Chapter 4

25 5 0
                                    

Chapter 4: Escape

Xia's Point of View

"Please, wag mo akong patayin" sambit ko habang umaagos ang aking mga luha sa aking mata.

"Shh, wag kang matakot andito na ako" sambit ng familiar na lalaki. Hindi ako makapaniwala na andito siya, kaya agad ko siyang niyakap, hindi ko mapigilan ang aking sarili.

"Takot na takot ako" yan na lamang ang aking nasabi dahil masyado akong drained sa nangyari, hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang mga ganitong bagay.

Hindi siya nagsalita ngunit hinimas niya ang aking ulo at saka hinigpitan ang kanyang yakap, naramdaman ko bigla na ligtas ako dahil kasama ko siya.

"Tahan na" tipid na sambit nito. Medyo naging komportable na din ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya sakin. Ito yung first time na may yumakap saking tao, dahil simula bata palang ako ay walang gustong yumakap sakin dahil wala naman silang pake sakin lahat. At dahil wala akong choice ay mga manika ko na lamang ang aking niyayakap kapag nakakaramdam ako ng lungkot.

"Bakit andito ka?" tanong ko sa kanya

"Nagkataon lang" sagot nito

"San kaba nanggaling Ace? Kanina ka pa namin hinahanap" sabi ko sa kanya dahilan para yumuko ito.

"Wala may inaasikaso lang ako, matulog na muna tayo, antayin nalang natin mag umaga" sabi nito kasabay nang pag-sandal sa pader at saka pumikit.

" Pano kung andito killer? Baka patayin niya tayo pareho?" ani ko, well totoo naman diba? Mas mabuti na yung palagi kang handa dahil buhay mo ang nakataya dito.

"Trust me, hindi niya tayo makikita" Seryosong sagot nito sakin habang nakapikit pa din.

Iniisip ko ang kalagayan ng mga kasamahan ko, well aaminin ko na kaibigan na talaga ang turing ko sa kanila. Kaya hindi ko pa rin maiwasang mag alala. Sana ay okay lang talaga sila.

Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Ace na ngayon ay mahimbing nang natutulog, halata sa kanya na napagod din siya kaya ang bilis niyang makatulog.

Tinitigan ko ang kanyang mukha, masyadong maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapula ang kanyang labi, mahaba ang mga pilikmata at maganda rin ang pagkakashape ng kanyang mukha.

Hindi ko parin maiwasang isipin na gagawin niya sakin yung kanina, sa pagkakaalam ko ay masyadong siyang cold at walang pakialam sa kanyang paligid base sa aking mga nakikita sa kanya noong una. Kaya nakakagulat lang na bigla niya akong yayakapin, siguro ay naaawa lang siya sakin.

"Stop staring at me, go to sleep" Sabi nito na ikinagulat ko. Hindi ko napansin na masyado ng malalim ang aking iniisip habang nakatitig sa kanya.

Dali-dali akong umiwas ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Akala ko ay tulog na siya pero nagkakamali ako. Nakakahiya ka xia, nakakahiya.

Third Person's Point of view

Nagka hiwa-hiwalay ang grupo dahil sa biglaan na nangyari, ang bawat isa ay nakaramdam ng takot at pangamba dahil ang buhay nila ay nalalapit nang mag wakas.

Habang abala ang iba sa pagtatago at pagtakbo. May isang lalaki ang naglalakad mag isa patungo sa kinaroroonan ng killer.

Walang kamalay malay ang lalaki tungkol dito, dahan dahan lamang siyang naglalakad, pero pinipilit niyang huwag lumikha ng kung anong ingay bilang pag-iingat sa kanyang sarili.

Napatigil ang lalaki dahil siya ay nasa kanto, hindi niya alam kung saang direksiyon siya tutungo, siya ngayon ay nalilito dahil isang maling hakbang lang ang kaniyang gawin ay buhay na ang nakataya dito.

Mga tatlong minuto bago siya nakapag desisyon sa gagawin niyang hakbang. Tumungo siya sa kanang direksiyon, hindi man lang ito nakakaramdam ng panginginig ng katawan. Siguro ay nasa mind-set nito na, just go with the flow nalang kung ano ang mangyari dahil doon din naman ang hantungan ng lahat, sa kamatayan.

Pinagmamasdan ng lalaki ang paligid, napangiti ito at napangisi. Kitang kita sa kanya ang galak at pagkamangha sa kaniyang nakikita. Maya maya lang ay bigla itong nagsalita.

"Labas na" sambit nito.

Kung makikita ang paligid ay wala kang mararamdaman na kahit sino, walang tao at tanging hangin lamang ang nagbibigay ng ingay. Maya maya pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay may isang lalaking sumulpot sa kinatataguan niya, naka maskara parin ito at dala dala ang palakol.

Pagtapos nito lumabas ay humalakhak nanaman ito na parang isang tinig ng demonyo. Hindi man lang nakaramdam ng takot ang lalaki sa kanyang kinatatayuan dahil sa paglitaw ng killer.

"Mapag panggap ka talaga, kaya ka pala umalis kanina dahil ikaw pala ang mamamatay sa atin" panimula ng lalaki.

"Hindi mo ako kilala" sagot sa kanya ng killer.

"Bakit hindi mo nalang hubarin ang iyong maskara ginoo?" paghahamon nito sa kanya.

"Huwag ka mag alala, bago ka mamatay ay ipapakita ko sayo ang maamo kong mukha" sambit nito atsaka humalakhak nanaman. "Mas kilala kita kesa sa sarili mo, huwag ka mag alala" dugtong nito.

Naguluhan ang lalaki, napakamot ito sa kanyang ulo dahil sa sinabi ng killer, bakas sa mukha niya ang pagkairita at pagkagulo sa kanyang isipan.

Hindi niya naramdaman na katabi na pala niya ang killer, sinipa siya nito sa maselang parte ng katawan dahilan para manghina ang lalaki, para itong nangingisay dahil sa sakit na nararamdaman.

"Huwag ka mag alala, da dahan-dahanin lang natin 'to" sabi ng killer sa kanya.

Sobrang lakas ng pagkakasigaw ng lalaki dahil sa pag palakol ng killer sa kanyang kaliwang binti dahilan upang maputol ito. Umagos ang napakaraming dugo sa kanyang binti.

"Ang saya diba? Try natin sa kanan, Total you're not right" sambit nito at saka pinalakol ang kanang binti ng lalaki. Sigaw ng sigaw ang walang kalaban laban na lalaki, hirap na hirap ito at wala na siyang kalaban laban dahil putol na ang kanyang nga binti.

"Naiinip na ako" sabi dito ng killer

"Ha-Hayup ka!!" sagot ng lalaki habang iniinda ang sobrang sakit na nararamdaman.

"Hays, tapusin na na'tin ito, inaantok nako eh" sagot sa kanya ng killer sabay palakol sa pag kabilang braso nito dahilan upang mapa sigaw nanaman ito ng sobrang lakas. Rinig na Rinig ang tinig nito na nag eecho, ngunit walang makakarinig sa kanya dahil walang katao tao sa lugar na iyon.

Putol ang parehas na braso at binti ng lalaki, onti-onti narin siyang nawawalan ng dugo at hinaing hina na siya na nagpapahiwatig na malapit na siyang malagutan ng hininga.

Onti-onti na ring pumipikit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa killer, tinanggal ng killer ang kanyang maskara at saka tumingin sa biktima.

"Itinupad ko na pangarap mo" sabi nito. "Goodbye Ivan" dugtong nito.

Gulat na gulat ang biktima sa nakita niyang mukha. "I-ikaw ay—" hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil sa labis na panghihina. Nakita niya na rin na onti onting nawawala sa paningin ang killer.

"Masaya ako, napakasaya ko na nakasama ko kayo, ngayon lang ako nagkaron ng kaibigan, hindi ko ineexpect na sa lugar na ito ko pa pala makukuha ang matagal ko ng inaasam, it's okay na panandalian lang, mga kaibigan please try to—" hindi na niya natapos ang kanyang nasa isipan dahil siya ay tuluyan ng nalagutan ng hininga.

"Escape" sambit ng killer

Itutuloy....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon