Chapter 25

16 3 3
                                    

Chapter 25: Sacrifice

Xia's Point of view

Hindi ako makagalaw, hindi ako makapag salita at hindi ko alam ang gagawin ko nang marinig ko ang mga salitang kanyang binitawan.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan" sambit nito.

Hindi parin mag sink-in sa isip ko yung mga sinabi niya, so dito naba nagtatapos buhay ko? Hindi ko man lang na defend ang aking sarili?

Nagulat ako nang may biglang lumitaw na dalawang lalaki, malalaki ang katawan nito at nakasuot ng maskara, onti-onti itong lumapit sa akin at saka hinigpitan ang pagkakakapit sa aking mga braso.

Ramdam ko ang sakit dahil sa paghawak nito, sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ako matanggal ang kanilang pagkakahawak sa akin.

"B-bitawan niyo ako, hindi ako ang may kasalanan!" sigaw ko ngunit wala man lang nais na tumulong sa akin pati ang mga kasamahan ko.

"Iupo niyo yan" narinig kong sambit ni angel.

At dahil sa lakas ng dalawang lalaking ito ay hindi naman sila nabigo na madala ako sa electric chair at mapaupo, hindi ko napigilan na umiyak dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Bukod don, umiiyak rin ako dahil wala man lang gustong ipagtanggol or tulungan man lang ako, nakatitig lamang sila sakin ngayon habang ako ay nakaupo dito at ilang sandali nalang ay mawawalan na ako ng buhay.

"Ready ka na ba sa impiyerno Xia" natatawang sabi ni Angel.

"Wala akong kasalanan!" sigaw ko ngunit wala itong ginawa kundi ang tumawa lamang.

"Akala ko pa naman kaibigan mo sila?" panimula nito at saka itinuro ang direksiyon kung nasaan ang mga taong tinuring kong kaibigan na ngayon ay agad na nag-iwas ng tingin sa akin. "Oh bakit hindi ka nila tinutulungan at pinapabayaan ka lamang nila na mawalan ng buhay ngayon" dugtong nito atsaka humalakhak.

Hindi ko siya pinansin, itinuon ko ang aking paningin sa mga kasamahan ko, nakatitig din ito sa akin at kitang kita sa kanilang mata na nag-aalala naman sila sadyang wala lang din silang ibang magawa para matulungan ako dahil may isa talaga na kailangan magsakripisyo.

Habang tumatagal ay tinatanggap ko na rin ang kamatayan ko, kung hanggang dito nalang ako ay tatanggapin ko, kung hindi ko na magagawa ang goal ko sa mundong ito, it's okay basta ang mahalaga ay makaligtas ang mga kasama ko, kahit huwag na ako, ayos na ayos na ko don.

"At dahil wala namang umaapila eh simulan na natin ang pagbitay kay Xia Manchester patungong impiyerno" sambit ni Angel at saka humalakhak nanaman.

"Demonyo kang bruha ka" sambit ko ngunit ngumisi lamang ito sa akin.

"Simula na ang pagbitay" sambit nito kaya napapikit ako dahil alam kong sobrang pag-hihirap ang aking mararanasan bago mamatay.

Ilang segundo akong nag-antay na may dumaloy na kuryente sa katawan ko ngunit wala, at dahil doon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na dumilat at tignan kung ano bang nang-yayari.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay agad na pumukaw sa akong atensiyon si Ace na ngayon ay nakataas ang kamay, lahat ng atensiyon ay nasa kanya ngayon. Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Huwag si Xia, Ako nalang" sambit nito.

"Owww hero?" panimula ni angel at saka humalakhak nanaman, para siyang witch sa ginagawa niya. "Bakit ikaw ba ang Killer kaya ikaw na mismo ang nagrerepresinta?" sambit nito ngunit hindi siya pinansin ni Ace na ngayon ay nakatingin sa akin at saka ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Oo ako ang pumatay" sambit ni Ace. Nagulat ako nang bigla nanaman siyang sapakin ni Carl.

"Tang-ina mo! Ikaw pala ang pumatay bakit hinahayaan mo lang na si Xia?!! Mabuti naman at natauhan ka na hayup ka!" sigaw nito kay Ace. Binigyan muna ni Ace ito nang nakakaasar na ngisi bago ito sinagot.

"Kapag walang ambag manahimik nalang, nagmumukha ka lang tanga" sambit nito.

"H-hindi ikaw ang pumatay" sambit ko kay Ace ngunit hindi ako nito sinagot.

"Huwag na magsisihan!" sambit ni angel at saka sinenyasan ang dalawang lalaki na pakawalan ako para ang ipalit ay si Ace.

Nang makawala ako ay inayos ko muna ang aking sarili, nang makasalubong ko si Ace na ngayon ay papalit sa aking kinauupuan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na kausapin ito.

"B-bakit" panimula ko. "B-bakit mo ginagawa itong bagay na ito kahit na ikapahamak mo" sambit ko, tumingin muna ito sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin na para bang malalim ang iniisip at saka agad akong binigyan ng matamis na ngiti bago nagsalita.

"Diba sinabi ko naman sayo na ayoko na may nananakit sayo, ayoko ng napapahamak ka" panimula nito. "Mahal kasi kita Xia kaya kahit na ikapahamak ko pa ito ay wala akong pake makita lang kitang ligtas" sambit nito at saka ako nilagpasan.

Hahabulin ko sana ito para pigilan ngunit biglang may humawak sa akin, si Tricy.

"Please Tricy" sambit ko ngunit ngumiti lamang ito sa akin.

"Kapatid mo siya diba? Ba't hindi mo siya tulungan?! Tulungan mo ako hindi siya ang pumatay kay Ianzien" sambit ko.

"Hindi nga, oo kapatid ko nga siya pero ang tangi lang na ikasasaya niya ay makita kang ligtas, bilang kapatid ay ang hangad ko lang din ay ang kasiyahan niya" sambit nito dahilan para natigilan ako at napagtanto na wala na akong magagawa, bigo na ako.

Agad na tumingin ako sa direksiyon ni Ace, nagulat ako nang nakatingin ito sa akin at saka nakangiti. Ilang segundo lang ang lumipas ay nanlaki ang mata ko nang bigla itong sumigaw sa sakit.

"HAHAHAHA saya ba Ace Vincent Villafuerte?" pang-aasar ni Angel dito ngunit nanatiling nakangisi si Ace.

Nagulat ako nang biglang takpan ni Tricy ang mata ko kasabay nang pag sigaw ni Ace, wala nanaman akong magawa kundi ang umiyak. Napakahina ko, hindi ko man lang siya natulungan at lagi nalang ako ang nagpapahamak sa kanya.

Nakalimang sigaw si Ace dahil pinahihirapan ito ni Angel, hindi ko man siya nakikita pero nararamdaman ko na nahihirapan na siya, mas lalong umaagos ang aking mga luha everytime na naririnig ko ang kanyang sigaw dahil sa sakit at paghihirap.

Hindi pa rin inaalis ni Tricy ang pag takip sa mata ko ngunit wala ding saysay iyon dahil ramdam ko ang kanyang paghihirap, ang sakit kasi dahil sakin ay may ibang tao na mapapahamak.

Ilang minuto na ang lumipas ganon pa rin ang akong naririnig, ang bawat daing at sigaw ni Ace dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Natigilan ako nang may biglang sumigaw, hindi iyon sigaw ni Ace.

"Pakawalan niyo siya dyan! Ako ang pumatay!" sambit nito na ikinatigil ng lahat.

Itutuloy....

Author's Note:

Pasensiya na matatagalan ang update, may sakit kasi ako eh wait ko nalang gumaling hehehe labyu all.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon