.
•Elina Millicent•
Lahat kami ay napatulala nang malaman ang sikretong tinago ng kaanib ng bansa ng Pilipinas. Hindi ko maiwasan na magalit dahil sa katrayduran nila.
"Guys, pagod na ako.." hinihingal na saad ni Jasmine, nilagay pa nito ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod bilang suporta.
Nageensayo kami ngayon para kapag dumating ang tamang oras ay maging handa kami sa kung anong mangyayari.
"Let's take a break." sabi ni Ace. Siya ang tumayong leader ng grupo namin. Bukod sa isa siyang sundalo ay siya rin ang pinakamagaling na tao ng presidente.
Hindi ko pa rin siya kasundo dahil sa ginawa niya. Gustong-gusto ko siyang bigwasan dahil sa pagsama niya kay Aiden.
"Ate, i'm tired already." nagrereklamong saad ni Aiden.
"Yan! Yan! Sinasabi ko naman kasi sa'yo 'di ba? Na huwag matigas 'yang ulo mo." panenermon ko.
Tinakip naman niya ang dalawang kamay sa magkabilang tainga niya. "Nyenyeee~" kunwaring walang naririnig na sabi nito bago tanggalin ang kamay at tumingin sa akin. "But, i want to come." naka-pout na sabi niya.
"Aiden.." napabuntong hininga na lang ako. "Hindi tayo maglalaro do'n, okay? Delikado!"
"I know ate, i know. That's why, i want to come because it's dangerous." nangingiting sabi niya. Inirapan ko na lang siya.
"Naku! Ikaw Aiden, ha! Nakukuha mo na 'yang ugalin ng kuya mo. Sinasabi ko sa iyo, huwag kang naglalalapit diyan!" inis na saad ko.
"What?" nanigas naman ako ng may bumulong sa tainga ko. Nang tignan ko iyon ay halos magkadikit na ang mukha namin dahil sa sobrang lapit niya.
Bahagya ko namang inilayo ang mukha ko. "Hehe.. Hi, Primo!" itinaas ko pa ang isa kong kamay at nagwave iyon.
Napakinig kong humagikgik si Aiden ngunit hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa mga mata ni Primo.
"Mhh.." aniya. "What did you say? A while ago?"
"Wala! Tsimoso ka!" irap ko sa kanya.
Nang tumayo ako ay hinigit niya ako sa bewang para iharap sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"H-Hoy! Chansing ka!" pilit kong pinagsasawalang bahala ang nararamdaman ko, nag-iinit ang aking mukha dahil sa hiya at kilig—aye!
"Look at me, baby." bulong niya. Hindi ko naman sinunod iyon. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na inangat ang baba ko para makatingin sa kanya.
"You're beautiful.." sinserong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Huwag kang ganyan, Primo. Kinikilig ako." pabebeng sagot ko.
"I want to kiss you. Can i?"
Tumango naman ako. "Ekey shege.." malanding sabi ko.
Nilapat niya ang mga labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako at tinugon ko naman iyon.
"HOY! BAWAL YAN!"
![](https://img.wattpad.com/cover/239235343-288-k31091.jpg)
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...