.
• Elina Millicent Zarmiento •
Nasa classroom ako ngayon kasama ang mga blockmates ko. Isa akong Psychology student. Kinuha ko ang kursong BS Psychology dahil gusto kong pag-aralan ang takbo ng utak ng mga tao.
Ang classroom namin ay nasa 2nd floor ng Science building at ang Science building naman ay makikita mo sa right wing pag ikaw ay pumasok sa harapan ng University na ito.
Samantala ang nasa left wing naman ay ang Architecture Building. Ewan ko din ba sa school na 'to kung bakit pinangalanan ng mga gano'n 'yung building, e halos halo halo na din naman ang mga courses sa isang building.
Tinignan ko naman ang mga kaklase kong maiingay. Kaunti lang kaming Psychology students dito, we're just 15 students in a class.
Vacant namin ngayon at alam ko ay may iniwan na gawain sa'min ang Professor subalit ang mga tao naman dito ay mukhang walang pakealam dahil nagdadaldalan lang sila.
Lalo na ang mga kaibigan ko. Nakapabilog pa ang upuan nila at mukhang may pinag-uusapan na namang kakaiba. Tinignan ko ang mga ito at pinakinggan ang usapan.
"Hoy, Guys, Paano kaya kapag nagkaroon ng survival of the fittest dito sa University 'no?" sabi ni Jazzie E. Garcia. "Sino kaya unang mamamatay sa atin?" kuryosong tanong nito at ngumisi pa.
Jazzie Garcia, isa 'yan sa mga hinahangaan ng lahat 'pag dating sa sayawan. Bukod sa magaling itong kumembot ay mabilis itong nakakagawa ng koryo sa pamamagitan lang ng pakikinig sa kanta.
Tumawa naman ng malakas si Cyphrus Lopez. "Tinatanong pa ba 'yan?" nakangising saad nito at bumaling ng tingin sa akin. "Si Lili unang mamamatay sa atin, 'pagsa-takaw niyang kumain. Siguradong mamamatay 'yan sa gutom." he then laughed his ass out.
Sinundan naman ito ng iba pa naming kaibigan.
Cyphrus Lopez, ang mapang-asar sa circle of friends namin. Hindi ka titigilan niyan hangga't hindi ka niya napipikon. Habulin 'yan ng aso-este ng mga chix 'kuno', siya may sabi no'n.
"Tangina niyo!" mura ko sa kanila. "Nanahimik ako dito e. Huwag kayo magulo nagko-concentrate ako." pag-irap ko.
Elina Millicent Zarmiento, Lili for short. That's me, yeah. I'm cute anyways!
"Bakit ka kasi nandyan?" takang tanong ni Luigi E. Gonzales. Nasa isang sulok lang kasi ako sa tapat ng bintana at nakahalukipkip. Nakatulala lang ako sa harapan, ang sarap kaya tumulala.
Luigi Gonzales, ang leader ng akyat-bahay gang, chour! Paano ba naman kasi, ang galing galing niyang lumambitin. Kapag nakakita siya ng saktong-sakto sa mata niya ay bigla na lang itong tatalon at mapapansin mo na nawala na ito sa tabi mo at nasa ibang planeta na.
Parang unggoy ang kingina.
"Oo nga, Lili." sabat ni Kelly Sanchez. "Para kang others diyan." at humalakhak pa ito. Inirapan ko naman sila at pinagpatuloy ang pagtulala sa kawalan.
Kelly Sanchez, the singerist sa grupo. Birit kung birit ang kingina. E, di wow! Chour!
Magaling ito kumanta at mala-anghel ang boses. Syempre, sa pagkanta lang 'yong mala-anghel na boses niya. Kapag nagsasalita na kasi ito ay para na siyang makikipagsuntukan."Huwag kayong magulo!" sabi ko na lang.
Tumayo naman si Astrid S. Dela Fuente at lumapit sa 'kin. Bahagya ako nitong hinila kaya naman ay napatayo ako. "Ano na naman?" asar na tanong ko.
"Sumama ka na kasi sa 'min." malambing na saad nito. "Para ka laging others diyan e." sabi pa nito.
Umirap naman ako at pumunta na sa nakapabilog na upuan at nakisama sa mga ito.
Astrid Dela Fuente, the angel one. Siya 'yong pinakamabait sa amin. Bukod sa napakainosente nito ay halos mapasunod niya kami sa lahat ng gusto niya dahil kung hindi mo siya susundin ay gagamitan ka nito ng katakot-takot na charms niya. Iiyak siya at magmamakaawa kapag hindi mo siya sinunod. Geez!
"Ano ba kasing tsismis niyo?" inis na sabi ko. "Sinisira niyo ang magandang pagtulala ko."
"Sus! Palagi ka naman nakatulala. Ang sama nga ng mukha mo kapag nakatulala. Magkahiwalay 'yung tingin ng dalawang mata mo." sabi ni Luigi at humagalpak ng tawa. Sumimangot naman ako at tinadyakan siya.
"Aray ko! Tang-"
"Tama na nga 'yan!" pagpapatigil ni Kelly. "May chika ako guys.." sabi pa nito at medyo bumulong kaya lumapit kami para marinig ang sasabihin niya.
"Ano 'yon?" sabay sabay na tanong namin.
Palaging agaw atensyon ang grupo namin pag magkakasama kaming lahat. Dahil bukod sa malakas ang dating namin, 'di naman sa pagmamayabang, ay maingay din ang grupong ito kaya palagi kaming napapagalitan kapag may nasasalubong kaming guro.
"Ang ganda ko.." bulong ni Kelly.
Sabay-sabay naman kaming lumayo at sinamaan siya ng tingin. "Tangina mo, Kelly!" we said in unison except to Astrid na masasama ang tingin sa aming lahat.
"Guys.." babalang sambit nito. Natakot naman kami dahil sa sama ng tingin nito sa amin. "Magkasundo nga tayo." sabi nito at isa-isa kaming tinignan.
Kinilabutan naman kami. "A-Ano 'yon?" napalunok na sabi ni Cyphrus.
"Bawal na ang magmura, okay? Ang magmumura ay sisingilan ng 20 pesos. Maliwanag ba?" nakakatakot na saad nito.
Isa-isa naman kaming tumango habang si Kelly ay humagalpak ng tawa. "O, ano! Tangina niyo ha. Buti nga!" tawang tawa na saad nito. "Good job, Astrid!" dagdag pa nito.
Mabilis na naglahad ng kamay si Astrid. "There's no exemptions in the rules, not even you." sabi nito. Humagalpak naman kami ng tawa nina Luigi, Cyphrus at Jazzie.
"20 pesos." paniningil ni Astrid.
Napasibangot naman si Kelly at nagbigay siya ng 20 pesos kay Astrid. "Fu-Fox!, bawas baon!" asar na saad nito.
Lalo kaming nagtawanan dahil sa hitsura ng mukha ni Kelly. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Hahahahaha!" we laughed.
"Karma's Beach!" pang-aasar ni Luigi. Sinamaan siya ng tingin ni Astrid. "Ops! It's Beach as in B-E-A-C-H, Beach!" sabi ni Luigi.
Nagtawanan kaming lahat. Nakatingin naman ang iba naming kaklase sa 'min. Natigil ang kasiyahan ng biglang pumasok si Raven na mukhang pagod sa kakatakbo.
Raven Collins, syempre hindi mabubuo ang klase niyo kapag walang bida-bida na nagf-feeling president. Oha! Siya 'yon! Tadaaa!
Umayos ito ng tayo at humawak sa doorknob ng pinto. Napatingin kaming lahat ng nasa loob sa kanya.
"G-Guys!" hingal na hingal na saad pa nito. "'Y-Yung Lab.." pagputol pa nito sa sinabi "A-Ano.." huminga ito ng malalim.
Sumama naman ang hilatsa ng mukha ni Jazzie. "Sasabihin mo ba 'yan o Sisipain kita?" mataray na sabi nito at tinaasan pa siya ng kilay.
Katakot naman po Ate Jazzie!
Mabilis naman na napaayos si Raven at huminga pa ng malalim para kumuha ng hangin.
Papatay na ata 'to.
"'Yong Small Laboratory sa labas, nasusunog!"
Plagiarism is a crime.
•Edited•
![](https://img.wattpad.com/cover/239235343-288-k31091.jpg)
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...