Chapter 26

15 2 5
                                    

Chapter 26:  Love before I go

Veyonc'e's Point of view

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaabot ako sa palapag na ito, masyado akong lampa at syempre hindi naman din ako ganon kagaling sa mga diska-diskarte.

Mabagal lamang ang aking paglalakad habang ang aking paningin ay nakatuon lamang sa aking paligid, kailangan ko maging alerto at matalino sa lugar na'to dahil onting pagkakamali lang ay buhay na ang aking mawawala.

Agad akong nagtago nang makita ko ang isang grupo ng lalaki na para bang may hinahanap na kung sino, sinusubukan kong huwag lumikha ng kahit na anong tunog, pero at dahil ay tatanga tanga ako, ayon napa-ubo si ate mo girl.

Bigla kong hinawakan ang aking bibig habang pinagdarasal na walang sino man sana ang nakarinig sa akin. Kahit kelan ka talaga Vey, ang shonga shonga mo.

Agad akong sumilip sa direksiyon nila, nagulat ako habang nakangisi ang mga ito at akmang pupunta na sa lugar kung nasaan ako kaya hindi na ako nag dalawang isip at tumakbo na lamang.

Habang tumatakbo ako ay naririnig ko ang kanilang mga sigaw, bahala na si Batman basta go lang takbo lang ganon. Kunwari nasa temple run tayo tapos ako yung prinsesa tapos sila naman yung mga unggoy na naghahabol sa akin.

Syempre kinabahan ako lalo na nong narinig ko ang kanilang tinig, yung tinig na kahit alam mong hindi mo sila nakikita pero ramdam mo na malapit na sila sayo.

Sinubukan ko pa ring bilisan ang aking takbo ngunit gaya nung nangyari sa akin nung time na nasa Street pa kami ay nadapa nanaman ako, ang malas ko talaga sa mga gantong sitwasyon.

Napadaing ako dahil sa sakit nang pagplakda ng katawan ko sa sahig, ipinagpag ko ang aking sarili at akmang tatayo pa sana uli para makipag temple run sa mga unggoy na 'to pero huli na ang lahat. Naabutan na nila ako huhu.

"Sayang ka miss, maganda ka pa naman kaso lampa ka" sambit ng isang lalaki na parang Christmas tree ang mukha dahil sa dami ng hikaw na nakakabit dito, sa tainga, sa ilong, sa labi ay saka sa dila nito.

"Hala 'di ako nainform malapit na pala ang pasko" sambit ko at saka nagtawanan ang mga kasamahan nito habang siya ay halos umusok na ang ilong at bibig dahil sa galit gawa ng napahiya ata sa sinabi ko.

"M-magbabayad ka" sambit nito at saka inilabas ang isang malaki at mahabang ano.. Ano.. Mahabang tubo at akmang hahampasin ako. Teka lang bakit ba Suki ako sa mga gantong sitwasyon na hahampasin nanaman ako, nung una baseball bat tapos ngayon naman tubo, hustisya naman oh.

Papikit na sana ako dahil akma na niyang ihahataw sa akin yung tubong hawak niya nang biglang may lumabas na usok. Masyadong makapal ito dahil wala na akong makita o maaninag na kahit na anino. Akmang aalis na sana ako para tumakbo dahil ito na ang chance ko para makatakas nang may biglang humigit sa akin palayo sa lugar na iyon.

Nang tuluyan kaming makaalis ay agad kong tinignan kung sino ito, tumambad sa aking mga mata ang nakangiting mukha ni Enrique.

"Ang lampa mo talaga kahit kailan kaya ka lagi napapahamak" natatawa ng sambit nito sa akin.

"Duhh malas lang talaga" sambit ko ngunit niyakap ako nito.

"Namiss kita Vey, namiss mo din ba ako?" sambit nito. Well aaminin ko na childish talaga itong si Enrique, ewan pero isip bata talaga siya kahit saan mo tignan anggulo, and syempre hindi ko rin maitanggi na baby face din 'to.

"Hindi" sambit ko ngunit umakma ito na akala mo'y umiiyak talaga pero halata namang hindi. Wala naman akong choice kundi ang saktan nalang ang pagiging childish niya.

"Tahan na Enrique sige Miss na kita hehe" sambit ko. Tumingin naman agad sa akin ito at saka binigyan nanaman ako ng malawak na ngiti at saka yumakap nanaman sa akin. Hindi ko maiwasang magmula dahil aaminin ko na may pagtingin talaga ako sa kanya.

"Yehey" sambit nito at saka hinawakan ang pisngi ko at saka kinurot. Napadaing naman ako dahil sa sakit ngunit tumatawa lamang itong nakatingin sa akin.

"E-Enrique" panimula ko, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mukha na ngayon ay nakatingin sa aking direksyon at nag-aabang na ituloy ko ang aking pagsasalita.

"A-ano kasi, uhmm—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla itong nagsalita na ikinagulat ko.

"Na crush mo ako o love mo ako?" sambit nito dahilan para lalo akong mamula, hala pansin niya rin pala.

Ang ngiti na nakapinta sa kanyang mukha ay napalitan ng isang seryoso at medyo nakakatakot ba ekspresyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil 'don. T-teka ngayon ko lang naman naisipan na umamin kasi syempre hindi ko alam kung hanggang kelan ba tatagal ang buhay ko.

"Huwag ka mag-alala love din naman kita nung una pa lang" sambit nito at saka ngumiti nanaman.

Bigla akong natigilan sa kanyang sinabi, hindi ko ineexpect na ganitong sagot ang aking matatanggap, hindi ako makapaniwala.

"Hoy namumula ka Vey" sambit nito at saka humalakhak dahilan para mas lalo akong mailang, wag kang ganyan marupok ako pero di pokpok.

"H-hindi kasi ano-" hindi ko nanaman natuloy ang aking sasabihin kasi bigla ako nitong niyakap nang mahigpit at saka ako binigyan ng isang salita na tumatak sa aking puso.

"Shh huwag ka mahiya, mahal kita okay kaya huwag ka lalayo sakin" sambit nito at saka tuluyang humarap sa akin habang ang nakanguso. Isip bata talaga!

"Osya Tara na at baka makita pa tayo ng mga unggoy" sambit ko ngunit kumunot ang noo nito.

"Ah yung mga lalaking humabol sa akin kanina" panimula ko. "P-pero, saan naman natin mahahanap ang susi" sambit ko.

"Ako kasi nahanap mo eh" sambit nito. Teka hoy marupok ako bakit ka ganyan Enrique.

"Joke, nasa akin ang susi nakita ko hehe Tara na" sambit nito at saka hinawakan ang aking kamay patungo sa pinto na kinaroroonan ng iba pa naming mga kasama.

******

"Pakawalan niyo siya dyan! Ako ang pumatay!" sambit nito na ikinatigil ng lahat.

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang pagsigaw, Enrique?

"Ako ang pumatay, pakawalan mo si Ace diyan at ako ang ipalit" sambit nito dahilan para ang atensiyon ay sa kanya ituon.

"Seryoso ka ba talaga dyan?" naiiritang sambit ni Angel. Enrique please huwag mong gawin ito.

Minuto din ang nakalipas pagkatapos niyang magpaliwanag, mga paliwanag na puro kasinungalingan. Alam kong walang kasalanan si Enrique sa mga nangyayari ngayon, isa siyang inosente at isip bata. Please huwag mo na ituloy.

Natigilan ako nang biglang magsalita si Angel. "Okay wala ng makakapigil ito na ang kast decision, si John Enrique Velasco ang nagkasala at ang kanyang parusa ay kamatayan!" sambit nito at saka sinenyasan ang dalawang lalaki na kunin si Enrique at ipalit sa upuan.

Ibinaling ko ang aking paningin kay Ace, hinaing hina na ito dahil sa sakit ng kanyang naranasan kanina. Agad na lumapit dito si Ate Xia para alalayan ito.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Enrique, nang dumaan ito sa aking direksiyon ay may ibinulong ito at saka may inabot sa aking isang papel.

"Mahal kita Vey" sambit nito at saka tuluyan nang tumalikod sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na maiyak. Bakit mo ginagawa ito Enrique.

"At para sa mga ibang andito, maaari na kayong bumaba!" sigaw ni Angel.

Hindi ako nang dalawang isip na tumakbo papunta sa kinauupuan ni Enrique, sinubukan ko itong tulungan at pigilan sa kahibangan niya ngunit nagulat ako nang may biglang tumusok na parang isang syringe sa aking likod dahilan para ako'y onti onting nang hina.

" Vey!" Narinig kong sigaw ni Enrique

"I love you too" sambit ko at saka tuluyang nawalan ng malay.

Itutuloy...

Author's Note

Hala guys nag-update ako now kasi may nag request so ayon hehehe papagaling na muna ako ulit ah, labyu all.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon