Chapter 5

27 6 0
                                    

Chapter 5: New World

Xia's Point of view

Dumampi sakin ang napakalakas na liwanag dahilan para ako'y magising, naramdaman ko din ang lambot ng aking hinihigaan. Agad akong napaupo nang maramdaman ko iyon. Kinusot ko ang aking mata at saka tinignan ang paligid.

Asa kwarto ako? Hindi lang siya basta basta kwarto para makaramdam ako ng matinding takot. Ito yung kwarto kung saan ako nagising nung mga araw na yon. Ang pinagtataka ko ay bakit andito ako? Sa pagkakaalam ko ay kasama ko lang si Ace kagabi.

Agad akong nakaramdam ng hiya nang maalala ko ang mga pinag gagagawa ko kagabi, pero isa lang ang aking iniisip, kailangan kong magpasalamat kay Ace sa pag ligtas niya sakin kagabi.

Inilibot ng aking mga mata ang paligid ng kwarto, ganon na ganon pa rin ang disenyo nito gaya ng dati subalit may isang bagay ang napansin ng aking mga mata.

Asan yung dugo na nakita ko dito kahapon? Agad akong tumayo para lumabas ng silid, nagtataka lang din ako na nawala ang gutom at uhaw na naramdaman ko kagabi.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko ang labas ng silid, hindi ito yung nakita ko kahapon, ibang iba. Sa pagkakaalam ko ay nasa condo kami non, pero bakit parang nasa hospital ako?

Dahan dahan akong naglakad habang pinagmamasdan ang paligid, halatang halata na hospital ang lugar na ito, may mga gamit for medicine, may wheel chairs at iba pang equipment na pagkalat kalat, nursing student ako kaya kabisado ko ang mga gamit dito.

Sinilip ko ang bawat room, kalat kalat ang mga kagamitan sa sahig, hindi ko alam pero iba nanaman ang kutob ko. Hindi pa kami ligtas, hangga't buhay ang killer ay hinding hindi kami magiging ligtas.

Nang makarating ako sa emergency room, ang takot na expression ng aking mukha ay napalitan ng ngiti ng makita ang mga kasamahan ko na sama-sama. Lahat sila ay napatingin sakin at binigyan ako ng masalimuot na ngiti.

"Oh xia gising ka na pala" bati sakin ni Tricy at saka ako binigyan ng ngiti, gumanti din ako ng ngiti pabalik dito.

"Paano tayo napunta sa lugar na ito?" tanong ko sa kanila dahilan para matigilan ang mga ito.

"As usual, di natin alam" tipid na sagot ni Joannamae saka ako binigyan ng mapait na ngiti.

"Let's wait for Ace and Ivan" sambit ni tricy. So alam nila na andito ang lahat?

Nagkwentuhan muna kami kung ano nangyari sa bawat isa sa amin kagabi. Di namin maiwasan tumawa kasi yung iba nag kwento na nagtago sa loob ng ibang bahay, yung iba naman sa ilalim ng sasakyan at ako naman sa basurahan. Ngunit ang kanilang ngiti ay napalitan ng poker face nang biglang lumitaw si Ace.

Dumiretyo si Ace si direksyon namin, as usual ganon pa rin ang expression ng kanyang mukha, masyadong walang buhay at parang walang nararamdamang sakit. Bago pa siya tuluyang makarating sa amin ay nagulat nalang kami nang bigla siyang sinapak ni Carl.

"Tang ina mong killer ka! Ikaw ang pumatay kay Veyonc'e!" sigaw nito ngunit si Ace ay wala man lang ginawa kundi ang tumayo at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa amin.

" At ang kapal naman ng mukha mong lumapit sa amin pagkatapos mong patayin ang isa sa mga kasamahan natin? " Sabi ni Yuki. Kitang kita sa kanilang lahat ang galit na nararamdaman, ngunit bakit si Ace ang sinisisi nila na pumatay kay Veyonc'e?

"Hindi ako" walang ganang sagot nito

"Tangina mo pala eh, ikaw lang naman ang umalis nung araw na 'yon kaya malamang na ikaw yon!" sigaw sa kanya pabalik ni Carl.

Maya maya lang ay natigilan ang lahat ng may isang tao ang nagpakita sa amin, isang tao na hindi namin inaakala na nakatayo sa harapan naming lahat.

" V-Veyonc'e?" Naiiyak na sabi ni Joannamae at saka lumapit dito at niyakap.

"What the fuck, gulong gulo na ako" sabi ni Carl saka sinuntok ang pader.

"Veyonc'e okay ka lang?!" sabi ni Enrique sabay yakap kay Veyonc'e, noong una naming pagkikita ay silang dalawa talaga ang pinaka close sa isa't isa kaya 'di na rin kataka taka na ganyan ang magiging reaksiyon niya nung makita si Veyonc'e. Napangiti din ako dahil alam kong safe siya, so si Ivan nalang pala ang inaantay namin.

"Safe ako guys, tanga ako pero ligtas ako" sambit ni Veyonc'e dahilan para natawa kaming lahat maliban kay Ace.

"Pero paano? Sa pagkakaalam namin ay wala kana?" tanong ni Dave dahilan para mapangiti si Veyonc'e.

"Dahil sa kanya" sagot nito sabay turo kay Ace. Teka? Huh? Si Ace?!!

"Kay Ace??" tanong ni Ianzien.

"Yup, nung time na nawalan ako ng malay sa pag hampas sakin, nagising nalang ako na may benda na ang ulo" panimula nito. "Tapos nakita ko si Ace na paalis na nung time na yon, alam kong siya ang tumulong sakin" nahihiyang dugtong nito.

"Totoo?!" hindi makapaniwalang sambit ni Jean.

"Yup, akala ko talaga katapusan ko na non, kapag tinanong ako ng mga anghel sa langit baka ang isagot ko lang na death cause ko is Napaihi, Napadapa, at Napalo hehe" sambit nito dahilan para natawa ang lahat.

Nahihiyang lumapit si Carl kay Ace para humingi ng sorry, subalit bago pa lamang ito makakalapit ay nagsalita na si Ace.

"Okay lang" walang ganang sabi nito.

"Ace" tawag ni Tricy sa pangalan nito.

"Bakit?"

"Mag usap tayo sandali" sambit ni Tricy, Hindi nag dalawang isip si Ace na sumama dito. Gusto ko din sumama pero mukhang iba ata ang pag uusapan nila.

Habang inaantay si Ivan at ang pag uusap ni Ace at Tricy ay nagkwentuhan muna kaming mga natitira dito, habang tumatagal ay mas nakikilala ko sila at natutuwa ako dahil sobrang saya talaga nila kasama.

Ilang minuto din ang lumipas nang makabalik si Tricy at Ace sa amin, kumunot ang noo ni Tricy nang makita niya kami, luh Anong problema?

"Teka? Wala pa din si Ivan?" tanong niya samin, sabay sabay kaming nag kibit balikat.

"P-patay na siya" naiiyak na sabi ni Veyonc'e dahilan para matigilan kaming lahat.

"Ano?!!" sigaw na tanong ni Tricy.

"Oo, Nakita ko siyang pinatay ng killer kagabi, nagtago ako non, kitang kita ko kung pano putulin ang binti at braso ni Ivan" sabi ni Veyonc'e. Lalo itong umiyak, siguro kung ako din ang makakakita ng ganong scene ay baka matrauma pa ako.

"Tang ina" sambit ni Tricy.

" Ang killer ay —" Hindi na natuloy ni Veyonc'e ang kanyang sasabihin nang may bigla kaming narinig na galabag.

Itutuloy....

Author's Note:

Guys, thankyou talaga ha, love ko kayo huhuhu keep reading!

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon