Dos

1.2K 60 11
                                    

.

•Jazzie Garcia•

"'Yong Small Laboratory sa labas, nasusunog!"

Napakunot naman ang noo ko at bumalik ang tingin sa mga kasama ko. Hindi ko siya inintindi dahil wala naman kaming pakealam.

Ang layo ng small laboratory sa building namin atsaka, maliit lang 'yon, kaya nga small e. Siguradong hindi aabot ang apoy nun sa mga buildings dahil malayo naman iyon dito.

Gano'n din naman ang ginawa ng mga kaibigan ko pero alam ko na naku-curious din ang iba sa kanila kung bakit nasunog iyon. Ang iba ko pa naman blockmates ay nakadungaw sa bintana.

Mula kasi sa building na ito ay kita sa dulong bahagi ang small laboratory pero dahil nasa 2nd floor lang ang classroom namin ay usok lang ang makikita mo.

"Guys, Naiintindihan niyo ba? Nasusunong 'yong lab!" sabi pa ni Raven na nakatingin sa grupo namin. Sabay sabay naman namin siya inirapan.

Wala kaming pake.

Nagtinginan naman kaming magkakaibigan.

"Alam kong curious din kayo sa nangyayari doon." Luigi said. May nakapaskil na mapaglarong ngisi sa mukha nito.

May iniisip na naman na walang kwenta 'to.

"Sino bang nakatoka ngayon na maki-tsimis?" tanong pa ni Kelly.

Meron kasi kaming schedule kung sino ang mangangalap ng mga impormasyon sa araw na ito, sa araw na iyon o kung ano ano pa. Gano'n kami kagaling!

"Hindi ko alam." sabi ko na lang. Kasi wala naman sa akin 'yung schedule.

Tumingin kaming lahat kay Cyphrus. "What?" tanong nito.

"'Di ba nasa iyo ang schedule? Sino na ngayon?" tanong ni Lili habang nanliliit pa ang mga mata.

Nagkibit-balikat naman si Cyphrus. "Malay ko, nawawala e." sabi nito. Halata naman na burara talaga siya.

"Aish! Burara!" sabi ni Astrid. "Ganto na lang guys." tumingin naman kaming lahat sa kanya. "Jack en' poy tayo kung sino matalo, siya unggoy" nagtawanan naman kami.

Pero mas pumaibabaw ang tawa ni Lili na parang may naisip na katawa-tawa.

"HAHAHAHA" utas ni Lili. "Hindi na kailangang mag jack en' poy! Na'ndito na si Luigi, oh! Ang unggoy!" pagturo ni Lili kay Luigi na nawala ang ngiti dahil sa dumuro sa kanya.

Kinagat naman nito ang daliri ni Lili na nakaturo sa kanya. Mabilis na hinigit ni Lili ang kanyang daliri sa pagitan ng ngipin ni Luigi. "Aray!!! Tang— Tang laklakin mo!" pagputol nito ng muntik na siyang mapamura.

Lumapit naman ito kay Astrid at yumapos. "Astrid.. niaaway ako ni Luigi.." pagpapa-cute nito kay Astrid. Naawa naman si Astrid dito kaya tinignan niya ng masama si Luigi.

"Tama na nga 'yan." sabi ni Jazzie'ng maganda—choss! Ako pala 'yon. Tumigil naman sila at humarap ulit kay Astrid na hanggang ngayon ay may nakadantay pa rin na isip-bata sa kanya.

"Ganto kasi 'yon. Bato-bato pick tayo tapos kung sino ang matalo, siya 'yong pupunta sa baba para maki-sagap ng balita." pagpapaliwanag nito. "G?"

"G!" sabay sabay na sigaw namin. Umalis na naman si Lili sa pagkayapos kay Astrid at pumwesto na.

Sabay-sabay kaming nag-form ng hand-stone. "Bato-bato-pick!"

Nang makalagay sa ere ang mga panlaban namin ay gunting ang akin gano'n din naman ang kay Kelly at Cyphrus habang papel naman ang kina Astrid, Elina at Luigi kaya silang tatlo naman ang naglaban-laban. "Bato-bato-pick!"

Sa pagkakataong ito ay nanatiling papel ang kay Astrid samantalang ang kay Luigi at Elina naman ay parehong bato.

Last battle, Lili vs. Luigi. Masama ang tingin nila sa isa't isa na kulang na lang ay magsuntukan. Napapailing na lang ako dahil lagi naman silang nag-aaway.

Nakailang bato-bato-pick sila subalit ay palaging magkapareho ang ibinababa nila.

"Saglit! Last na 'to ha. Kapag magkatulad pa rin kayo. Sabay na kayong makikibalita roon." Cyphrus said nang maiinip ito.

"Bato-bato-pick!"

"Yes!" Luigi screamed in joyful.

"Argh! Bwiset!"

"Ayos 'yan!" sabi ko.

"Nakagat na ni Luigi, natalo pa sa b-b-p" sabi ni Cyphrus na halos matawa sa hitsura ni Elina.

"Double Kill!" Kelly and Astrid said in unison.

Natawa naman kami sa hitsura ni Lili dahil para siyang natalo ng isang milyon!

"Fine." sabi nito at tumayo na. "Keep on touch. Tanawan niyo ko sa bintanang 'yon." at tinuro ang bintana kung nasaan ang mga kaklase namin na nakiki-silip din sa labas. "Tatawagan ko kayo to keep you update." dagdag pa nito.

Nang makaalis naman siya ay dumiretso kami sa bintana para abangan siya at matanaw sa malayo.

Maya-maya pa ay nakita namin si Lili na nasa labas na at nakiki-usyoso na din doon. Nakipagsiksikan ito sa mga estidyanteng naroon kaya hindi na namin siya masyadong makita. Ang tanging nakikita na lamang namin ay ang itim na usok na patuloy tumataas.

Mukhang tinutupok na nila ang apoy.

Napakunot naman ang noo ko nang makita kong nagkakagulo ang mga estudyante doon.

Ang iba ay tumatakbo palabas ng school at ang iba naman ay pabalik sa mga buildings nila.

"Anong nangyayari?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Si Lili!"

"Shit!"

"Contact-in niyo! Baka kung ano nang nangyari kay Lili. Bwisit!" tarantang sabi ni Luigi. Kahit na nagbabangayan ang dalawang 'yan. Nag-aalala pa rin sila sa isa't-isa, actually lahat kaming magkakaibigan ganoon.

Sakto naman na tumawag si Lili sa cellphone ko.

"Hello, Lili! Anong nangyari?" nag-aalalang saad ko at binalik ang tingin sa bintana. Natanaw ko naman doon si Lili na kumaway at may itinuturo.

Sinabi ko naman iyon sa mga kaibigan ko kaya lahat sila ay napatingin kay Lili, na kahit malayo ay kita pa rin namin na kumakaway.

"Jazzie!" tarantang saad nito sa kabilang linya. "Sa tambayan! Bilisan niyo. Isama niyo ang mga blockmates natin! Mamaya na ako magpapaliwanag!" at pinatay na nito ang tawag.

Napakunot naman ang noo ko.

Maya-maya pa ay sinunod ko din ang sinabi niya.

May nakakasalubong kaming mga estudyanteng nagtatakbuhan din. Kami naman ay papunta sa likod ng building dahil nandoon ang tambayan namin.

Nanatiling tahimik ang aking mga kasama. Alam kong iisa lang ang nasa isip namin ngayon.

What the heck just happening!?

Plagiarism is a crime

•Edited•

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now