Quatro

1K 56 1
                                    

.

•Jazzie Garcia•

"So, What's the plan?" pagtatanong ni Kelly nang kumalma ang lahat.

Inilayo muna namin si Lili kay Xyron at baka magkagulo na naman kami. Katabi ngayon ni Lili si Aiden habang nakapabilog kami.

Napatigil kami ng biglang may kumalampag.

Shit! Si Charrise!

"Charrise!" mabilis itong nilapitan ni Lili. Napatayo kaming lahat nang magsuka ito ng dugo.

"Anong nangyayare sayo, Charrise!?" tarantang tanong ni Lili.

Nang mag-angat ito ng tingin ay namumutla ang mga labi nito at pinagpapawisan. Mukhang may iniindang sakit.

Inalalayan namin ito para maka-upo siya sa sofa.

Nanginginig ito at nag-iiba na ang kulay ng balat.

"Shit naman! Hoy! Charrise! May sakit ka ba!?" inis na tanong ni Xyron.

Maya-maya pa ay bigla itong nanigas at tumingala. Unti-unting naging kulay puti ang mga mata niya at nagsisimula nang maglabasan ang mga ugat nito.

Napaatras naman kami.

"A-Anong nangyayari sa'yo, Charrise?" kinakabahan na tanong ni Lili na hanggang ngayon ay nasa harapan pa rin ni Charrise.

"Lili! Lumayo ka sa kanya!" mabilis na sigaw ni Cyphrus at kinuha ang floor-mop sa gilid.

Huli na ang lahat bago pa makalayo si Lili ay nadambahan na ito ni Charrise kaya parehas silang natumba.

Nanlaki naman ang mga mata ko at nataranta. "Luigi! Cyphrus! Si Lili!"

Pilit inilalayo ni Lili ang mukha nito sa kanya. Mabilis naman na kumilos si Cyphrus at hinampas nito si Charrise ng mop na hawak niya.

Itinulak naman ni Lili si Charrise dahilan para ito ay mahiga sa tabi niya. Mabilis na umalis si Lili doon at nilapitan naman agad ito ni Astrid para ilayo kay Charrise.

"Tangina mo!" gigil na saad ni Cyphrus at patuloy na pinaghahampas si Charrise sa ulo. Tinulungan naman ito ni Luigi na ngayon ay may hawak ng itak at mabilis na isinaksak sa ulo ni Charrise.

Mabilis kaming lumapit kay Lili na ngayon ay nanginginig habang nakayakap kay Astrid.

"Lili, ayos ka lang?" halos magkakasabay naming tanong.

Bigla na lang tumulo ang luha nito. "I-I almost die." nanginginig na saad nito. "Oh my god..." halos pabulong na sabi niya.

"Lili, may sugat ka ba? May masakit sayo?" natatarantang tanong ni Kelly.

Umiling naman ito. Pinabayaan na namin muna siya kay Astrid at Aiden. Siguradong trauma 'yon para sa kanya.

"Shit! Ano bang nangyare kay Charrise!?" naguguluhan na sabi ni Jasmine. "H-How the hell she turned like that?"

Nagkibit-balikat kaming lahat dahil hindi namin alam kung paano at bakit nangyari iyon.

"Nakita ko siya kanina.." pambabasag sa katahimikan ni Xyron. "Nakalmot siya nung humahabol sa'tin."

"Shit! Edi ibigsabihin kapag nakalmot ka magiging halimaw ka din!?" sabi ni Luigi.

"E, di ba kanina pa 'yon? Atsaka ang napansin ko lang ay kung sino ang mga nakakagat ang magt-turn into monster!" singit ko.

"Are you really nuts?" nakangising saad ni Xyron. "Hindi ba kayo nanonood ng mga zombie apocalypse. Mukhang hindi pa rin kayo aware sa nangyayari." asar pa nito.

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now