Chapter 15

19 7 2
                                    

Chapter 15: Dead

Veyonc'e's point of view

Nang imulat ko ang aking mata ay agad kong tinignan ang lokasyon ng bintana, kitang kita na ang sinag ng haring araw, ayon ay dahil umaga na.

Iniayos ko muna ang sarili ko, hindi uso dito ang kanya kanyang luto dahil libre ang pagkain nila rito, ayon nga lang ay kailangan mo pa lumabas para mamili ng iyong gustong pagkain.

Masyadong malaki ang lugar na ito, may sarili silang Cafeteria, may mga iba't ibang stall sa labas na pwedeng pwede mong pagpilian. Halos hindi ko pa nalilibot ang buong lugar na 'to.

Iniayos ko muna ang aking buhok at nagpalit ng damit bago lumabas sa aking silid. Napakaganda ng memories ko kagabi, marami kaming ginawang magagandang bagay kaya hindi ko maiwasan na ipakita ang aking ngiti sa mukha.

Ngunit may isang bumabagabag sa aking isipan, napag-pasyahan namin na magkita kita muna sa nasabing lugar bago umuwi pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi sumipot si Xia at Ace.

Hindi ko maiwasan makaramdam ng pag-aalala na baka may nangyaring hindi maganda isa man sa kanila, lalo na hindi namin alam kung sino ba talaga ang kalaban namin.

"Magandang umaga po ale" nakangiti kong bati sa matanda nang ako ay makarating sa stall. Napakaraming pagkain ang pwede kong pagpilian ngunit isa lamang ang tumawag ng aking atensyon.

"Ate Champorado po, pakilagyan narin po ng Tuyo" nakangiti kong sabi sa matanda subalit kumunot lamang ang noo nito.

"I-iha? Ang Champorado ay hindi nilalagyan ng toyo" sambit nito.

"Ate tuyo po, hindi toyo" nakanguso kong tugon dito kaya parehas kaming natawa.

"Pasensiya na iha, medyo hindi na malinaw ang aking pandinig" natatawang sabi ni ale.

"Wala po iyon, nauunawaan ko"

"Dito mo nalang ba kakainin?" tanong nito.

"Ah hindi po, sa dorm ko nalang po kakainin kasi may kailangan pa po ako puntahan" nakangiti kong sagot dito.

Nang makabalik ako sa dorm ay agad kong kinain ang pagkain na nasa aking harapan, wala parin talagang tatalo sa kombinasyon ng tuyo at Champorado. Napakasarap at bagay na bagay para sa agahan.

Binilisan ko ang aking pagkain dahil may meeting na ipinatawag si Manang, sana ay magandang balita ang aming mapakinggan mula sa kanya, nawa ay makauwi na kami sa kanya-kanya naming tahanan.

Isang oras din bago ako matapos sa lahat ng dapat kong gawin, nakaligo na ako, nakakain, nakapagsipilyo at nakapag bihis ng magandang damit. Pagkatapos kong matapos ng mga bagay na iyon ay nagtungo na ako sa main office.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na din ako dito, nagbigay muna ako ng tatlong katok bago tuluyang pumasok.

Nahihiyang umupo ako sa tabi ni Enrique dahil ako nalang pala ang kanilang inaantay.

"Ba't ngayon ka lang" bulong ni Enrique.

"Napasarap ang kain ko" bulong ko pabalik dito ngunit nginitian lamang ako nito. Well, aaminin ko na late na ako natulog dahil hindi ako makatulog kagabi, sobrang saya ko kasi kagabi.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon