Chapter 18

23 6 0
                                    

Chapter 18: Last Day

Xia's Point of view

Kusang dumilat ang aking mga mata dahil sa malakas na liwanag na aking nasagap, naramdaman ko rin ang lambot ng aking hinihigaan at kumot na aking gamit gamit.

Agad kong tinignan ang paligid, ngunit puting pader lamang ang aking nakikita, walang ka gamit-gamit sa loob o paligid nito maliban sa kamang aking ginagamit.

Napabuntong hininga muna ako bago alalahanin ang nangyari, alam ko ay nasa liblib na lugar ako kagabi at nakita ang walang buhay na katawan ni Ianzien.

Hindi ko namalayan na onti-onti nang umaagos ang aking luha dahil sa naalala ko kagabi, halos umecho ulito sa akin ng paulit-ulit.

" Wala naman akong pake sa'yo, hindi kita lubos na kilala, so hindi ako naniniwala sa mapagpanggap mong dahilan"

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya iniyak ko na lamang ito dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko pa rin kasi maunawaan kung paano niya nasabi ang mga salitang 'iyon, paano niya nagawa sa akin iyon. Ang aking akala ay ipagtatanggol niya ako, ang aking akala ay may tiwala siya sakin ngunit tila naglaho na lamang ito sa kanya.

Lalong umagos ang aking luha dahil alam ko sa sarili ko na wala na kahit sino man ang magtitiwala sa akin dahil sa nakita nila kagabi na hindi ko naman kagagawan. Lahat sila ay galit, lahat sila ay takot ngayon sa akin kaya paano ko ilalapit ang sarili ko sa kanila.

Wala akong ibang nagawa para icomfort ang aking mga binti, feeling ko ay nag-iisa na lamang ako. Walang kakampi, walang kasama at higit sa lahat ay walang kaibigan.

Hindi na pumasok pa sa aking isipan kung bakit ako andito, tanging ang laman lang ng aking isipan ay ang mga nangyari kagabi, lalo na sa mga masasakit sa binitawang salita ni Ace.

Ilang sandali lang ay may biglang kumatok sa pinto, kumatok muna ito ng tatlong beses bago niya tuluyang binuksan ang pinto.

Tumambad sa aking harapan si Tricy, tinignan ko ang kanyang mukha, wala akong makita na kahit na ano pang galit o takot dito, ang tangi ko lamang nakikita ay ang pag-aalala. Sana ganyan nalang din yung kapatid mo.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" nakangiti nitong tanong sakin kaya binigyan ko rin ito ng ngiti.

"O-okay naman na" nahihiya kong sagot dahil hindi ko alam ang aking magiging reaksiyon dahil nga sa nangyari kagabi.

"Mabuti naman" nakangiting sabi nito. Hindi na ako nag dalawang isip pa na magsalita about dun sa kagabi.

"Ah yung kagabi nga pa-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla itong nagsalita.

"Naniniwala ako sayo" panimula nito, ang ekspresyon ng kanyang mukha ay ganun parin, kitang kita ang bahid nitong saya. " Pagpasensyahan mo na sila sa mga nasabi nila sayo kagabi dahil siguro ay nagpanic lang sila at nagulat" dugtong nito.

Hindi ko nanaman maiwasan ang pagtulo ng aking mga luha, hindi ko lang din kasi ineexpect na may maniniwala pa rin talaga sa akin. Masaya lang din ako dahil napagtanto ko na sa aming grupo ay tanging si Tricy lamang ang may kakayahang umunawa.

Napansin nito na umiiyak ako kaya nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin at hinaplos ang aking ulo.

"Shh tahan na Xia" panimula nito, "Magiging okay din ang lahat" dugtong nito.

"Si A-ace" bulong ko.

"Pag pasensiyahan mo na rin 'yon" sambit nito dahilan para mapangiti ako.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon