Dise-otso

709 47 1
                                    

.

Third person's PoV
(Eto 'yung time na unang nakita sina Elina at ang kasamahan niya ng mga sundalo)

"President, may nakuhanan ang camera namin sa isang building ng Crystal University" sabi ng isang armadong lalaki na kumukuha ng litrato sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas.

At sakto naman na may nakuhanan siyang mga estudyante sa isang building ng Crystal University, kung saan nagsimula ang lahat.

"May i see." senyas ng President. Mabilis naman na lumapit ang sundalong iyon at inabot ang camera na ginamit.

"A student, huh." napangisi ito.

"Pres, ngayon lang namin napansin na may mga estudyante pala doon. Kailangan naming bumalik at siguraduhin kung buhay pa ba sila para mailigtas." anito.

"No."

Nagulat naman ang mga nakapakinig niyon. "Kung buhay man sila ay sundan niyo kung hanggang saan lang sila aabot pero huwag niyo silang hayaan na mamatay." seryosong saad ng presidente.

"Hindi po namin kayo maintindihan, Pres." naguguluhang ani ng isa pang sundalo, si Ace.

"There's something in this group. I can feel it." nakangising saad nito. "Sa tingin ko ay sila na ang makakatulong sa atin upang matapos na ang kagaguhan na ito." unti-unting nawala ang ngisi ng presidente at napalitan ng galit ang ekspresyon na ito.

"Damn that country!" inis na saad nito.

"Pero hindi tayo nakakasigurado kung buhay pa nga ba ang mga estudyanteng ito. Noong makalawa pa ang litratong iyan at may kasama pa silang bata." ani Ace.

Nagulat naman ang presidente. "Bata!?"
Ibinalik niya ang tingin sa litratong iyon. Ang litratong iyon ay kung saan naandon sina Lili sa gilid ng isang building at nakahilera papunta sa parking lot.

"H-How the hell?" bulong ng presidente. "P-Paano nila nalagpasan ang mga iyon na may kasamang... Bata!?" gulat na saad nito.

Lalong namangha ang presidente dahil sa nakita at nalaman. "Find them. As soon as possible!"

"Yes sir!" mabilis na nagsialisan ang mga sundalo.

"Ace.."

"Yes sir!?" nakasaludo pa ito ng magsalita.

"Test their capabilities." matigas ang tono nito.

"Pres, bakit parang siguradong-sigurado kayo na buhay pa nga sila?" nakakunot na tanong ni Ace.

"Because they are." ngumisi ulit ito. "Find them as soon as possible, Ace. This group.. This group is our hope" may pag-asang tono nito.

"Yes sir!" sabi ni Ace at umalis na ito para sumunod sa mga kasamahan niya.

Humalumbaba naman si President Chad. "Sana nga.." bulong nito. "Sana kayo na ang makatapos ng kaguluhang ito."

Marahan niyang hinawakan ang litratong nasa kamay niya. Litrato iyon ng kanyang asawa at ang anak niya na sanggol pa noong nawalay siya.

Ang alam niya ay nasa States nagi-stay ang mga ito.

Sana makita ko pa ang anak ko. Sana mahawakan ko pa siya.

Napangiti naman ng mapait ang Presidente ng maalalang hindi lang pala sa Pilipinas nangyari ang outbreak na ito kundi sa bawat panig ng buong mundo.

Sana.. Sana buhay pa sila..

Huling hiling ng presidente.

Ace POV

Hindi ko alam kung bakit tiwalang tiwala ang presidente na buhay pa nga ang mga estudyanyeng iyon.

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now