Chapter 24

17 4 1
                                    

Chapter 24: Judgement

Xia's Point of view

"Get ready sa next challenge, magiging masaya 'to" nakangiting sambit nito dahilan para sabay sabay kaming mapatingin sa monitor.

"Hindi ko inakalang makakarating kayo sa lugar na'to, nakakamangha" panimula nito. "Tignan natin ngayon, na kayo kayo mismo ang magkakalaban" sambit ni angel at saka kami binigyan ng nakakaasar na halakhak.

Hindi parin namamatay ang monitor ngunit nagulat kami nang biglang may bumukas na selda dahilan para doon namin ituon ang aming mga paningin.
Mayroon isang upuan sa loob nito, hindi lang siya isang ordinaryong upuan, sa pagkakaalam ko ay ito yung mga ginagamit sa pagbitay? Yung kukuryentehin ka hanggang sa mamatay ka.

"Te-teka" panimula ni Carl kaya ang lahat ay napatingin sa kanya. "Wa-wala pa si Dave dito intayin natin siya bago magsimula" dagdag nito.

Agad akong nakaramdam ng kaba at takot dahil sa mga kanyang sinabi, alam ko at kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano at kung sino ang pumaslang dito. Walang maaring makaalam non dahil alam kong mapapahamak si Ace.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay humalakhak lamang si angel dahilan para kumunot ang noo ni Carl na ngayon ay nag-aabang sa kanyang isasagot.

"Wala na tayong dapat antayin, wala ng buhay ang sinasabi mong Dave" natatawa nitong sambit.

"Pa-paano" nanginginig na sambit ni Joannamae.

"HAHAHAHA ay di nga pala kayo aware noh?" pang-aasar ni Angel dahilan para mapasigaw si Carl sa galit.

"Ano?!!" sigaw nito dahilan para mas lalo pang humalakhak si angel.

"Malay mo isa lang pala sa inyo ang pumatay" natatawa ng sambit nito.

Hindi na nag dalawang isip pa na tumingin sa gawi ko si Carl, lalong sumama at tingin nito sa akin at ramdam ko na gustong gusto na ako nito saktan.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay bigla itong sumugod sa akin at akmang sasaktan ako nang biglang humarang si Ace para pigilan ito.

"Huwag kang makialam dito!" sigaw nito kay Ace ngunit si Ace ay kalmado lamang pero ramdam mo ang galit sa kaniya.

"Subukan mong saktan si Xia, hindi ka na makakalabas ng Kulungan na 'to nang buhay" seryosong sambit nito dahilan para itigil ni Carl ang kanyang balak at sinubukang kumalma.

Agad na tinulak ito ni Ace palayo kaya agad na lumapit dito si Yuki para alalayan, hindi parin nawawala ang masamang titig sa kanilang dalawa, hanggang ngayon ay ako parin ang sinisisi nilang pinatay kay Ianzien, at ngayon kay Dave naman.

"Oh bakit kayo nag-aaway away" nang-asar na sambit ni Angel. "Akala ko ba ay magkakaibigan kayong lahat" dugtong nito.

"Shut the fuck up!" sigaw sa kanya ni Carl ngunit ngumisi lamang ito.

"Okay simulan na natin" panimula ni angel. "May mga tanong ako sa inyo, wala kayong ibang gagawin kundi ang sumagot" dagdag nito.

"T-tapos?" kinakabahan tanong ni Veyonc'e.

"Mag-intay ka bruha" sambit nito kay Veyonc'e.

"Nag-aantay naman ako ah? Nagtanong lang eh kala mo siya di bruha" sambit nito at saka ngumuso. Wala naman na ginawa si Angel kundi ang umirap.

"Ngunit kapag hindi accepted ang inyong pagsagot ay maaari kayong umupo sa upuan na iyong nakikita" tuloy nito. "Alam niyo na mangyayari sa susunod" dagdag nito.

"At para sa huli" paliwanag nito. "Boboto kayo kung naniniwala ba kayo sa sinasabi or hindi" sambit nito.

Ilang segundo din kaming natahimik, nakuha ko ang kanyang pinuputo, para kaming nasa Supreme Court na kailangang Idefend ang aming mga sarili, at ang mga kaibigan ko ang magsisilbing jury.

"Sisimula natin kay Carl" panimula nito. Tinignan ko naman si Carl na ngayon ay halatang kinakabahan, well kahit naman sino sa amin ngayon na nandito sa loob ay nakakaramdam ng kaba kahit na alam namin na wala kaming kasalanan o maling ginawa.

" May galit ka ba Kay Ms. Ianzien Dela Vega?" sambit nito.

"Wala" agad na sagot ni Carl.

Sinenyasan naman kami ni Angel na bumoto kung agree or disagree, good to say na lahat naman kami ay agree sa kanyang mga sinambit.

"Yuki" sambit naman nito. "Sino sa tingin mo ang walang awang pumatay kay Ianzien" sambit nito.

Napabuntong hininga muna ito bago sinagot ang katanungan na ibinigay sa kanya. "Xia" galit na sambit nito.

Sinenyasan na kami na bumoto, ilang segundo lamang ang lumipas ay lumabas ang resulta.

Ace- Disagree
Tricy- Disagree
Yuki- Agree
Carl - Agree
Veyonc'e - Disagree
Enrique - Disagree
Joannamae--Disagree

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ang resulta, tinignan ko si Yuki na ngayon ay masama ang titig sa akin.

" Mr. Tricy" sambit ni Angel kaya ang lahat ay napatingin kay Tricy na ngayon ay nakangiti. Ang weird nitong lalaki na 'to, imbis na kabahan ay parang nanloloko lang dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha.

" Totoo ba na si Xia ang inyong nakita noong gabing naganap ang krimen?" sambit nito.

"Yes" sambit nito.

"Wala naman ibang tao maliban sa kanya diba?" sambit nito.

"Yes, wala naman kaming ibang nakitang tao don" sambit ni Tricy.

Agad na tumingin sa akin si Angel habang nakangisi ito. Nakaramdam ako ng kaba, hindi ko mabasa ang nasa kanyang isipan, kinakabahan ako base sa kanyang mukha.

"Xia" panimula nito. "Maaari mo bang ipaliwanag ang nangyari kung bakit andon ka noong mga araw na iyon?" sambit nito.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang magsalita, ang lahat ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa aking mga sasabihin.

"Noong gabing iyon ay napansin ko si Ianzien na parang natataranta, para itong hinahabol ng kung sino" panimula ko. "Noong napansin ko iyon ay hindi ako nag dalawang isip na sundan ito, nagulat ako non kasi pumasok siya sa isang lumang gate kahit na alam naman naming lahat na pribado ang lugar na iyon, hinanap ko siya pero hindi ko siya nakita, puro puno lamang ang nakita ko noong gabing iyon, wala rin akong marinig na kahit na anong tunog, ngunit ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong sigaw, pamilyar ang boses non sakin at alam kong si Ianzien iyon kaya agad ko iyong pinuntahan" dagdag ko.

"Sinungaling ka!!" sigaw ni Carl at aktong lalapitan nanaman ako nang biglang sumigaw si Angel.

"Patapusin mo muna siya kung ayaw mong ikaw ang uupo sa Electric chair!" sigaw nito dahilan para matigilan si Carl.

"Proceed" sambit nito.

"Ayon tapos nagulat ako nadulas ako nung time na iyon, tapos pag tingin ko nandun na yung katawan ni Ianzien na wala ng buhay" sambit ko.

"Alam niyo ba ang kapalit ng pagpatay na ginawa ng kung sino sa inyo?" panimula nito. "Kamatayan rin" dugtong naman nito dahilan para manginig ang aking mga tuhod.

"Hiningi ko lamang ang mga opinyon niyo, ngunit mayroon na talagang resulta" panimula nito dahilan para mas lalo ako kabahan.

"S-so para saan pa ito?" nagtatakang tanong ni Tricy.

" Malay natin ay magbago ang pasya" panimula ni Angel. "Ngunit base sa nangyari ngayon ay walang dapat baguhin sa pasyang ibinigay" sambit nito.

Kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam ang aking gagawin, alam kong mainit ang mata ng karamihan sa akin kaya alam kong ako ang sisisihin nila.

"Naimbestigahan na ang buong lugar ng organisasyon at wala silang nakita na kahit na ano pang pwedeng maging katunayan na may iba pang tao bukod kay Xia" panimula nito. "Ngunit wala silang nakita na kahit na ano" dagdag nito dahilan para mas lalo akong kabahan. Bumuntong hininga muna ito bago ituloy ang kanyang sasabihin.

"Xia Manchester, ikaw ay nagkasala sa pagpatay kay Ms. Ianzien Dela Vega, ang iyong matatanggap na parusa ay walang iba kundi ang iyong kamatayan"

Itutuloy....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon