Chapter 23

16 5 6
                                    

Chapter 23: Confession

Xia's Point of View

Ang mukha namin ni Ace ay hindi parin naglalayo, magkalapit parin ito kaya ramdam ko ang bawat paghinga niya. Hindi ko parin mapigilan ang pag-agos ng aking luha.

Ang seryosong mukha ni Ace ay biglang napalitan ng pag-aalala. Hinawakan nito ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha. Ang kanyang kamay ay puno ng dugo dahil sa ginawa niya kay Dave.

"Don't cry" panimula nito, halata sa kanyang boses ang pag-aalala. "Kapag nakikita kitang umiiyak ay nanghihina ako" dugtong nito.

Hindi ko maiwasang mapaatras sa kanya, hindi parin ako makamove on sa ginawa niya kay Dave na ngayon ay wala ng buhay at nababalot ng dugo.

"X-xia huwag kang matakot sakin" sambit nito. Hindi ko na naiwasan ang aking sarili kaya nasampal ko ito.

"Ikaw ang Killer kaya mo nagawa sa kanya ito diba?!" sigaw ko, ngunit nakatitig lamang ito sakin.

"H-hindi ako ang Killer Xia" sambit nito.

"Kung hindi ikaw ay paano mo nagawang patayin ang kaibigan natin?!" sigaw ko ngunit tumungo lamang ito bago sagutin ang aking tanong.

" Dalawa lang ang dahilan" panimula nito. "Ang sino mang tatangkang manakit o pumatay sayo ay aking papatayin kahit na ikamatay ko pa" diin nito sa akin.

"At yung isa naman-" bumuntong hininga muna ito bago ituloy ang kanyang sasabihin. "Ay dahil mahal kita" dugtong nito.

Hindi ako makapag-salita sa kanyang mga sinabi, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong kuryenteng bumalot sa aking katawan.

"Ace" sambit ko.

"Hindi ako nagsisinungaling" ngumiti ito sa akin at saka ako binigyan ng yakap.

Hindi ko alam ang dahilan ngunit nang yakapin niya ko ay bigla akong naging komportable, bigla akong nakaramdam na okay ako. Ibang iba ang aking pakiramdam kapag siya ang yumayakap sakin.

"Ehem Ehem" nagulat ako nang biglang pasimpleng umubo si Tricy.

" Ang ganda naman ng lambingan niyo, sa kulungan pa" natatawa nitong sambit at saka lumapit sa amin.

Bumitaw naman ng pagkakayakap si Ace sa akin, pinagpag muna nito ang kanyang sarili at saka tumayo para harapin ang kuya niya na ngayon ay nakangisi sa aming dalawa.

"Kuya ba't andito ka?" nakangusong tanong ni Ace. Ngumiti naman si Tricy at saka sinapak ito ng mahina sa braso.

"Binata ka na" natatawa ng sambit nito.

Nawala ang tawa sa mukha ni Tricy nang makita ang walang buhay na katawan ni Dave. Kumunot ang noo nito at saka masamang tumitig kay Ace na parang sinasabi na si Ace ang Killer.

"Ace-" hindi na natuloy nito ang sasabihin nang biglang sumagot si Ace.

"Yes" panimula nito. "Pero nagawa ko lang iyon hindi dahil sa ako ang Killer, nagawa ko iyon dahil sinaktan niya si Xia at tinangkang patayin" dugtong nito.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon