Chapter 13

30 6 1
                                    

Chapter 13: Festival of Love


Xia's Point of view


Halos kumintab ang aking mga mata sa pangkamangha sa aking paligid, para talaga siyang paraiso, napakaganda. Hindi ko ineexpect na makakapunta talaga ako sa lugar na 'to.

Biglang nawala ang ngiti sa aking mukha nang maalala na hindi na dapat ako magtagal dito, dahil delikado ang buhay ko. Wala akong kaide-ideya kung sino ang pumapatay, kaya ang mas kailangan ko na lamang gawin ay ang mag-ingat.

Ibinalik ko na lamang ang aking atensiyon sa paligid, napakaraming tao dito, kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya habang naglalaro ng mga games at namimili ng mga kagamitan at merchandise.

Marami din ang nagsisigawan sa mga rides, madaming nagtatawanan at nag ngingitian na mga mukha. Mamaya ay itatry ko rin yan, hindi na ako makapag-hintay.

Mga ilang minuto lamang ang lumipas ay natanaw ko na ang aking mga kasamahan. Ang gagwapo at ang gaganda nila kaya hindi ko maiwasan na ibaba ang aking sarili. Napatingin sa akin si Veyonc'e at saka ako binigyan ng kaway.

"Hi Xia!" sigaw nito, kaya ang lahat ay napatingin sa aking direksiyon.

Nahihiya akong lumapit sa kanila, grabe hindi naman kailangan sumigaw ng ganon kalakas Vey.

Nang tuluyan akong makalapit ay binigyan nila ako ng napakagandang ngiti. Hindi ito pilit dahil ramdam ko kung gaano ito katotoo.

"Antayin na 'tin si Ace at Tricy" sambit ni Dave.

Hindi ko parin maisip, ano kaya ang magiging itsura ni Ace? Ano kaya ang kanyang isusuot? Isa na ata ito sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay tumambad sa amin si Ace at Tricy. Hindi ko maiwasan tumingin sa kanilang dalawa, lalong lumakas ang dating nila dahil sa kanilang ayos at suot.

Naka pulang tuxedo si Ace samantalang si Tricy naman ay nakaitim. May hawak pa itong mga rosas, ayos na ayos ang buhok at kumikinang ang mga sapatos.

Nakangiting lumapit sa amin si Tricy, samantalang si Ace ay ganon pa rin, parang wala sa sarili.

"Dito rin tayo magkikita kita mamaya" panimula ni Tricy, " Mag saya tayong lahat!" dugtong nito.

"Para mas enjoy ay solohin muna natin ang bawat isa" dagdag nito. Teka sino naman ang kasama ko? Ayoko mag isa ah.

"Ace samahan mo si Xia" sabi ni Tricy sabay kindat. Hoy teka, bakit ako? Madami naman pwede diyan.

"Tek-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang magsalita nanaman ito.

"Tara na, mag-iingat kayo" sambit nito at saka sila tuluyang umalis habang kami ni Ace ay naiwang nakatayo dito.

Nagkaron ng sandaling katahimikan sa pagitan namin, nagkakapaan pa kami kung sino ang unang puputol sa katahimikan.

"U-uhmm" putol nito sa katahimikan.

"San tayo?" tanong ko.

"Saan mo ba gusto? " naiilang na tanong nito.

"Gusto ko sumakay sa ride na 'yon oh" sabi ko sabay turo sa ferris-wheel. Gusto ko muna irelax ang utak ko, gusto ko ito ipahinga.

"Ganon ba." sambit nito. "Sige Tara" aya nito sakin.

Nang makasakay kami sa Ferris-wheel ay nagsimula na itong umandar, mabagal lang ang pag-galaw nito kaya mas makakapag relax ka.

"Salamat nga pala sa pag-sama sakin" panimula ko, ngumiti muna ito bago nagsalita.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon