Chapter 6

24 5 0
                                    

Chapter 6: The Doctor

Tricy's Point of view

Kailangan ko ng opinyon ni Ace, alam kong mayroon siyang alam sa mga nangyayari. Madalas din ang pag alis niya at tanging wala siyang binibigay na kahit na anong dahilan para umalis, nakakapagtaka lang.

"Ace" panimula ko, sana ay pumayag ka.

"Bakit?" walang gana nitong tanong. Pansin ko din ang pagiging cold niyang tao, opposite kami, masyado akong masayahin samantalang siya ay napupuno ng pagdadalamhati.

" Mag usap tayo sandali" sabi ko, mabuti na lamang ay hindi na ako nahirapan kumbinsihin siya dahil sumama ito sakin nang di nag dadalawang isip.

Naglakad kami patungo sa lugar kung saan walang makakarinig ng aming mga pag uusapan. Masyado din kasing need ng privacy, para mas mabuti at mas handa.

"Anong pag-uusapan natin? " tanong nito

"Alam kong may nalalaman ka" panimula ko. "Sa nangyayari sa atin" dagdag ko.

"Wala akong alam" sagot nito na parang tinatamad at walang pakialam dahil sa tono ng pananalita nito.

"Please Ace, buhay natin ang nakasalalay dito, ako na ang nagmamakaawa sa iyo" sambit ko, napabuntong hininga muna ito bago magsalita.

"Wala akong alam kung bakit tayo nandito, pero ang alam ko ay isa sa atin ang killer" tipid na sagot nito.

Kung isa sa amin ang killer? Eh sino yung pumatay kay Ivan kagabi? Teka naguguluhan na talaga ako.

"Ikaw lang ang umalis kagabi Ace, sabi ni Veyonc'e ay hindi ikaw ang killer so sino?" tanong ko sa kanya, ngumiti ito dahilan para ako kilabutan. Nakakatakot siya, may something sa kanya na bigla kong kinatakot.

"Isa sa atin ang nagdala sa lugar na ito, kaya malamang ay hindi lang isa ang killer" panimula nito. "May kasabwat siya na nasa paligid lang" dagdag nito.

Sandali akong napatigil dahil inaabsorb ko ang kanyang mga sinasabi, nang maabsorb ko ito lahat ay bigla akong natigilan.

"So isa sa atin ang Kasabwat ng killer?" tanong ko.

"Oo, pwedeng ikaw" napabuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "Pwedeng ako at pwedeng sila".

Hindi ko na kinakaya ang mga natatanggap kong impormasyon kaya sinubukan kong ibahin ang topic para mawala ang takot na nararamdaman ko.

"Ace hindi mo ba namimiss ang parents mo?" panimula ko. Hindi ito sumagot, siguro ay masyadong private ang tanong ko.

Hihingi na sana ako ng sorry nang bigla siyang magsalita. "Hindi" tipid nitong sagot.

"Bakit? Family mo sila diba?" naguguluhan kong tanong.

"Para san? Hindi naman nila ako hinahanap, hindi nila ako miss, so ano pang point para mamiss ko sila?" sabi nito sabay tawa, yung tawang plastik.

"Mga kapatid mo?" tanong ko uli.

"Wala akong kapatid" sagot nito, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya pero pinipigilan ko lang ipakita dahil masyado siyang seryoso.

"Pwede mo ako maging kuya" mga salitang lumabas sa aking bibig dahilan para ngumiti ito. Ngiting totoo.

"Sino ba naman ako para tumanggi?" natatawa niyang sabi. Hindi ko din maiwasan ngumiti dahil naiisip ko din ang sitwasyon ko sa kanya nung nasa bahay pa ako.

"Tara na, baka nag aantay na sila" sabi ko atsaka tumungo pabalik sa mga kasamahan namin.

Xia's Point of view

Nang makabalik sila Tricy ay biglang kumunot ang noo nito, siguro ay nagtataka din siya kung bakit wala si Ivan. Ikinagulat namin nung sinabi ni Vey na patay na si Ivan, na kita mismo ng kanyang mga sariwang mata. Napamura nalang si Tricy nang marinig ang mga salitang iyon.

" Ang killer ay —" Hindi na natuloy ni Veyonc'e ang kanyang sasabihin nang may bigla kaming narinig na galabag.

"Ano yon?" sabi ni Yuki.

"Narinig niyo ba iyon?" sabi ni Joannamae.

Pare-parehas kami napatingin sa direksiyon kung saan nanggagaling ang tunog. Malakas ang pagkagalabag kaya imposibleng guni guni lang namin iyon.

"Akala ko ba tayo lang ang nandito?" tanong ni Dave.

"Oo nga" sabi naman ni Jean.

"Tara sundan na 'tin" sabi ni Tricy atsaka sinenyasan niya kami na sumunod sa kanya. "Walang hi hiwalay" dugtong nito.

Dahan dahan kaming sumunod sa kanya, hindi kami gumagawa ng ano mang ingay o tunog para hindi kami mapansin. Napahinto kami nang may bumalibag nanaman.

"Sa Doctor's Office" narinig kong sambit ni Jean.

"Teka? Paano mo alam?" nagtatakang tanong ko.

"Oo nga, sa pagkakaalam ko ay walang sino man sa ating ang familiar sa lugar na 'to?"

"Ah, nadaanan ko kasi yung banda diyan" sagot nito.

"Ah" sabay sabay naming sabi sabay tango.

"Shhh, wag kayo maingay maririnig tayo" sambit ni Tricy.

Nang makarating kami sa pinanggagalingan ng Tunog ay sumenyas si Tricy na sabay sabay namin buksan ang pinto, medyo kinakabahan parin ako kung ano ang mangyayari, nawa ay walang mangyaring masama.

"Teka Veyonc'e, ano nga uli yung sasabihin mo kanina?" tanong ko dahilan para natigilan ito.

"Lalaki ang killer" sambit nito.

"Huh?" sabay sabay naming tanong.

"Akala ko ako lang tanga dito? Kayo din pala" natatawa niyang sabi. "Lalaki yung nakita kong pumatay kay Ivan" dugtong nito dahilan para kabahan ako. Well obviously, alam ko namang lalaki yung killer at alam kong alam nila yon Base sa pagkakasalita niya nung gabing yon.

"Confirm, mas tanga ka pa din kesa samin, malamang lalaki yung killer, alam namin duhh" pagtataray ni Joannamae kay Veyonc'e, dahilan para naguluhan ito.

"Tanga talaga" dugtong ni Joannamae.

"Okay na ha, one, two, three, bukas!" Pagkakasabi palang ni Tricy ng mga salitang ito ay sabay sabay namin agad binuksan ang pinto.

Nang makapasok kami ay tinignan namin agad ang paligid, Malawak ang espasyo ng silid, triple sa laki nito sa bawat kwarto namin. Maayos din ang pag kaka arrange sa mga ito, kulay puti ang mga pader at mararamdaman mo ang lamig. Bukas ang ilaw at tanging  patak ng tubig na mula sa aircon lamang ang aming naririnig. Inilibot namin ang office, masyado itong malawak kaya hindi namin agad makita ang kabuuan nito.

"May tao dito" bulong ni Tricy. Well, May point naman siya, first of all bukas ang ilaw at aircon, so sinong magbubukas non? Eh magkakasama kaming lahat sa emergency room, at saka imposibleng si Tricy at Ace ang may pakana nito para iprank kami, hello Ace? Gagawa ng ganitong kalokohan.

" Oh gising na pala kayo?" Nagulat kami nang may biglang nagsalitang lalaki dahilan para sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

"Si-sino ka?" tanong ni Tricy, maya maya lang ay ngumiti ang lalaki. Singkit ang lalaki, sa ngiti niya ay halos hindi na makita ang kanyang mga mata.

"Ako si Dr. Genree"

Itutuloy...

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon