.
•Elina Millicent•
Ngayon ay nasa pangalawang palapag kami ng 7-Eleven. Pagkatapos kong magpalit kanina ay inaantay pala ako ni Primo. Kilig naman ako—chour!
Dito sa taas namin makikita ang nasa labas sa pamamagitan ng glass wall. Sa baba kasi ay may glass wall nga pero tinakpan na iyon dahil baka may biglang dumamba doon na pokemon at makita kami.
Malapit ng dumilim ang kalangitan at lahat kami ay nasa taas nag titingin ng magandang tanawin, ngunit sa kasamaang palad ay puro pangit lahat pati na ang katabi ko, pangit din.
"Kumusta ka na, Elina?" saad ni Hiro na naka-tingin din sa labas. Nakaupo kami sa mga upuan na naandito. Karamihan sa amin ay nakatapat sa glasswall at pare-parehas na nakatingin sa labas.
"Ays lang." maikling saad ko. Pake ko naman sa kanya, hindi ako bitter 'no.
Napakinig ko siyang tumawa sa sagot ko kaya napairap naman ako sa kawalan. Pati pagtawa niya nakakainis.
"Na-contact niyo ba ang mga parents niyo?" tanong ko sa kanilang lahat. Napatungo naman sila, nagpapahiwatig na hindi.
Napabuntong-hininga ako. Anong gagawin ko?
"Don't worry they are all safe." saad ni Raven habang nakatulala sa isang tabi. Gaya-gaya talaga ng galawan.
"What do you mean?" tanong ni Jazzie.
"Bago pa kumalat ang virus ay naagapan na ito ng gobyerno. Mabilis silang naglabas ng mga helicopters para ikalat at iligtas ang mga taong malayo sa pinagmulan." tumingin ito sa amin. "Taga-probinsiya ang mga magulang niyo 'di ba?" tanong pa nito.
Nagtanguhan naman silang lahat. Maliban sa akin at kay Primo na walang pakelam. Hindi naman taga-probinsiya sina mama.
"Mataas ang posibilidad na nailigtas ang mga magulang niyo dahil ang priority na iligtas ng gobyerno ay ang malayo dito sa atin, kung saan nagsimula ang lahat." mapait itong ngumisi.
"Pero hindi pa rin tayo nakakasigurado.." sabi ni Astrid. Nagsitanguan naman kaming lahat. Pero wala naman magulang ko dito sa Pilipinas, malay ko sa mga iyon.
"Nasaan na sila ngayon? 'Yung mga nailigtas?" humarap si Cyphrus kay Raven.
"Nasa airport."
Napakunot naman ang noo ko. "Nasa airport? Hindi ba delikado do'n?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Naandon ang base militar kaya high secured ang mga airport."
"Mga airport? You mean, lahat ng paliparan dito sa Pilipinas ay high-secured?" tanong ko pa.
"Yep!" biglang singit ni Hiro.
Napatango-tango kaming lahat at natahimik.
Kung gano'n, dapat ay sa malapit na airport kami pupunta para mas safe kami ngayon.
Ang tanong lang ay kakayanin ba namin? Siguradong maraming zombies ang masasagupa namin bago kami makaabot sa airport at hindi ko din sigurado na kung kaya ko ba silang protektahan lahat.
Shit!
Napapikit ako sa isiping iyon. Ayaw ko na may mawala sa'min. "Anong plano niyo?" binaling ko ang tingin kay Hiro na nasa tabi ko.
Ngumiti naman ito ng malapad. Argh! Kakainis talaga. "2 days from now, aalis na kami dito sa store." saad nito.
"Why?" tanong ni Nurse Che, na pinagmamasdan lang kami kanina.
"Hindi na tatagal ang pangangailangan natin sa lugar na ito. Kailangan nating makaalis at maghanap ng ibang lugar hanggang sa mapunta tayo sa malapit na airport."
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...