Cinco

915 52 6
                                    

.

•Luigi Gonzales•

"Break a leg" sabi ko sa kanila at nagsimula na akong humakbang.

Ako ang nauuna para tignan kung may makakasalubong ba kaming mga zombies. Si Lili naman ang nasa huli para mag-secure sa amin.

Damn Xyron! for being a coward.

Si Cyphrus ang nagbabantay kung sakaling may maligaw man sa mga mata ko.

Dahan dahan lang ang lakad namin. Umuna ako ng kaunti para tignan kung meron bang sasalubong sa amin.

Nagtago ako sa likod ng building at sumilip ng kaunti doon. Mabilis akong bumalik ng makita ko ang iilang zombies na pagala-gala doon.

"Shit!" sabi ko at napahawak pa sa dibdib sa sobrang kaba.

"Bakit? Anong nakita mo?" Kelly said. Dinungaw niya din ang ulo niya sa may pader, bigla naman itong bumalik.

"Tangina, guys!" sabi nito. "Nakakatakot.." nanginginig na saad nito.

"Hindi tayo makakaalis dito kung magpapakain kayo sa takot niyo." seryosong saad ni Lili. "Kung gusto niyong mabuhay, kailangan niyong lumaban."

This is what i like about Lili. Kahit na may pagkaisip-bata ito ay marunong naman itong lumugar.

Don't get me wrong. She's like a little sister to me.

Napabuntong hininga naman kaming lahat. Huminga kami ng malalim.

"Guys, kaya natin 'to!" pagpapalakas ng loob ni Astrid sa amin. "Break a leg!"

"Break a leg!" sabay-sabay na saad namin.

Huminga ako ng malalim bago tinignan ulit ang mga zombies na naroon. Tinatantya ko kung paano kami makakaalis dito.

Napakunot ang noo ko ng mapansin na parang kumonti ang bilang ng mga ito kumpara sa kaninang silip ko. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad, nakasunod lang naman sila.

Nang palapit na kami sa mga zombies ay mabilis kong inilabas ang itak na nakatago sa tagiliran ko, yeh may dala ako.

Iwinasiwas ko 'yon sa zombie na nasa harapan ko. Tumalsik ang dugo nito sa mukha ko kaya marahan kong pinahid ito.

"Ahhhh!"

Napatingin ako sa sumigaw at si Jasmine iyon na muntik ng makalmot ng isang zombie, buti na lang ay naandon si Jazzie para mahampas ito.

"Shit!"

"Guys! TAKBO!" sigaw ni Lili. Nakaagaw kami ng atensyon ng ibang zombies. Mabilis kami tumakbo at pinag-iitak ko naman ang mga nakakasalubong ko. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Nang nasa gitna na kami. Bale nasa gitna kami ng dalawang buildings, ang Science at Archtecture Building.

"Shit! Mata-trap tayo dito!" Xyron. "Shit talaga! Tangina!"

"Huwag kang magreklamo diyan! Gago!" sigaw ni Cyphrus at hinampas ang zombie na lumapit sa kanya.

Nag-atrasan naman kami ng masyado na silang nadami.

"Guys, lilibangin ko sila! Mauna na kayo!" biglang sigaw ni Lili. "Luigi, pakibantayan si Aiden!"

Napakunot naman ang noo naming lahat. Nababaliw na ba siya!? That's a suicide for her! Damn!

"Nababaliw ka na ba, Lili!?" galit na saad ni Jazzie. "That's suicide!" dagdag pa nito.

Yeah, that's what i was thinking.

Ngumiti ito. "Trust me." at tumakbo ito sa isang gilid kung nasaan ang isang glass wall ng Science building.

"Tangina!"

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now