Chapter 17

24 5 3
                                    

Chapter 17: Reject


Carl's Point of view

Napansin ko si Xia na nag-iisa, pinagmasdan ko ang kanyang itsura, natataranta ito at kitang kita ang pag-agos ng pawis sa kanyang mukha.

Maya-maya lang ay bigla itong tumakbo na para bang siya ay may hinahabol, hindi ko mapigilan na sundan ito kaya agad akong umalis sa aking kinatatayuan.

"Love!" narinig kong sigaw ni Yuki, ngunit hindi ko ito pinansin dahil hindi pwedeng mawala sa paningin ko si Xia.

"Hey Carl!" sigaw naman ni Tricy. Kaming tatlo lang ang magkakasama kaya hindi namin alam kung nasaan ba ang iba.

Wala akong ibang ginawa kundi ang sundan si Xia, wala na akong pakialam kahit na makabangga ng ibang tao, basta ang mahalaga ay nasundan ko siya dahil sa kakaiba niyang inaasta.

Nahihirapan akong habulin ito dahil sa dami ng tao, masyadong crowded sa lugar dahil ngayon ang oras ng hapunan, subalit pilit ko parin itong hindi mawala sa aking paningin.

Napahinto ako sa aking pagtakbo nang matanaw ng aking mga mata ang pagpasok ni Xia sa lumang gate, ano naman ang gagawin niya diyan? Eh lilib na lugar 'yan.

Medyo malayo din ang pagitan namin ni Xia, pero nang napagtanto ko na doon siya pumasok ay naglakad na lamang ako, pawis na pawis na rin ako dahil sa paghahabol sa kanya.

"Hey Bro!" nagulat ako nang biglang nagsalita si Dave.

"Huwag ka naman mang-gulat" ani ko.

"Oh? Bakit pawis na pawis ka?" natatawa nitong sabi.

"Hinahabol ko so Xia, pumasok diyan oh!" sabi ko sabay turo sa lumang gate na ngayon ay nanatiling nakabukas pa din. "Ikaw san kaba galing?" baling ko sa kanya.

"Ah, nag-CR lang ako" natatawa nitong sabi.

"Hindi mo kasama si Ianzien?" tanong ko.

"Ha? Hindi bakit?" nahihiyang sagot nito dahilan para mapangisi ako.

" Ikaw ha, may gusto ka kay Ianzien ano?" asar ko sa kanya dahilan para mamula ang kanyang mukha.

"Hoy Carl!" nagulat kaming dalawa ni Dave mang marinig ang sigaw ni Tricy.

"Love, ano bang ginagawa mo bakit ka tumatakbo?!" naiiritang tanong ni Yuki, sa halip na sagutin ito ay binigyan ko na lamang ito ng halik sa pisngi.

"Sorry, sinusundan ko kasi si Xia" panimula ko, wala man lang silang reaksiyon dahil inaantay nila ang aking susunod na sasabihin. "Natataranta siya at pawis na pawis, nakita ko siyang pumasok diyan" dugtong ko sabay turo uli sa may lumang gate.

"Pano siya papasok diyan eh tignan mo nakalagay Private Property" sambit ni Tricy, nginisian ko muna ito bago sagutin ang kanyang mga sinabi.

"Pwera na lang kung may gagawin siyang hindi maganda" sambit ko.

Bago kami pumasok ay tumambad sa amin ang mukha ni Ace, nakaramdam nanaman ako ng sobrang inis everytime na nakikita ko 'tong lalaking ito. Hinding hindi ko siya pagkakatiwalaan.

"Oh Ace" baling sa kanya ni Tricy.

"Kuya" sagot naman nito.

"Susundan namin si Xia, pumasok siya sa gate na'to" sambit ni Tricy atsaka itinuro ang gate kung saan pumasok si Xia.

"Ah sige" walang ganang sagot nito.

Sinimulan na naming pasukin ang lumang gate, wala kaming ibang makita kundi mga naglalakihang mga puno, wala kang maririnig na ingay kundi ang pag-ihip ng hangin.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon