.
•Elina Millicent•
"Fine." sabi ko at tumayo na. "Keep on touch. Tanawan niyo ko sa bintanang 'yon." at tinuro ko ang bintana kung nasaan ang mga kaklase namin na nakiki-silip din sa labas. "Tatawagan ko kayo to keep you update." huling sabi ko at umalis na para bumaba.
Nang naglalakad ako ay napapansin ko ang mga studyante na nakiki-tsimis din sa mga pangyayare. Nagbubulungan pa ang mga ito.
Nang makababa ako ay dumiretso ako sa dulong bahagi ng paaralan kung nasaan ang Laboratory na nasusunog. Sinulyapan ko pa ang building namin bago nagpatuloy sa grupo ng mga studyanteng nakapalibot sa nasusunog na Lab.
Ang iba ay may dalang timba ng tubig at sinasaboy sa apoy. Nakisiksik naman ako para mapunta sa unahan kung saan nando'n ang mga nagsasaboy ng tubig.
Unti-unting nawala ang apoy hanggang sa itim na usok na lang ang makikita mo.
"Si Professor De Torres nasa loob!" sigaw ng kung sino man.
Nagbulungan naman ang mga studyanteng naandito. Si Professor De Torres ay isang guro sa Chem Lab, kapag nage-experiment kami ay siya ang nagtuturo sa amin ng mga activities.
Habang natataranta ang lahat ay may biglang lumabas sa itim na usok. Ang kalahati nitong katawan ay sunog habang ang kalahati naman ay nalapnos. Ang mga kamay nito ay nakalaylay habang ang ulo naman ay nakabaling sa kung saan.
Napakunot ang noo ko. Napatigil ang mga studyante sa bulungan at tinignan si Professor De Torres, no doubt it's him, siya lang naman ang nasa loob ng Laboratory bago ito nasunog.
May lumapit sa kanyang isang teacher, from junior highschool siguro. Nakalimutan ko sabihin na nasa likod ng Architecture Building ang mga rooms for junior highschool.
Nang makalapit ang teacher na iyon ay kinausap niya ito.
"Professor? Kaya mo bang gumalaw?"
Ang stupid naman ng tanong niyo maam.
Hindi mahawakan ng teacher si Professor, dahil baka ito ay masaktan.
Biglang tumingin ang Professor sa guro ng nanlilisik ang mga mata kaya bahagyang napaatras ang guro. "P-Prof?"
Dinambahan ng Professor ang gurong nagtanong sa kanya at kinagat ito.
"AAHHHH!" she screamed in pain.
"Sus! Maam, hindi niyo kami mapa-prank!" sigaw ng studyante.
"Mamaya sisigaw 'yan ng 'Its a prank!" natatawa pang saad ng isa.
Ako naman ay nakatingin lamang sa nangyayaring komosyon. In-obserbahan ko ang pagkagat ni Professor De Torres sa teacher na iyon.
Noong una ay wala pa akong dugong nakikita sa pangangagat ni Professor pero nung biglang may sumirit na dugo sa leeg ng teacher ay nanlaki agad ang mga mata ko.
Samantalang ang mga studyante naman ang natatawa lang dahil ang akala nila ay prank lang ang lahat.
Sa sobrang taranta ko ay napasigaw ako. "GUYS! RUN!" sabi ko at umikot para tumakbo pabalik sa building. Naguguluhan pa rin ang mga studyante ngunit ng tumayo ang gurong kinagat ni Professor ay lumapit ito sa isang estudyante para dambahan, doon na nagsimulang magkagulo ang lahat.
Noong una ay balak kong sa building pumunta subalit ay naisip kong mas magkakagulo doon. Ang choice ko na lang ay sa likod ng Science Building, may tambayan kami doon, isang maliit na mukhang bahay katabi iyon ng janitors room.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Jazzie.
"Hello, Lili! Anong nangyari?" nag-aalalang saad nito.
"Jazzie!" natatarantang bungad ko. "Sa tambayan! Bilisan niyo. Isama niyo ang mga blockmates natin! Mamaya na ako magpapaliwanag!" pinatay ko agad ang aking telepono. Tinignan ko ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Buti naman at nakaalis na sila doon.
Habang tumatakbo ako patungo sa likod ay may nakita akong bata na mukhang naliligaw dahil pabaling-baling ulo nito na parang may hinahanap.
Shit naman oh!
Nilapitan ko ito at mabilis na hinila. "Bata! Sumama ka sa akin. Delikado na dito." sabi ko pa. Hindi na naman siya nagtanong at nagpahigit na lang sa akin.
Nang makarating kami sa likod ay sakto naman na patungo na din sina Jazzie doon. Nang nasa pintuan na kami ay mabilis ko itong binuksan at pinapasok ko silang lahat bago sinarado ulit ang pinto.
"Bakit kakaunti kayo? Nasa'n ang iba?" tanong ko ng mapansin na siyam lang silang nandito. Bale labing-isa kami na naandito ngayon kasama 'yong bata.
May dalawang sofa na nakalagay sa gitna ng kwartong ito, mga gamit panlinis at panlaro na ang nasa paligid.
Nagsi-upuan naman ang iba sa sofa kaya pinaupo ka na din doon ang batang nahigit ko kanina samantala ang iba naman ay sa sahig na lang naupo dahil hindi na kasya sa dalawang sofa.
"M-May bigla na lang dumamba sa kanila kanina h-habang natakbo kami." hinihingal na sabi ni Charrise, isa sa kaklase ko.
"Oo nga, tutulungan sana namin kaso.." nagdadalawang isip na pahayag ni Jasmine.
"Kaso..?" tanong ko.
"Kaso ginawa silang hapunan ng mga nasalubong namin na studyante." pagpapatuloy ni Cyphrus.
Napatango-tango naman ako. Saglit kaming tumahimik, tanging paghinga lamang ang aming naririnig.
"Sa tingin niyo.." pagbasag ni Astrid sa katahimikan. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. "Anong nangyayare?" tanong pa nito. Nagkibit-balikat kaming lahat.
"Nakakatakot sila! Para silang mga hayop na nakawala sa kulungan!" nagh-hysterikal na sabi ni Kelly.
"Tangina, Mamamatay na tayo dito." exaggerated na sabi ni Xyron.
"Ikaw lang, ulol!" sabay na sigaw nina Luigi at Cyphrus.
Tahimik lang naman ako at ino-obserbahan sila. Napadako ang tingin ko sa batang hinigit ko kanina. Nakatingin lang ito sa akin kaya nginitian ko siya at nilapitan. Umupo ako sa lapag nang nakaharap sa kanya.
"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ko. Nakatingin lang naman sa amin ang iba.
"I'm Aiden Cervantes" saad nito.
"Tangina! May kasama pa kayong bata. Pabigat lang 'yan!" sabi ni Xyron.
Tumingin naman kami sa kanya at sinamaan ito ng tingin. "Baka ikaw pa ang maging pabigat, huh." sabi ni Aiden.
Nagulat naman kaming lahat dahil sa masungit na boses nito.
"Woah!"
"First Blood!"
Panggagatong ni Cyphrus at Luigi. Napahalakhak naman ang mga babae maliban kay Charrise na namumutla. Hindi ko naman iyon pinansin dahil baka sa sobrang pagod lang nito kanina
Akmang susuntikin ni Xyron si Aiden nang hinawakan ko ang kamao nito na nasa ere bago pa dumapo sa mukha ni Aiden.
"Siraulo ka, ah!" sabi ko at tumayo para kwelyuhan siya. Mabilis naman na pumagitna si Astrid at Luigi.
"Tama na 'yan, Lili." Astrid said while hugging me at the back para ilayo ako kay Xyron.
Siraulo 'to, pati bata papatulan.
"Pare, huwag kang magbubuhat ng kamay sa bata. Ako sasapak sa'yo, bwisit ka!" inis na sabi ni Luigi kay Xyron at tinulak ito para lumayo. Hindi na naman niya dinagdagan pa ang sinabi dahil baka sila pang dalawa ang magka-initan.
Masama ang tingin namin ni Xyron sa isa't-isa.
Tarantadong 'to, hindi ko uurungan ang kahayupan niya!
"Ate Lili, stop it." sabat ni Aiden at humawak sa kamay ko para pakalmahin ako.
Plagiarism is a crime.
•Edited•
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...