Chapter 21

18 4 3
                                    

Chapter 21: III

Xia's Point of view

Hindi parin tumitigil ang pag-agos ng aking mga luha dahil sa nangyari, ang akala ko ay katapusan ko na, ang akala ko ay wala ng pag- asa, mabuti na lamang ay dumating si kuya Tricy.

"Bumalik na kayo sa kulungan niyo kung ayaw niyong mamatay" seryosong sambit nito. Hindi ako makapaniwala na ang masayahing at napakabuting taong si Tricy ay sobra magalit. Kahit ako ay nakakaramdam ng takot sa kanya ngayon.

Hindi naman nagtagal at umalis na rin ang mga lalaking humabol at nagtangkang gumawa ng masama sa akin, agad na tumingin ako kay kuya Tricy na ngayon ay nakangiting nakaharap sa akin.

"Damn" panimula nito. "Gustong gusto ko silang patayin sa ginawa nila sayo, handa akong pumatay ngayon" sambit nito ngunit pinigilan ko na lamang.

"Okay lang po kuya, dumating ka naman kaya hindi na nila natuloy ang balak nila" nakangiti kong sambit ngunit hindi ito sumagot at sa halip ay pinunasan lamang nito ang umaagos na luha sa aking mata.

"Mabuti na lamang at ako ang nakakita sayo, kung si Ace yon ewan ko na lang" natatawang sambit nito. "Isuot mo itong jacket ko" sambit nito at saka iniabot sa akin ang kanyang jacket.

Isinuot ko naman ang ibinigay niyang kulay itim na jacket at saka iniayos ang aking sarili bago tumayo. Nagulat na lamang ako nang bigla akong niyakap nito.

"Please, huwag mo pababayaan ang sarili mo, onting panahon na lamang ang natitira" bulong nito.

"Onting panahon?" tanong ko.

"Wala" sambit nito at saka kumawala sa pagkakayakap sa akin.

"Alam ko na kung bakit Love na love ka ng kapatid ko" natatawa nitong sabi, hindi ko naman napigilan ang sarili ko na suntukin ito sa braso.

"Hahahaha, masakit yon Xia ha" panimula nito habang ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi pa rin nawawala, minsan ay iniisip ko na sana ganto na lang din si Ace.

" Oh bakit ka namumula Xia? Ikaw ha ayieee" asar nito sakin kaya inirapan ko na lang.

Sabay kaming naglalakad habang hinahanap ang Elevator, gaya noong una ay mahirap ito hanapin dahil madaming pasikot-sikot na daan. Pero okay lang naman dahil hindi na ako mag-isa ngayon kaya mas makakahinga na ako ng maluwag.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nang biglang nawala si Tricy sa tabi ko, Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ito, nakita ko itong may kausap na preso, kitang kita sa mukha ng preso ang takot at kaba habang kausap si Tricy na ngayon ay seryosong nakatingin dito. Ilang segundo lamang ang lumipas ay bumalik si Tricy sa tabi ko at saka ako binigyan ng ngiti.

"Alam ko na kung nasaan ang Elevator" nakangiti nitong sabi.

"Paano?" ani ko.

"Tinakot ko yung isang preso para sabihin kung nasaan" panimula nito. "Sinabi ko rin na kapag hindi niya sasabihin kung nasaan ang Elevator ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya" dugtong nito.

Ilang minuto kaming naglakad at base sa sinabi sa kanya ng isang preso ay ayon na lamang ang direksiyon na sinundan namin. Noong una ay akala ko na nagsisinungaling lamang ito subalit nang natanaw namin ang Elevator na doon ko napagtanto na totoo ang mga sinabi nito.

Nang makarating kami sa mismong harap nito ay bigla itong bumukas, hindi na kami nag dalawang isip pa ni Tricy na pumasok dito. Nang magsimula itong sumara ay umupo ako dahil sa pagod na aking naramdaman kakatakbo. Hindi pa nga lang nakakapagpahinga kanina tapos takbuhan agad.

Habang ako ay nakaupo, pinagmasdan ko si Tricy na ngayon ay nakatitig lamang sa kanyang harapan at mukhang malalim ang iniisip. Tinawag ko ito ng dalawang beses bago ako lingunin.

"May problema ba?" tanong nito.

"Wala, mukhang malalim ang iniisip mo ah" sambit ko ngunit binigyan lamang ako nito ng malawak na ngiti.

"S-salamat nga pala doon sa kanina" sambit ko ngunit agad na pinitik nito ang aking noo.

"Wala iyon, that's my responsibility" sambit nito.

After namin mag-usap ay huminto ang sinasakyan naming Elevator at bumukas, dahan-dahan kaming lumabas dito kasabay ng pagbukas din ng monitor sa harapan namin.

"Oh may kasama ka na pala Xia" natatawang sambit ni angel, tinignan ko si Tricy na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa monitor.

"Akala ko pa naman ay hindi ka na makakapunta pa sa lugar na 'to" panimula nito. "Nag-eenjoy pa naman akong panoorin ka kanina" natatawa nitong sambit at saka tumingin kay Tricy.

"Masyado kasing pakielamero ang lalaking ito, masyadong nagpapakabayani, tignan natin kung mailigtas ka niya ngayon dito" sambit nito.

"Murder floor" panimula nito. "You must find the key before they kill you" sambit nito at saka humalakhak. Hindi ko rin namalayan na hinawakan ni Tricy ang aking kamay para pakalmahin ako.

"Goodluck" natatawa nitong sambit kasabay ng pagpatay ng monitor.

"Huwag ka Kabahan Xia, makakaalis tayo dito" narinig kong sambit ni Tricy dahilan para ako ay mabuhayan ng loob.

Dahan-dahan kaming naglakad, wala pa naman kaming napapansin na kakaiba o hindi tama, basta ang kailangan naming gawin ngayon ay ang magmasid sa paligid at linawan ang mga mata para mahanap ang susi. Iniisip ko parin kung para saan ang susi, baka siguro hindi Elevator ang kailangan naming hanapin kundi pinto.

Saktong pag likod namin ang paglitaw ng apat na lalaki, malalaki ang katawan nito, may hawak na iba't ibang klase ng patalim dahilan para ako'y kabahan, wala kaming dala na kahit na anong armas at tanging pisikal na lakas lamang ang mayroon kami ngayon.

Napahinto kami sa paglalakad, sinenyasan ako ni Tricy na umatras, wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

"Bakit?" tanong ko.

"Delikado ang mga tao na yan" panimula nito. "Magtago ka, magtago ka doon sa alam mong hindi ka makikita ng kahit sino" sambit nito.

"Ngunit paano ka?" tanong ko, binigyan muna ako nito ng malawak na ngiti bago sinagot ang aking katanungan.

"Huwag ka mag-alala, babalikan kita" sambit nito at sinenyasan na akong magtago.

Tumakbo ako palayo sa kanya, hindi naman maaaring wala akong gawin, kailangan ko siyang tulungan ngunit paano?

Pinilit kong maghanap ng matataguan, nang makita ko ito ay agad akong nagtago. Hindi naman din kalayuan kay Tricy dahil natatanaw ko pa naman ito. Kitang kita ko akmang sasaksakin siya ng isa sa mga lalaki na agad naman niyang naiwasan, napapabilib na lamang ako sa aking nakikita dahil hindi ko alam na mahusay pala si Tricy makipaglaban, kayang kaya niya protektahan ang kanyang sarili.

Akmang lilipat na sana ako ng matataguan nang may biglang tumakip sa aking ilong at bibig, naamoy ko ang isang kilalang kemikal, ang chloroform.

Pinilit kong kumawala ngunit masyado siyang malakas, pinilit ko sa abot ng makakaya ko ngunit natigilan ako nang magsalita ito. Isang pamilyar na pamilyar ang tinig.

"This is the time, I will kill you" seryosong sambit nito.

Wala na akong nagawa dahil bigla akong nanghina, onti-onti na ring pumipikit ang aking mga mata dahil sa kemikal.

"K-kuya Tricy tulong" bulong ko kasabay nang tuluyang pagpikit at onti-onting pagkawala ng aking paningin kay kuya Tricy na ngayon ay nakikipaglaban sa apat na kriminal.

Itutuloy....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon