.
•Elina Millicent•
"Teka nga lang.." nanliliit na matang sabi ko. "Kompleto pa ba kayo?" inilibot ko ang mata ko simula kay Xyron na katabi ay si Jazzie-Jasmine-Astrid-Kelly-Luigi-Cyphrus— at napatigil ang tingin ko sa katabi ni Cyphrus.
"Sino kayo?"
"Ate Lili, he's kuya Primo and Nurse Cheska." singit ni Aiden.
"Magkahawig kayo, Aiden at Primo." bulalas ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"We're siblings." sabi ni Aiden.
"Ahh.. Magkapa—" nanlaki naman ang mga mata ko. "M-Magkapatid kayo!?" hindi makapaniwalang sigaw ko.
Tumango naman si Aiden. Napalipat ang tingin ko sa katabi niya si Primo.
"Hi, Kuya Primo at Nurse Cheska!" masayang bati ko. Tinanguan lang naman ako ni Nurse Cheska habang si Primo ay nakatingin lang sa akin. Mabilis naman akong umiwas at umupo sa gitna nilang lahat.
Bale nasa gitnang bahagi ako ng kwartong ito.
"Lili. Bakit pirat itong turon na dala mo?" pagrereklamo ni Cyphrus at sinang-ayunan naman ng karamihan.
Tinaasan ko naman sila ng kilay at nagpamewang. "Aba't! Nagawa niyo pang magreklamo?" inis na sabi ko. "Lumagapak ako kanina doon sa likod ng cafeteria. Malay ko bang mataas iyon, hindi ko naman napansin." sabi ko at umirap.
"Ay tanga" magkasabay na sabi ni Kelly at Jazzie kaya tinignan ko sila ng masama.
"So.. Anong plano?" biglang tanong ni Astrid. "Change of plan ba?"
Umiling ako. "Gano'n pa rin."
"Seryoso? Gano'n pa rin? E, palpak nga 'yung unang pla—"
Tinignan ko ng masama si Xyron. "Edi ikaw magplano." asar na sabi ko.
Natahimik naman siya."Oh, ano? May ilalabas pa ba 'yang bunganga mo?" inis na sabi ko. "Pasabugin ko 'yan e!" dagdag ko pa.
Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Luigi at Cyphrus. Kinunotan ko silang dalawa ng noo at sinamaan ng tingin kaya tumigil sila sa ginagawa at pilit na hindi matawa.
Bumalik ang tingin ko kay Xyron na ngayon ay tahimik na.
"What's your plan?" Primo said in a flat-tone. Tinignan ko ito na nakatingin din naman sa akin. Inirapan ko siya at binaling ang tingin sa mga kaibigan ko.
"Ipaliwanag niyo sa kanila 'yung plano." sabi ko.
Shit naman. Feeling ko dadatnan ako.
Pinaliwanag naman ni Astrid sa bagong dating ang dapat ay plano namin.
Tumango-tango si Primo. "Maybe, i can help" sabi nito at lumapit sa akin. Umupo ito sa harap ko na may dalang lapis at papel. Malay ko kung saan niya nakuha iyon.
Magkaharapan kami at nasa tabi ko si Aiden na nakayakap sa akin.
"Seriously, Aiden?" nakabusangot na saad ni Primo kay Aiden. Dinilaan niya lang ang kanyang kuya kaya lalong nainis ito.
Nagsimula naman silang magbangayan sa harapan ko kaya ako naman ang nainis. "Ano? Mag-aaway na lang kayo diyan?" inis na saad ko. Kanina pa talaga ako naiinis.
Tumahimik silang dalawa. "Let's make a plan. I mean, there's no change pero ip-polish lang natin." sabi ni Primo at nagsimulang mag guhit doon sa papel na hawak.
May pinagmanahaan si Aiden.
Tinignan ko ang mga kasama ko na nakatingin lang sa amin. Habang si Kelly at Astrid ay may nakapaskil na ngisi sa mga labi. Inirapan ko naman sila. Tinignan ko ang gawi ni Luigi at Cyphrus, nakatingin ang mga ito sa amin na may nakapasak pa na pizza sa bunganga. Takaw!
![](https://img.wattpad.com/cover/239235343-288-k31091.jpg)
YOU ARE READING
Project Z: The Outbreak
Science FictionThere's an unidentified drugs that also made by a person who only wants to conquer the world. That drugs is a virus, a virus that can turn people into a violent one. Violent, not only violent human but a brainless one who will just chase another to...