Kinse

695 44 3
                                    

.

•Elina Millicent•

Habang nakasunod ako kay Primo ay napansin kong medyo gumalaw si Aiden.

"Gising ka na?" pagkausap ko dito. Tumango naman ito at binaba ko na. Ang bigat niya grabe.

Hinawakan ko ang kamay nito at sabay kaming lumakad papunta doon sa kwarto kung nasaan silang lahat.

"What happened?" bungad na tanong ko sa kanilang lahat nang makapasok ako.

"Elina.." napatingin naman ako kay Hiro na seryoso ang tingin sa akin kaya kinunot ko ang noo ko.

"Speak." saad nito sa lalaking nakatali. Binaling ko ang tingin sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! Ang sakit ng pagkakabato mo sa akin, ha! Paganti ako!" sabi ko at binitawan ang kamay ni Aiden para sana lapitan ito ngunit pinigilan nila ako.

"Stop."

Tinignan ko naman sila ng nagtataka. "Bakit?"

"He can help us." Raven said.

"Ano? Saan?" takang tanong ko.

"Dadalhin niya tayo sa safe zone." sabi ni Xyron. Inirapan ko naman siya dahil naalala ko na naman ang katarantaduhan niya. Hindi ako makamove-on.

"Safe zone? Weh?" nanghihinalang saad ko. Tinignan ko naman ang lalaki at tinaasan ng kilay.

"Sabihin mo ang nalalaman mo" saad ko.

Mukha namang natakot ito. Wow, kanina makatutok ng baril sa'kin, ang tapang tapang tapos ngayon.. Haha. Hatdog!

"A-Ah.." tumikhim ito bago ulit magsalita. "Pinadala ako ng gobyerno—actually, hindi lang ako ang naandito sa lugar niyo—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may mapakinig kaming mga putok ng baril na umalingaw-ngaw sa paligid.

Hinigit ko si Aiden at mabilis na idinapa. Nakita ko din ang iba na nagsiyukuan para makaiwas kung sakaling may mga bala na makalagpas.

"Ano 'yon!?" tarantang saad ni Nurse Che. Tinignan niya kaming lahat ng may pag-alala.

"Tangina naman.." bulong ko at akmang lalabas ng kwartong iyon para tignan kung anong nangyayari nang biglang bumukas ang pintuan at may mga armadong lalaki na itinutok sa amin ang kanilang mga hawak na baril. M16A4

"Itaas niyo ang mga kamay niyo! Walang manlalaban!" sigaw ng isa sa kanila. Pakinig ko pa rin na may mga nagpuputukang baril sa labas. Siguradong naka-attract kami ng mga zombies dahil sa mahangin nilang entry, amputa.

Itinaas namin ang mga kamay namin. Itinago ko naman si Aiden sa likod ko. Buti na lang talaga hindi nato-trauma ang batang ito.

"Kalagan niyo si Ace!" sabi ng kaharap ko habang nakatutok pa rin ang nguso ng baril sa amin. Nagbabantay kung sino ang gagawa ng kaharasan sa amin.

Shit naman!

Mabilis na kumilos ang mga kasamahan niya sa likod at kinalagan ang lalaking nahuli namin kanina. Ace pala pangalan ng kingina.

"Sino kayo?" kalmadong saad ni Primo.

"Pinadala kami ng nakatataas dito. Kailangan niyong sumama sa amin." seryosong saad nito.

"Paano kung ayaw namin?" banat ko. Go self!

"You leave us with no choice." tinignan nito ang mga kasama na nakalagan na si Ace. "Get them." turo nito sa amin.

Nakita kong hinawakan nila ang mga kasama ko at marahas na hinigit palabas.

"Aray ko! Ate!!" napalingon naman ako ng mapakinig ko ang daing ni Aiden.

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now