay na magulang ay dapat pantay pantay ang turing sa kanilang mga supling.

Pero ang buhay ko ang nakalaan dito, at saka kung mamimili man ako isa sa kanila? Paano ko rin ito ipapaliwanag? Hindi naman siguro accepted na ah parehas kami ng Gender or mas mabait si ganito or mas mabuting anak si ganto dahil wala namang binigay na sitwasyon sa tanong, ang kailangan lang ay ang aking sagot kung sino nga ba ang aking ililigtas. Ang mahalaga at ang point dito ay parehas ko silang anak, at walang sino mang magulang ang hahayaan ang kanilang anak na mapahamak.

Napatigil ako nang biglang magsalita ang matanda. "Time's up" panimula nito dahilan para magsimulang manginig ang aking mga tuhod. Ngumisi ito sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. Hindi ako nakasagot, natapos ang oras so ibig sabihin ay dito nako habang buhay?

"Tapos na ang oras binibini" panimula uli nito. "At tila hindi ka nakasagot" dugtong nito.

"So, ang ibig pong sabihin ay habang buhay na akong-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla nanaman itong magsalita.

"Hanapin mo na ang Elevator" sambit nito dahilan para ako'y magtaka. Bakit?

Itutuloy....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon