.
•Elina Millicent•
Malakas kong hinampas ang salamin sa harap ko para maagaw non ang atensyon ng mga zombies na nakapalibot sa mga kaibigan ko.
Napabuga ako sa hangin dahil sa sobrang kaba.
I need to take the risk. Kaya ko 'to!
Mabilis na nagtakbuhan patungo sa akin ang karamihan sa zombies subalit ay may natira pa rin sa mga kasamahan ko.
Alam kong kaya na nila 'yon.
Tumakbo ako papasok sa science building nang hinabol na ako ng mga zombies. Kailangan ko silang iligaw.
"C'mon mga pokemons!" natutuwang saad ko. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa sobrang kayabangan ko.
Pero tangina, feeling ko mamamatay na ako dito.
Tumigil ako dahil sa pagod na akong tumakbo. Hinarap ko naman ang mga humahabol sa akin at pinaghahampas ko sila ng kahoy na dala ko.
Mabilis akong umiwas ng may dumamba sa akin galing sa gilid ko.
"Fvck you, men!" mura ko dito kahit na alam kong hindi niya ako naiintindihan. Pinaghahampas ko naman ito sa ulo.
Humarap pa ako sa iba. "Shit! Lalong nadami."
Pumihit ako patalikod at patuloy na tumatakbo. Meron pa akong nakakasalubong kaya hingal na hingal na ako. Pinagpapawisan na din ako ng malamig dahil sa sobrang pagod at takot.
Tangina! Hindi ako pwedeng mamatay dito. Virgin pa ako. Huhu.. Lord help!
Nakita ko naman ang bukas na cafeteria, makalat ito at mukhang dinaanan din ng kaguluhan. Meron pang mga zombies na pakalat-kalat pero kakaunti lang ang mga nandoon.
Kakayanin ko 'yan!
Mabilis akong pumasok sa cafeteria at sinarado ang glass door nuon para hindi na madagdagan pa ang mga zombies na nagbabalak pumasok.
Tumalon ako sa mga lamesa, nagawa iyon ng ingay kaya naagaw ko ang atensyon ng nasa loob. Tumakbo sila palapit sa 'kin kaya hinanda ko ang kahoy na hawak ko.
Habang nasa lamesa ako ay pinaghahampas ko sila sa ulo dahilan para mapingkot ang mga nakakadiri nilang bungo. Eww..
Tinalon-talon ko ang pagitan ng bawat lamesa hanggang sa tumalon ako ng mataas para makapasok sa loob ng counter.
Umupo naman ako para hindi ako makita ng mga zombies na matitibay ang bungo at nagawa pa ring tumayo matapos kong lampasuhin. Chour!
"Shit, pagkain!" nabulalas ko nang makita ko ang mga turon na nakaplastik at dalawang box ng pizza.
Inikot ko ang paningin ko para maghanap ng lalagyan. Napatingin naman ako sa istante ng makita kong may malaking tote bag doon.
Kinuha ko ito at tumayo ako para kunin sa mga istante ang nakadisplay na pagkain, mabilis kong pinaglalagay ang mga turon sa bag at ang isang box ng pizza, habang ang isa naman na box ay hinawakan ko at binuksan.
Kumuha ako ng isa—isa lang naman, para kainin. "Yum! Ang sarap!" sabi ko. Nakalimutan ko na nasa pokemon show nga pala ako.
"Grrr!" galit na ungol ng zombie na nasa loob habang nakatingin sa akin.
(a/n: sorry na, hindi ako marunong umungol)
"Gagalit?" sabi ko. Lalo naman itong umungol at pilit akong inabot pero dahil sa divider na nakaharang ay hindi niya ako maabot.
![](https://img.wattpad.com/cover/239235343-288-k31091.jpg)
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...