Chapter 3

29 7 0
                                    

Chapter 3: First Blood

Xia's Point of view

Ilang minuto na kaming nakastay dito sa lugar na 'to habang inaantay si Veyonc'e. Ang sabi nya ay iihi lang siya pero sobrang tagal naman niyang bumalik kaya hindi ko maiwasang mag alala para sa kanya.

"San ba nag punta yon?"

"Sabi iihi lang"

"Puntahan niyo na nga"

Yan ang mga salitang binitawan ng mga kasama ko, nakakapagtaka lang din dahil ang tagal ni Veyonc'e. Alam naman niyang delikado sa lugar na 'to.

"Carl, puntahan mo na nga!" sigaw ni Yuki, halata sa kanyang pananalita ang inis at pagkainip.

Aalis na sana si Carl nang biglang tumambad sa amin ang mukha ni Veyonc'e. Kitang kita sa kanyang mukha na kinakabahan siya, pawis-pawisan ang kanyang katawan at hingal na hingal.

"Oh bakit ngayon ka lang?" naiiritang tanong ni Yuki.

"Guys" saglit na nagbuntong hininga si Veyonc'e "Umalis na tayo dito ngayon din" dugtong nito.

"Huh? Teka wala pa si Ace" sambit ni Tricy. Pansin ko lang na lagi siyang umaalis. Hindi ba siya komportable sa amin?

"Please nandito yung killer!" sigaw nito dahilan para matigilan ang lahat.

"Anong killer na pinagsasasabi mo?" tanong ni Dave sa kanya.

"Kaya ako natagalan dahil may napansin akong anino kaya sinundan ko ito" panimula niya. Wala naman reaksiyon ang mga kasamahan ko dahil inaantay nila na ipagpatuloy ni Veyonc'e ang kanyang sinasabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong lalaking papalapit sa kanya. Gusto kong magsalita pero bakit walang lumalabas sa bibig ko. Shit!

"V-vey" yan na lamang ang tanging lumabas sa aking bibig.

"Kaya-" Hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin nang biglang may humampas sa ulo niya ng baseball bat.

Napatili si Joannamae nang malakas. Kitang kita ko ang mga dugo na umaagos sa ulo nito dahil sa lakas ng pagkakahampas.

"Masyado kang maingay bitch" sambit ng lalaki. Hindi namin makita ang kanyang mukha dahil nakasuot ito ng maskara.

"Si-sino ka?" nanginginig na tanong ko.

Natigilan kaming lahat nang bigla itong humalakhak. Tumayo ang mga balahibo ko at mas lalo akong natakot, nakakatakot siya, para siyang demonyo sa kanyang tawa.

"May 20 seconds kayo para tumakbo" panimula nito. "Pagkatapos ko magbilang ay impiyerno na ang babagsakan niyo" dugtong nito at humalakhak nanaman.

"One" nagsimula na itong magbilang kaya dali-dali kaming tumakbo palayo, Bahala na kung san ako dalhin ng mga paa ko, ang mahalaga ay makaalis ako sa lugar na ito bago niya ako maabutan at mapatay.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha. Naalala ko nanaman ang walang kapatawaran na ginawa niya kay Veyonc'e, bakit ba kasi andito ako sa lugar na 'to!

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon