Chapter 22

18 3 4
                                    

Chapter 22: Revenge

Xia's Point of view

Nagising ako sa isang selda, nakatali ang aking mga kamay at paa habang ako ay nakaupo sa isang upuan na gawa sa bakal. Naka takip din ng isang panyo ang aking bibig para hindi ako maka sigaw o makahingi ng tulong.

Medyo nanghihina parin ang aking buong katawan, hindi ko pa namumulat ng buo ang aking mga mata, parang hinihikayat ako nito na matulog nalang uli subalit nawala ang lahat ng mga ito nang may biglang nagsalita.

"Gising na pala ang kutong lupa" natatawa nitong sambit at saka tinanggal ang panyo sa aking bibig. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nagdala sa akin dito.

"D-Dave" sambit ko ngunit humalakhak lamang ito.

"Kamusta taksil na kaibigan" sarkastiko nitong sabi. " Masarap ba ang iyong tulog?" sambit nito.

"P-pakawalan mo ko dito Dave" mahinahon kong sabi ngunit sumigaw ito.

"Tanga kaba?!" panimula nito. " Wala kang utak!" dagdag nito.

"B-bakit, para saan ba 'to Dave" hindi ko pa rin inaalis ang pagkakalmado sa tono ng aking pananalita.

"Huwag kang bulag Xia, sa tingin mo ano bang dahilan?" panimula nito. "Hahaha tangina mo talaga, yung kaisa-isahang nagmamahal sa akin at minamahal ko ay walang awa mong pinaslang" sambit nito kasabay ng pagtulog ng kanyang luha.

Natigilan ako sa aking narinig, so... May relasyon sila ni Ianzien, bakit hindi ko man lang naramdaman. Nakaramdam din ako ng konsensiya sa kanyang mga sinambit, parang bigla akong nawalan ng lakas, bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko at higit sa lahat, bigla akong nakaramdam na wala akong silbing kaibigan para sa kanila at para sa sarili ko.

Sa mga masasakit na salitang kanyang nabanggit ay hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong umiyak, masyado kang mahina Xia, wala kang silbi, wala kang naiambag sa mga kaibigan mo at sa mundo kundi ang umiyak. Dahil diyan Xia ay hindi ka nila pinagkakatiwalaan at wala kang halaga sa paningin nila, ang tanga tanga mo Xia.

"Pinalayas ako ng aking mga magulang, hindi sila nag dalawang isip na paalisin ako, tapos ang kaisa-isang tao na tumanggap sa akin-" pinunasan muna nito ang kanyang luha bago itinuloy ang kanyang sasabihin. "Ang kaisa-isang taong tumanggap sakin kung sino at ano ako, ang nag-iisang tao na nagmamahal at may pakialam sa akin, ang nag-iisang tao na mahal ko higit pa sa sarili ko ay iniwan rin ako" sambit nito at saka humalakhak nanaman.

"Tang-ina mo ano bang ginawa namin sayo?!!" sigaw nito, parang mapuputulan na ito ng litid sa lakas ng kanyang pagkakasigaw.

"H-hindi ako ang pumatay kay Ianzien" naiiyak kong sagot ngunit sinampal ako nito ng malakas.

"Fuck that explanation! Fuck you!" sambit nito. "Hindi kami bulag, kitang kita ng dalawang mata ko!" sambit nito.

Hindi ako makasagot sa kanya, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag dahil nilamon na siya ng kanyang galit at poot. At kahit na ano pang pagpapaliwanag ko ay hinding hindi nila ako maiintindihan dahil wala sila noong gabing iyon.

Hindi ko lang rin maisip na ang tahimik, ang matalino at ang mabait na si Dave ay magiging ganito, alam kong hindi ako ang gumawa kay Ianzien ng ganon pero bakit pati sa sarili ko ay aking sinisisi.

"S-sorry, hindi ko natulungan si Ianzien" tangi ko na lamang sabi ngunit sinampal nanaman ako nito. Napasigaw ako sa sakit, masyadong mabigat ang kanyang kamay kaya malamang ay magiging pula ang aking mukha.

"Anong sabi mo?! " panimula nito. "Tang-ina HAHAHAHAHA" dugtong nito.

"H-hindi mo ako naiintindihan Dave, hindi ako ang pumatay kay-" hindi ko na natuloy pa ang aking sinasabi nang sabunutan ako nito. Sa sobrang sakit ay mas lalong umagos ang luha sa aking mga mata.

"Wala kang karapatan umiyak Xia! Ang kapal naman ng mukha mong umiyak!!" sigaw nito.

Pinilit kong pigilin ang aking pag-iyak ngunit hindi ko ito magawa, masyado na akong nasasaktan, pisikal man o emosyonal. Hindi ko alam, hindi ko alam ang gagawin, gusto ko nalang maglaho at magising kung panaginip ang lahat ng ito.

" Ipinangako namin na hindi namin iiwanan ang isa't isa ngunit tangina" ani nito at saka ginulo ang kanyang buhok. "Para mo na rin akong pinatay Xia" dugtong nito.

"S-sorry Dave" sambit ko. Nagulat ako ng may inilabas itong isang malaki at mahabang tubo. Bigla akong nakaramdam ng kaba at panginginig.

"B-bakit bigla ka atang kinabahan?" sambit nito at saka humalakhak. Halos mabaliw na ito dahil sa sobrang sakit at galit na kanyang nararamdaman. Napahiyaw ako nang bigla ako nitong hinampas ng tubo sa aking hita.

"T-tama na Dave" nanginginig kong sambit.

"Ano?!!!" sambit nito at saka hinataw nanaman ang ang aking hita dahilan para magkulay ube ito.

"Aahhhhhhhhhh!!!!" sigaw ko.

"Bago ako mamatay Xia, sisiguraduhin kong ibabaon ka muna sa hukay" sambit nito at saka mag-umpisa nanamang humalakhak.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak na lamang, wala akong laban, wala akong magawa, at mukhang malabo na rin may tumulong sa akin dahil wala naman nakakarinig sa amin.

Bigla akong nanghina, hindi ako magalaw nang may inilabas itong patalim, kitang kita sa patalim na masyado itong matalas madikitan ka lamang nito ay lilikha na agad ito ng sugat.

"Bye-Bye Xia" nanlilisik ang mga matang sambit nito at akmang isasaksak na sakin ito kaya napapikit ako.

Ilang segundo ang lumipas ngunit walang patalim na nakasaksak sa akin, iminulat ko ang aking mata. Nang iminulat ko ito ay nagulat ako nang tumambad sa akin ang katawan ni Ace na ngayon ay sakal sakal si Dave sa pader.

Yung takot na naramdaman ko kanina kay Tricy ay doble sa nararamdaman ko ngayon kay Ace. Masyado siyang nakakatakot, kitang kita sa kanyang mga mata ang galit, handang handa itong pumatay ngayon sa mismong harapan ko.

"A-ace" tawag ko dito ngunit kahit na ano ay wala itong ginawa. Hindi ako nito pinansin at hinigpitan lamang ang sakal kay Dave na ngayon ay hindi makapalag.

"Pakawalan mo ako dito tangina mo!!" sigaw sa kanya nito. Binitawan naman ito ni Ace dahilan para ito'y mawalan ng balanse.

Napahiga ito dahil sa sobrang pagkawala ng hangin sa kanyang katawan, nanghihina ito at tila hingal na hingal. Nagulat ako nang biglang pinulot ni Ace ang patalim na gagamitin sana sa akin ni Dave at agad na isinaksak ito.

"Ace!!" sigaw ko ngunit tila hindi ito nakakarinig. Tinadtad nito ng saksak si Dave hanggang sa mawalan na ito ng buhay.

Nang niya itong wala ng buhay ay hindi parin ito tumigil, pinagsasaksak parin niya ito maging sa mata, bibig, ilong at sa iba pang parte ng katawan. Pagkatapos ay pinulot naman ang tunog at saka pinaghahampas sa mukha nito hanggang sa mawasak.

Hindi ako makagalaw, hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung si Ace ba talaga ang aking nasa harapan o isang demonyong walang awang pinaslang ang isa sa mga kaibigan namin.

Ilang minuto ang lumipas ay nawala ang galit sa mga mata nito at humarap sa akin. Nagulat ako nang may biglang umagos na luha sa kanyang mata, kitang kita sa kanyang mata ang sakit na nararamdaman ngunit bakit.

Dahan dahan itong lumapit sa akin, tinanggal ang pagkakatali sa aking mga paa at kamay, humarap naman ito sa akin habang ang luha sa kanyang mata ay hindi parin nawawala, ngumiti ito sa akin.

Nagulat ako nang hinawakan nito ang aking ulo at inilapit sa mukha niya. Halos isang inch na lamang ang pagitan ng aming mga labi. Binigyan muna ako nito ng ngiti at saka nagsalita.

"I don't want to see you get hurt, all I want is to see your angelic smile"

"A-Ace"

"Xia, I love you more than the universe can hold"

Itutuloy.....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon