Chapter 12

28 7 9
                                    

Chapter 12: Celebration

Xia's Point of view

Hindi na natuloy ni Ace ang kanyang sasabihin nang biglang kumatok si Tricy sa pinto ng karaoke house. Nakangisi ito kaya nakaramdam ako ng hiya. Takte ka talaga Ace, pahamak ka.

Tinignan ko ang mukha ni Ace, nakanguso ito habang dahan dahan na binuksan ang pinto. May pagka isip bata din pala.

"Ay naistorbo ko ba kayo?" natatawang sabi ni Tricy.

"Hindi" walang ganang pananalita ni Ace dahilan para tumawa si Tricy. Mapang asar talaga 'tong lalaki na ito.

"Oh? Kung ganon ay ano ang ginagawa niyo dito?" natatawa nitong sabi.

"Kumakanta malamang" pabalang kong sagot ngunit hindi ako nito pinansin dahil kay Ace parin siya nakatingin.

"Huwag mo sabihing Ace na-" hindi na nito natuloy ang sinasabi nang biglang hilahin ako ni Ace palayo.

Dinig na dinig ang tawa nito sa habang nasunod sa amin. Napabuntong hininga muna si Ace bago ito hinarap.

"Kuya" sabi nito sabay ngumuso nanaman.

"Oh?" natatawang sagot ni Tricy. "Aayain ko lang sana kayo sa birthday ni Enrique" natatawa nitong sabi. So birthday pala ni Enrique ngayon? Di ako nainform ha.

"Sorry at mukhang nasira ko pa ata ang date niyong dalawa" sabi nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Date?!" sabay naming sigaw ni Ace, dahilan para mas lalong natawa ang nangiinis na si Tricy.

"Kung gusto niyong pumunta sa Birthday party na ginawa namin ay pumunta nalang kayo sa dorm ni Enrique" natatawa nitong sabi at saka tumalikod samin para maglakad palayo.

"Damn" narinig kong bulong ni Ace.

"Ay Ace ano nga pala yung sasabihin mo?" naiilang kong tanong sa kanya.

"Wala, Tara na pumunta na tayo sa birthday ni Enrique" sabi nito atsaka sinenyasan ako na sumunod sa kanya.

Habang kami ay naglalakad ay hindi ko maiwasan tignan ang paligid, Hapon na ngayon kaya nag-aayos na sila para sa gaganapin na Festival sa lugar na ito. Masyado itong malaki para makapag patayo sila ng mini-amusement park.

May iba din na nag-aayos na para sa kanilang mga pa Games, at yung iba naman ay nagreready na rin sa kanilang mga isusuot.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang tinignan ko si Ace sa harapan ko, may kausap siyang batang babae. Maganda ito at maamo ang mukha.

"Uh-hmm" nahihiya nitong sabi. "P-pwede po ma-makipag friends" sabi nito.

"Hindi" walang ganang sagot ni Ace at naglakad palayo. Hindi ko na rin sinundan si Ace para kausapin yung bata, wala lang kasi ayaw ko na magkaroon ng Away o gulo dito lalo na bago lang kami. Atsaka bata iyon kaya mas mabuti na Icomfort.

"Bata, okay ka lang? Hayaan mo na yon badtrip lang" sabi ko, mapait na ngumiti ito sakin.

"Okay lang ate hehe" sabi nito.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon