Dose

733 52 4
                                    

.

•Elina Millicent•

"Aiden, come here." tinapik ko ang tabi ko.

"Why?" saad nito nang makaupo.

"Huwag kang sumama sa mga 'yan kapag tinuturuan na silang gumamit ng gun, ha."

"But i want to learn too." saad nito at nagpout pa.

"No. I can protect you, okay?" sabi ko.  Tumango lang ito at hindi na gumawa pa ng argumento. Napangiti naman ako dahil masunurin siya at ang napansin ko ay sa akin lang siya nakikinig. Hahahahha

"Tara na." saad ni Hiro sa kanila. Isa-isa naman silang bumaba para kumuha ng kani-kanilang armas.

"Let's start." umupo sa harapan ko si Primo habang si Aiden naman ay nasa tabi ko.

Naglabas si Primo ng isang bondpaper at isang lapis.

"Lagi ka na lang may dala niyan?" kunot-noong tanong ko.

"Nakita ko lang sa baba." sabi nito at nagsimula ng gumuhit doon.

Nakatunganga lang naman ako sa kanya dahil wala naman akong maitutulong. Nang matapos ito ay sinimulan na nitong magpaliwanag.

Grabe, ang galing niya. Sa tingin ko ay siya lang talaga ang nagplano ng lahat at wala akong naitulong.

Kaloka! Ako nagyaya mag-plano ta's ako iyung walang nagawa. Kakahiya.

"Ang dami mong alam na lugar 'no?" manghang saad ko. "Pati mga eskinita alam mo."

"I used to travel a lot before." sabi nito. "I mean, gumagala lang ako."

"Ahh.. Sino kasama mo?" tanong ko.

"Si Patricia, kasama niyan ate." pagsingit ni Aiden. "'Yong may gusto sa kanya."

Eh?

"Gusto mo din?" baling ko kay Primo. Hindi naman ito umimik.

"I don't like her for Kuya. She's maarte." bulong sa akin ni Aiden kaya napatawa naman ako.

"Gano'n?" natatawang saad ko. Tumango naman siya.

Maya-maya pa ay may napakinig akong putukan ng baril. Napakunot naman ang noo ko.

Tumayo ako para dumiretso sa glass wall at tignan ang nangyayari sa labas. Nagulat ako ng makita sina Hiro na may kanya-kanyang dalang baril at tuwang tuwa na pinagbabaril ang mg zombies sa labas.

"Shit! Hindi ba sila nag-iisip!?" inis na sabi ko. Bumaba naman ako para pigilan sila sa pinag gagawa nila. Sumunod naman sa akin ang dalawa.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa glass door at binuksan ito. "Guys! What are you doing!?" inis na sabi ko.

"Lili! You should try this one. It's fun!" natutuwang saad ni Kelly. Napairap naman ako.

"Papasok kayo dito o Sasaraduhan ko kayo?" seryosong saad ko. Mabilis naman silang tumigil sa pagbabaril at sabay-sabay na tumakbo papasok habang si Cyphrus ay nakangisi pang binaril ang isang zombie na nakasunod sa kanila.

"Ano ba 'yan! Ang KJ!" reklamo pa nila.

Sinamaan ko naman sila ng tingin. "It's a bad desiscion to teach you how to use a gun."

"No. No! It's fun!" nang-aasar na saad ni Cyphrus. Tinalikuran ko naman sila at bumalik na sa taas para kuhanin ang plan namin.

Bago ako umalis. "Kumain at magpahinga na kayo. Sasabihin ko sa inyo ang plano mamaya." sabi ko.

"Yez maam!"

Nang makuha ko ang dinrawing ni Primo kanina ay dumiretso naman ako sa lagayan ng mga pads. Kailangan kong magpalit.

Project Z: The OutbreakWhere stories live. Discover now