.
•Elina Millicent•
"It's about the virus." the president said.
Nagkatinginan naman kaming lahat bago ibinalik sa presidente ang tingin. Tumayo ito sa kinauupuan at may kinuhang remote.
May lumabas na presentation sa harapan namin. Napakunot naman ang noo ko. "School namin 'yan, ah?"
"Yep."
"Dito nagsimula ang lahat ng pangyayaring ito." aniya.
"Seryoso!?" gulat na tanong naming lahat.
"Yes." inilipat niya ang presentation.
"Ano 'yan?" tanong ni Kelly.
"It's the virus." seryosong saad nito. Tinignan niya naman kami.
Lahat kami ay walang alam na ganito. Hindi namin maintindihan.
"Paano naman magkakaganyan sa school namin?" kunot-noong tanong ni Xyron.
Inilipat niya ulit ang presentation. Napasinghap kami sa nakita.
"Anong kinalaman ni Professor De Torres?"
"Wait!" napatingin kami kay Aiden. "I remembered something."
Nagtataka naman ang mga mata namin na nakatingin sa kanya. "Aiden, usapang matanda 'to" nagbabalang saad ko.
"No, i mean— i think makakatulong 'tong sasabihin ko." parang matandang saad ni Aiden.
"Spill it, kid." sabi ng presidente.
"It's the time when i was lost, bago ako makita ni ate Lili.."
***
•Aiden Cervantes•
Naglalakad ako papunta sa builduing ni Kuya. May pinapasabi kasi si mama.
May nakita akong isang Professor na kahina-hinala. Mukha siyang balisa at tumitingin tingin sa paligid bago dumiretso sa isang Laboratory.
I got curious so i follow him. "Anong ginagawa niya?" tanong ko sa sarili ko.
Sumilip ako sa maliit na bintanang nakabukas. Nakita kong inilapag niya ang isang bagay na naglalaman ng kulay green na tubig. Tinitigan ko iyon ng maayos at napansin na parang malagkit iyon.
"Yuck.." bulong ko.
Tumingin-tingin naman ito sa paligid bago kinuha ang kanyang cellphone.
"Are you serious about this?" saad niya sa kabilang linya.
My forehead ceased when i can't hear what the other line said.
Ibinaba niya ang cellphone at tinignan ang kulay green na malagkit sa table. "Kadiri talaga.." bulong ko.
Huminga ito ng malalim bago kinuha ang bagay na iyon. Tinitigan niya iyon.
Nagulat ako ng ininom niya iyon. My mouth form 'O'.
Nabitawan niya ang hawak kaya nabasag iyon. Nagtaka naman ako nang para siyang nahihirapan huminga.
I was stunned. Hindi ko alam ang gagawin ko nang bigla niyang ginulo ang mga gamit at parang may iniindang masakit.
Hanggang sa mabunggo niya ang isang bote na may laman na kulay red na liquid, nang matapon iyon ay bigla itong lumiyab.
Napaatras naman ako. Sa sobrang kaba at takot ay tumakbo na ako bago pa ako madamay sa mga pangyayari hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ba ako.
"Hala! Patay!"
Nang babalik sana ako ay nakita ko na lang na nagkakagulo na ang mga senior ko.
Nakatayo lang ako doon at pilit iniintindi ang mga pangyayari hanggang sa may humila na sa akin paalis do'n.
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Fiksi IlmiahThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...