.
•Elina Millicent•
Napalingon kaming lahat sa tumawag na iyon. Nakita ko ang isang babae na medyo mya kaedaran na pero nahahalataan mo ang pagiging magandang babae nito nung kabataan.
"Mom!" biglang tumakbo si Aiden para salubungin iyon.
Mama niya pala, sana all.
Nagyakapan naman sila. Lumapit ang babae kay Primo at niyakap din ito.
"Thank God!" sabi nito. "A-akala ko.." naluha na lang ito at hindi na naituloy ang sasabihin.
"Shh.. Stop crying, mom. We're fine" saad ni Primo at inalo ito.
"Mom! Come here. May ipapakilala ako sa inyo." hinigit naman ni Aiden ang mama niya at hinila ito papunta sa amin.
"Mom. Siya si Ate Lili, nagligtas sa'kin" nakangiting saad nito at bumaling sa mga kaibigan ko. "And her friends"
"Hello po, Tita!" feeling close na saad nilang lahat maliban kay Xyron at Hiro na KJ.
"Hello din sa inyo." sabi nito at tumingin sa akin. "Maraming Salamat sa pagligtas sa anak ko, Lili." ngumiti ito ng pagkakalapad at niyakap ako.
"Wala po 'yun, Tita. Kasama ko po mga kaibigan ko." sabi ko at humiwalay sa kanya at pinalapit ang mga kaibigan ko dito.
Isa-isa naman silang nagpakilala. Maayos naman na nagpakilala ang mga babare kay Tita, samantalang ang mga lalaki naman ay, mapapairap ka na lang.
"Hello po, Tita! Ako po si Cyphrus ang pinakagwapo sa kanil—"
"Huwag kayong maniwala diyan, Tita. Luigi nga po pala, ang pinakagwapo sa kanilang lahat. Kaya ikaw Cyphrus tumahimik ka diyan." binunggo-bunggo pa nito ang balikat ni Cyphrus at doon na nagsimula ang kanilang asaran.
Napiling na lang kami.
"Hiro nga po pala, pinaka-cute at matalino sa'min, sabi ni mama ko." nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya.
"Tss. Sinungaling." bulong ni Xyron. "Xyron po, tita." nagbow pa ito.
"Raven po."
Napakunot naman ang noo ko nang may naalala. "Ha!" napatingin naman silang lahat sa akin.
"Hoy! Xyron! Isusumbong kita kay tita. Akala mo ha, sasabihin kong minamaltrato mo si Aiden!" tumingin naman ako kay Tita. "Tita, maniwala kayo minamal—" naputol ang sasabihin ko ng may nagtakip sa bibig ko.
Napakinig ko naman na nagtawanan ang iba. "OA ka!" pakinig kong sabi ni Xyron na siyang may takip sa bibig ko. Nagpumiglas naman ako.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko. "Hoy! Wag niyo ngang kampihan 'tong bwisit na 'to." inis na saad ko dahil tinatawanan lang nila ako.
Tinignan ko si tita nang nagmamakaawa. Ngumiti naman ito at humarap sa mga kaibigan ko. "You can call me tita Sam."
"Primo!!!" napatingin kaming lahat sa tumili. Isang babae na tumatakbo papunta kay Primo. Nang makalapit siya ay dinambahan niya si Primo para mayakap.
Hindi naman iyon ginantihan ni Primo pero hinayaan niya ang babae na nakaangkla sa leeg niya.
Tumingin sa gawi ko si Primo kaya nag-iwas ako ng tingin at binaling ang tingin sa mga kasama kong nakatingin din sa akin.
"It really hurts~" pakinig ko na naman na kinanta ni Cyphrus.
"Ang magmahal ng ganito~" dugsong nilang lahat at humagalpak ng tawa dahil sa hitsura ko. Inirapan ko sila at pumunta na sa pwesto ko para humiga dahil pagod na ako.
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...