Chapter 20

26 5 10
                                    

Warning: May Onting SPG pero di naman ganon kalaswa hehe good boy po ako.

Chapter 20: IV

Xia's Point of view

"Hanapin mo na ang Elevator" sambit nito na agad ko namang ikinagulat. Wala akong nasagot, hindi ako nakapagsalita, alam ko ay natapos na ang oras at wala man lang ako kahit na isang letrang nabanggit.

Napansin nito na may nakaguhit na pagtataka sa aking mukha kaya agad ako nitong nginitian dahilan para mas lalong lumala ang pagkagulo sa aking isipan.

"Bakit tila nagtataka ka binibini?" sambit nito habang ang kanyang ngiti ay tila hindi parin nawawala sa kanyang mukha.

"Akala ko po ba ay maiiwan na ako dito habang buhay dahil wala naman po akong nasagot, nanahimik lamang po ako?" tanong ko.

"Nakuha mo ang tamang sagot sa bugtong" nakangiting sabi ng matanda.

"T-teka po, hindi ko po maunawaan, paano po ako naging tama? Wala naman ho akong sinabing kahit anong salita?" sambit ko.

"Sabi ko Tama ang iyong sagot, pumunta ka nalang sa Elevator at tigilan ang mga walang kwentang tanong" sambit nito.

"Pero gusto ko lamang pong malaman kung paano naging tama ang aking tugon" sabi ko. Nag bunting hininga muna ito bago sagutin ang aking tanong.

"Wala kang dapat na isagot, dahil bilang magulang ay pantay dapat ang pagtingin mo sa iyong pamilya" panimula nito. "Pwede mo naman sabihing parehas ngunit hindi iyon maaaring isagot sa bugtong, kaya imbis na iyon ang iyong itugon eh mas mabuti na huwag ka na lamang sumagot" dugtong nito.

Nakukuha ko na ang punto nito, napangiti ako dahil sa mga narealize kong mga bagay bagay.

"Pero what if mangyari po iyon sa buhay ko? Hindi ko po talaga alam kung sino ang aking ililigtas sa ganong sitwasyon" sambit ko dahilan para mapangiti ang matandang babaeng aking nasa harapan.

"Sige na binibini, kailangan mo nang bumaba para makita ang iyong mga kaibigan" sambit nito.

Bago ako umalis ay hindi naman ako nahirapan hanapin yung Elevator dahil itinuro naman ito sa akin ng matandang babae. Nakangiti akong pumunta rito, bumukas ito ng kusa nang sakto ng nakarating ako sa harapan nito kaya wala na akong magawa kundi ang pumasok.

Napabuntong hininga ako habang inaantay na ako'y tuluyan na makarating sa susunod na palapag, medyo napagod din kasi ako kakahanap sa task na dapat kong gawin kaya hindi ko mapigilang mapaupo habang ang Elevator ay umaandar pababa.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumigil ito at bumukas ng kusa. Dahan-dahan akong lumabas kasabay ng pagsara nito. Huminto muna ako dahil kulang parin ang pahinga ko sa pagod. Ilang sandali lang kusang bumukas ang monitor sa aking harapan.

"Kamusta ang unang task Xia?" natatawang sambit ni Angel.

"Enjoy" sarkastiko kong sabi.

"Mas mag-eenjoy ka dito" sambit nito.

"Bakit?" nagtataka kong tanong ngunit humalakhak muna ito bago sinagot ang akin katanungan.

"Wala kang ibang gagawin sa palapag na ito kundi tumakbo" panimula nito. "Huwag ka nga lang magpapahabol kundi katapusan mo na" natatawa nitong sambit.

"Bakit ano bang meron sa palapag na 'to?" nagtataka kong tanong.

"Ang ikalimang palapag ay tinatawag na floor for honesty" panimula nito. "Pinakamadaling palapag iyon dahil kailangan mo lang naman sagutin ang isang bugtong sapamamagitan ng iyong puso" paliwanag nito. Ahh kaya pala ayon lang ang aking ginawa kanina, mabuti na lamang ay nakapasa ako.

"Eh itong palapag na ito?" nagtataka kong sagot dahilan para ngumisi ito.

"This floor is called Horny Cells" panimula nito. "Dito sa palapag na 'to nakakulong ang mga taong nagkasala sa kasong Rape" dugtong nito dahilan para makaramdam ako ng konting kaba.

"T-tapos?" tanong ko.

"You must run away from them or else they will rape you with no mercy" sambit nito dahilan para manlaki ang aking mga mata.

"H-hoy hindi naman-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla itong sumigaw.

"Rules are rules Xia" sambit nito.

"Once na mamatay itong monitor sa iyong harapan ay maaari ka nang tumakbo dahil sabay sabay magbubukas ang selda" sambit nito sabay halakhak, para siyang wich sa kanyang mga tawa.

"Kapag tatanga tanga ka Xia, they will taste you wahaha" sambit nito kasabay nang pagpatay ng monitor.

Napahinto muna ako para iabsorb ang kanyang mga sinabi, ngunit nagulat ako nang bigla akong may narinig na malakas na tunog, ang tunog na iyon ay parang selda na sabay sabay na bumukas.

Agad akong nagtago nang marinig ko ang sabay sabay na pagbukas nito. Sinusubukan kong huwag lumikha ng kahit na anong tunog para walang makarinig sakin. Alam ko na alam nila na may tao dito kaya mabuti na mag doble ingat, ayoko pa maging putahe huhu.

Ilang segundo lamang ang lumipas nang may narinig akong mga yabag ng paa. Tinakpan ko ang aking bibig at pinagdasal na sana ay hindi nila ako makita, kundi mapapa temple run tayo ng wala sa oras.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa aking bibig nang nawala ang yabag at ingay sa paligid. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil ramdam ko na wala na sila dito kaya may chance na ako para hanapin ng Elevator pala makaalis agad sa kadiring palapag na 'to.

Akmang aalis na sana ako sa aking tinataguan nang biglang tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki dahilan para mapatili ako sa gulat, agad ko itong sinuntok sa mukha at saka tumakbo.

Narinig ko itong sumigaw at tinawag ang kanyang mga kasamahan, narinig ko rin ang mga sigaw nito sakin ngunit hindi ko ito nilingon dahil ang kailangan ko ay makaalis dito.

Wala na akong pakialam kahit saan ako dalhin ng aking mga paa, ramdam ko ang mga lalaking humahabol sa akin, mga pito sila.

Napatigil ako sa pagtakbo nang wala na akong pwede pang matakbuhan , shit dead end. Agad akong lumingon ngunit wala na akong magawa dahil malapit na sila sa akin.

"Hi miss" panimula ng lalaking mahaba ang balbas, ano ba naman 'yan, ipaparape nalang ako sa mga sugar daddy pa. Wala pa sila sa libag ng mga lalaki sa possessive series.

Hindi ko ito sinagot, sa halip ay inirapan ko lamang ito, sa sobrang inis at pagkapahiya ay sinapal ako nito dahilan para ako'y mapaupo sa sakit.

"Mukhang masarap ang babaeng' to ah" rinig kong bulong ng isang lalaki.

"Hubaran niyo na yan" sambit nito.

Wala naman na akong palag dahil pito sila, hawak nila ang dalawa kong kamay at paa at akmang huhubaran ako. Sumigaw ako at sinubukang makawala ngunit sinikmuraan lamang ako nito dahilan para ako'y onti-onting manghina.

Naramdaman ko na rin ang pag hubad ng suot ko pang itaas, wala na akong lakas, hindi ko na kaya lang lumaban, hanggang dito nalang ako. Tulungan niyo ako. Hinubad nila ang kanilang mga pang itaas na damit at saka tumingin sa akin na parang sabik na sabik na nila akong galawin. Umagos ang mga luha sa aking mata dahil sa takot.

Akmang huhubarin na nila ang aking pang ibabang suot nang bigla itong natumba isa-isa.

Tinignan ko kung sino ang may gawa ng mga bagay na iyon, nagulat lang din ako dahil mabilis na tumumba ang pitong lalaki. Tumambad sa akin ang isang lalaki, nakakatakot ang awra nito, galit na galit ang kanyang mga mata, at handang handa itong pumatay sa mga oras na 'to.

"K-kuya Tricy" sambit

Nginitian ako nito at saka nagsalita.

"Walang pwedeng manakit sa minamahal ng kapatid ko"

Itutuloy...

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon