Chapter 7

22 4 0
                                    

Chapter 7: Plan

Xia's Point of View

"Ako si Dr. Genree" sagot nito atsaka ngumiti sa amin.

"Bat ka nandito? Ikaw siguro yung killer ano?!" sigaw ni Carl sa kanya.

"Killer?" nagtatakang tanong nito.

"Oo ikaw!!!" sigaw naman ni Carl sa kanya dahilan para mapahawak sa baba ang doctor na parang may malalim na iniisip.

"Sa pagkakaalam ko ay nakita ko lang kayo sa dito sa loob ng hospital na walang malay, kaya inilagay ko kayo sa bawat kwarto" panimula nito. "Teka naguguluhan ako" dagdag nito.

"Wag kang mag sinungaling! Huling huli kana!" sigaw nanaman ni Carl. Nagulat na lamang kami nang biglang akmang susugod na ito papunta sa doctor, mabuti na lamang ay humarang si Tricy at Enrique para pigilan ito.

Biglang sumeryoso ang mukha ng doctor, mula sa ngiti ay bigla ito naging seryoso. "Seryoso wala akong alam sa sinasabi niyo" sambit nito.

"So natagpuan niyo lamang po kami na walang kamalay-malay dito?" magalang na tanong ni Tricy, ngumiti naman ang doctor bilang simbolo o paghiwatig na sumasang-ayon siya sa sinabi sa kanya.

"Kayo lang po mag isa dito?" Tanong uli ni Tricy.

"Oo, matagal na ipinasara itong hospital ko" biglang lumungkot ang tono ng kanyang pananalita. "Dahil sa putang inang gobyerno na 'yan" dugtong nito.

Sumenyas si Tricy sa amin na wag na magtanong pa dahil halata naman na masyado iyong private para sa doctor.

"Naghahanap ako ng pagkain na pwede kong ipakain sa inyo, pasensiya na at prutas lang ang aking nakita" sabi ng doctor at saka iniabot sa amin ang isang box ng prutas. Assorted ang mga ito, may mansanas, saging, grapes, rambutan at iba pa.

"Salamat po" sabay sabay naming tugon sa pagpapakita ng magandang loob ng doctor.

"Dito muna kayo magpahinga ngayong gabi, bukas ay isasama ko kayo para makauwi na sa inyo inyong mga tahanan" sabi ng doctor dahilan para mabuhayan kami ng loob.

"Doc maraming salamat po" nahihiyang sabi ni Dave. Nginitian lamang siya ng doctor bilang pag simbolo ng pagsasabi ng welcome.

"Ito na rin ang last na punta ko sa hospital na ito" sambit ng doctor, Nakaramdam ako ng lungkot sa kanya, at kung ano man ang nangyari kung bakit naipasara ang lugar na ito ay sana maging okay din siya balang araw.

"Pagkatapos niyo kumain ay ihahatid ko na kayo uli sa inyo inyong kwarto, kapag may tanong kayo ay puntahan niyo lang ako dito sa office ko" sambit nito.

******

Isa-isa kaming hinatid ng doctor papunta sa sari-sarili naming silid. Sinabihan niya kami na wag lalabas sa aming silid para maiwasan ang sakuna. Siguro ay dahil dun sa sinabi ni Carl na killer.

"Iha" sambit nito sa akin.

"Mag iingat kayo ng kasama mo, wala akong alam sa sinasabi nila, kahit ako ay naguguluhan, pero mas mabuti na rin yung nag iingat" panimula nito. "Sige mauna na ako" dagdag nito.

Naiwan akong tulala, gulong gulo ako sa mga nangyayari, noong una ay bakit kami napadpad sa lugar na iyon, pangalawa bakit walang katao tao? Pangatlo, sa pagkakaalam ko ay si Ace ang kasama ko kagabi, tapos pagkagising ko ay nasa ibang lugar na agad kami? What the hell is happening.

Ipinatay ko ang ilaw, hindi kasi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. At dahil hindi pa ako inaantok ay pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Nagmuni-muni ako at nag isip isip ng mga kung ano anong bagay. Maya maya lang ay nakarinig ako ng katok mula sa labas.

Dahan dahan akong pumunta sa pinto, sinilip ko muna kung sino yung kumakatok at lumitaw sa harapan ko ang walang buhay na mukha ni Ace. Bigla ako nakaramdam ng hiya kung paano ko maipapaliwanag yung nangyari kagabi.

Binuksan ko ang pinto at Ipinatuloy si richkid sa loob. Umupo ito sa aking kama at inayos ang kanyang damit.

"Mahilig ka pala sa Iights off" natatawa nitong sabi. Medyo ackward na 'tong lalaki na ito ah, sa pagkakaalam ko ay cold siyang tao pero bakit ganito ang inaasta niya, dahil ba sa kagabi? Shit nakakahiya.

"Ace" sabi ko dahilan para mapakunot ang noo nito.

"Yung kagabi-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla itong magsalita.

"Wala 'yon" sabi nito sabay ngumiti. Nagulat ako sa pag ngiti nito dahil bibihira lang talaga makita, mas lalong lumakas ang dating niya sa pag ngiti.

"Marunong ka pala ngumiti?" tanong ko.

"Ah eh" nahihiya na sabi nito na halatang hindi alam ang sasabihin.

"Hmm? At saka bakit andito ka sa kwarto ko?" sabi ko

"Makikitulog sana ako" sabi nito na ikinagulat ng mata ko.

"Huh?! May sarili kang kwarto bakit dito ka pa sa kwarto ko?! Lalaki ka Ace!" sigaw ko sa kanya dahilan para tumawa ito ng mahina. Tae Ace, bakit ka tumatawa, sana ganyan ka nalang palagi. Mas okay ka pa pakisamahan.

" Bakit ayaw mo ba?" ani niya atsaka ngumuso.

"Para kang tanga" sabi ko saka itinulak siya palabas ng kwarto ngunit mapilit parin ito.

" Tulog na tayo" sambit nito kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod.

Jean's Point of View

Nang maihatid ako ng doctor sa aking silid ay hindi muna ako agad natulog, pinagmasdan ko muna ang paligid, iniisip ko din ang aking susunod na plano.

Di ko mapigilan ang ngumiti dahil sa plano na aking gagawin. "Sana kahit simple lang ito ay sumaya ka" bulong ko sa akong sarili.

Ilang minuto akong nakatunganga at pinipilit kong mag focus para sa gagawin kong plano. Pinag isipan ko itong mabuti para maging successful man lang.

Nang makaramdam ako ng gutom ay dali-dali akong lumabas ng kwarto para pumunta sa office, sabi kasi sa amin ng doctor ay kapag may tanong or kapag nagugutom ay huwag kaming mahiya na pumunta at lumapit sa kanya, at ayon naman ang aking gagawin.

Nang makalabas ako ay tahimik ang paligid, bukas ang mga ilaw at walang marinig na kahit anong tunog. Sabagay, hindi na iba ganito naman palagi.

Naglakad ako patungo sa direksyon ng office, medyo may kalayuan din kasi ito kaya medyo matagal bago makapunta.

Nang makarating ako ay kumatok muna ako bilang respect bago pumasok sa office, nakita ko ang doctor na nakahiga na halatang bago pa lamang ito matutulog. Humingi naman ako sa kanya ng pagkain, ngunit bago ako lumabas ng pinto ay may sinabi ito.

"Tuloy ba ang plano?" nakangiti nitong sambit.

Itutuloy......

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon