.
•Elina Millicent•
Nagising ako nang makarinig ako ng mga ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga tao na mga nagsisi-kain at nag-uusap.
Bumangon naman ako ng may maamoy akong mabangong pagkain. Gutom na ako.
Tumingin ako sa tabi ko. "Penge ako Luigi!" sabi ko at akmang kukuhanin 'yung kutsara niya para sana makikain.
Inilayo naman niya iyon. "Ayaw ko nga! Kumuha ka do'n, wag kang tamad!" sabay subo sa pagkain niya.
Nainis naman ako dahil do'n. Nagdabog ako at bumalik sa pagkakahiga ko. Tinatamad pa akong tumayo, ano ba yan!
May naramdaman naman akong nakatingin sa akin. Hinanap ko iyon at bahagya pa akong umupo. Nakita ko na naman si Patricia na masamang nakatingin sa akin.
Kinulbit ko naman si Luigi na nasa tabi ko. "Ano ba, Lili? Kumuha ka nga do'n. Hindi 'yung ako ang pinupurwisyo mo!" asar na sabi nito at bahagyang tumalsik pa ang kanin na nasa bunganga niya.
"Kadiri! Hindi iyon ang sasabihin ko!" inis na sabi ko. "Tignan mo 'yung Patricia , palagi na lang ang sama ng tingin sa akin. Nababadtrip ako, papatulan ko 'yan!"
Tinignan naman niya iyon. "Pabayaan mo na. Inggit lang 'yan sayo." walang pakeng sabi niya.
"Bakit naman?"
"Alam mo kasi, Lili." bahagyang tumigil ito para bumwelo. "Napakamanhid mo!!!!" sigaw niya sa akin. Nagtalsikan naman ang kanin na nginunguya niya sa mukha ko.
"Kadiri ka!" binatukan ko siya kaya nabilaukan siya. Mabilis siyang tumakbo palayo at pumunta sa kuhanan ng tubig.
Pinahid ko naman ang mukha ko dahil nakakadiri talaga ang siraulong iyon.
"Kumain ka na." may nag-abot sa akin ng pagkain. Inangatan ko naman ito ng tingin, si Primo.
Nginitian ko siya ng pagkalapad-lapad. "Salamat! Labyu!" sabi ko at nilantankan ang pagkain na inabot niya.
Natigilan naman siya at kalauna'y umiling-iling na lang.
***
Nang matapos kaming kumain lahat ay nagpahinga muna ang iba para matunawan.
Nasa harap ko ngayon si Tita Sam.
"Kumusta ka na, Lili?" ngiting saad nito.
Napakunot naman ang noo ko."Tita, magkasama lang naman tayo, ah?" takang saad ko.
Napatawa naman siya. "I mean— where's your parents?" tanong nito.
Ngumiti naman ako. "Wala po sila dito sa Pilipinas ei" sabi ko.
Mukha naman naintindihan ni tita Sam ang sitwasyon ko.
"What do you think to my son?" pag-iiba ng topic ni tita. Sus!
"Kay Aiden po ba? Matalino po si Aiden tapos magaling din magdrawing, medyo nag-away lang po kami nitong mga nakaraang araw dahil matigas din ang ulo niya." walang prenong pagsasalita ko.
Para naman nagulat si tita. "Why? What happened? Nag-away kayo?"
"Opo. Hindi naman po sa nag-away, medyo nagalit lang ako sa kanya." sabi ko. "Ang tigas kasi ng ulo, sabi ko na huwag siyang gagamit ng baril pero hindi niya ako sinunod." naiinis pa rin na saad ko.
"Si Primo naman po mukhang walang pakealam tapos isa pa 'yang si Hiro, siya nagturo kay Aiden gumamit ng baril! Kaasar!" kunot-noong saad ko at medyo nanggigigil pa dahil naalala ko na naman ng tagpong iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/239235343-288-k31091.jpg)
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...