Deis

772 54 0
                                    

.

•Elina Millicent•

"Sa tingin ko ay kailangan na nating umalis dito." sabi nung katabi nung isang mulala.
"Hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan ang mga bagay na 'yan."

Nagpalinga-linga ito at tumingin sa mga kasama namin na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin.

"Sumunod kayo sa 'min." saad pa nito at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman kami sa kanya.

"Sino ba 'yan?" bulong ni Luigi na nasa tabi ko. Si Primo naman ay nasa kabila at buhat pa rin si Aiden.

Nagkibit-balikat ako. "Malay."

Pumasok kami sa isang eskinita at meron pang isang labasan do'n. Ang layo naman.

"Hoy, babaita, anong babe-babe iyon, ha!?" galit na pabulong ni Astrid. Nagkibit-balikat naman ulit ako. Hindi ko nga alam!

Nang makalabas kami sa may eskinita ay tumungo kami sa 7-Eleven. Woah!

"Safe ba diyan?" tigil na tanong ni Xyron.

"Yes."

Pumasok naman na kami sa 7-Eleven. Nang makapasok kami ay naramdaman ko ang malamig na hangin na galing sa aircon ng store na ito .

"Wow! May kuryente pa rin?" namamanghang saad ni Kelly. Tumango naman ang dalawa at ibinalik ang tingin sa amin bago ini-lock ang glass door.

"What do you think?" pakinig kong bulong ni Primo sa akin kaya tumingin ako sa kanya. "Kakampi o Kalaban?" tanong nito.

"Hindi ko alam.." bulong ko din at nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Hoy! Anong pinagbubulungan niyo diyan?" sabi nung mulala na tumawag sa akin ng babe. Sungalngalin ko siya eh.

Umiling naman ako. Inalis ni Aiden ang pagkakapulupot ng kamay niya kay Primo at inabot ako kaya binuhat ko siya.

Naramdaman ko naman ng kumukulo ang tiyan niya. Nahagikgik ako "Are you hungry?" bulong ko. Tumango naman siya.

Pumunta ako sa lagayan ng mga cup noodles. Nakasunod naman ang tingin ng mga kasama ko sa akin. Tanghali na din kasi at hindi pa kami kumakain.

"Pwede bang kumuha ng mga pagkain dito?" basag ni Cyphrus sa katahimikan.

"Pwede kayong kumuha ng kahit anong gusto niyo pero kailangan niyo ring mag tipid dahil hindi na tatagal ang mga naka-stock na pagkain dito." sagot ng mulala.

Wow naman. Ang bait. Mabilis na kumilos ang mga kasama ko at kumuha ng pagkain na kanilang nais dahil na rin sa gutom.

Kinuha ko ang isang cup noodles at ibinaba si Aiden para ito'y buksan. "Aiden, nakain ka ba nito?" tanong ko.

"Yes."

Pumunta ako sa lagayan ng hot water para lagyan ang cup noodles na hawak ko. Nang malagyan ko iyon ay hinigit ko si Aiden papunta sa isang table na nand'on at ito'y pinaupo.

"Wait mo lang na maluto 'yung noodles." sabi ko at tumango naman ito. Bumalik ako sa dalawang mulala na tumulong sa amin.

"Sino kayo?" kunot-noong tanong ko.

Tinagtag naman nila ang panyong nakalagay sa mukha nila.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na si Raven ang isa sa kanila.

"Sabi na! Kilala ko talaga ang kayabangan ng isang 'yan eh!" biglang singit ni Jazzie sa tabi ko na ang tinutukoy ay si Raven. Natatandaan niyo pa ba ang hangal na sipsip na 'yan? Siya nga!

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now