.
•Elina Millicent•
"You should rest too." sabi ni Primo at patuloy pa rin sa pagmamaneho. Medyo nakalayo layo na din kami sa paaralan at ngayon ay nasa tahimik na highway kami.
"Ayos lang ako." pag-iling ko habang pinapadaan ang mga palad sa noo ni Aiden patungong buhok.
Halos lahat ng kasama namin ay tulog na dahil sa sobrang pagod. Kami na lang ni Primo ang gising dahil bukod sa nagmamaneho siya ay ayaw ko din namang matulog.
Baka kasi mainggit siya tapos bigla niyang ibangga 'yong sasakyan.
"Are you sure?" paninigurado nito.
Tumango naman ako at tumingin sa kanya. "Ikaw? Baka pagod ka na diyan. I can drive naman" sabi ko kahit na hindi naman ako marunong, nagpapa-impress lang.
"No. I can manage." sabi pa nito at bahagyang sumilip sa akin. "Just rest."
Hindi ko na naman siya inimikan. Naramdaman kong gumalaw si Aiden sa kandungan ko.
"Ate Lili.. Asan na tayo?" tanong nito at bahagya pang nagkusot ng mata.
"Malayo pa tayo, Aiden." si Primo na ang sumagot dahil hindi ko din naman alam kung saan kami patungo.
Tumango lang si Aiden at sumandal ulit sa akin, inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ko kaya medyo niyapos ko siya.
"Ate. You think we can survive?" Aiden blurt out.
"Sa totoo lang, hindi ko din alam." natatawang saad ko. "Pero gagawin ko ang makakaya ko para maka-survive tayo." ngiti ko.
"Where's your parents?" Aiden said out of nowhere. Napatigil naman ako at napatulala.
"Shit!" malakas na mura ko nang maalala kong hindi pa pala namin natatawagan ang mga magulan namin.
"Argh!"
"Ingay!"
"Lili, ano ba!?"
Kanya-kanyang komento sila.
"How's your family?" tanong ko at pinagsawalang bahala ang kaartehan nila.
Sabay-sabay silang napamura ng ngayon lang din naalala ang mga pamilya nila.
Mga wala talaga tayong kwentang anak.
"Shit! Wala ng signal dito." sabi ni Jazzie at nagpipindot sa cp niya.
Iyong iba naman ay nakatingin lamang dahil mga wala silang dala na cellphone.
Kinuha ko ang telepono ko na nasa bulsa ng jogging pants ko.Sinilip ko iyon at nakita kong wala ngang signal.
"Buhay pa kaya sila?" nag-aalalang saad ni Jasmine.
Napatigil naman ang komosyon nang tumigil ang van na sinasakyan namin.
"What happened?" silip ni Kelly sa unahan.
"Hindi makakadaan ang sasakyan dito." seryosong sabi ni Primo.
Napatingin kaming lahat sa unahan at nakita ang mga sasakyan na mukhang dinaanan ng bagyo. Ang iba ay sira-sira na at meron pang mga dugo doon.
Yuck! Akala ko, naubusan kami ng gasolina.
"Kailangan nating bumaba." sabi ko.
"Safe ba?" ibinaling ni Kelly ang paningin sa labas.
"Titignan ko." sabi ko at akmang bubuksan ang pinto nang biglang may dumamba sa windshield na isang zombie.
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...