Simula

8.5K 238 104
                                    

#CACSIMULA

"Where do you see yourself in ten years?"

10 years? By that time, I'll be 26 and I honestly have no idea what I'm doing.

My eyes remained on the woman in front. All of us students are gathered in the gym. Lahat kami ay nakaupo sa itim na monoblock chair. Iginaya ko ang paningin sa paligid. Halos mapuno na ang gym sa sobrang daming estudyante.

Napansin ko na ang iba ay may sariling mundo. Nagdadaldalan sila at palihim na nagcecellphone. Some of us are not even paying attention. Meanwhile I saw other teachers guarding us. Nakatayo sila sa gilid namin at pinagmamasdan kami. Nakita kong may lumapit na teacher sa likod at sinita ang mga nagdadaldalan na estudyante. Nahuli din niya ang ilan na nagcecellphone kaya kinonfiscate niya ito.

Binalik ko nalang ang tingin sa harap. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin din sa'kin ang isang teacher. Nakasandal lang siya sa pader at patuloy kaming inoobserbahan.

"Ano daw ulit yung tanong?" bulong ni Sabrina sa'kin

Pasimple akong sumulyap sa teacher bago sumagot.

"Naka-mic na siya tapos hindi mo narinig?"

"Eto kasing si Denise dinadaldal ako," sagot niya

I laughed nervously. "May nakabantay na teacher sa tabi natin."

Hindi naman siya sumagot at pasimpleng tumingin sa teacher na iyon pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya bigla sa'kin.

"Tumingin ka nalang sa harap at makinig," sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya

Sumandal nalang siya sa upuan at kinuha ang pamaypay sa bulsa sabay nagpaypay.

"Pre, ano daw sabi?"

"Aba malay ko. Hindi naman ako nakikinig."

"Where do you see yourself in ten years daw."

"Ahh iyon ba? Ahh...di ko din alam eh."

Rinig ko ang usapan ng mga boys sa harap namin. Napatingin ako sa teacher na nagbabantay sa'min at nakita kong nakatingin siya sa kanila.

Patuloy sila sa pagkwentuhan at mukhang walang pake kung mahuli man silang nagdadaldalan. Mahina kong sinipa ang upuan ni Mark. I noticed that there were thick law books stacked up under his seat.

So he's taking up law huh?

Lumingon siya at tinaasan ako ng kilay.

Tumingin muna ako sa teacher namin na ang atensiyon ay nasa ibang estudyante bago lumapit sa upuan niya.

"Nakatingin si Ma'am sa inyo kanina. Huwag niyo nang hintayin na sitahin pa kayo."

His mouth gaped open and slowly nodded. Kumindat siya at nag-ok sign. Hinanap niya ang teacher. Bahagyang nanlaki ang mata niya at mabilis na tumingin sa harap. Magsasalita na sana ako pero naramdaman kong hinila ni Sab ang puti kong coat. Napasandal ako sa upuan sa bigla niyang paghila.

I was about to speak when I saw from my peripheral vision that my teacher is literally right beside us.

"Warning Miss Cojuangco," pagbabanta niya

Hindi ko siya magawang tignan. Yumuko nalang ako at umakto na parang walang nangyari. Hindi nagtagal ay naglakad din siya palayo sa'min. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. I fixed my white coat and stethoscope around my neck.

Today is a special day that's why we're all gathered here. Our school invited a special guest. Someone who is I can say...already successful in life? That's right. We're having a career talk and that's also the reason why I'm wearing a doctor's uniform.

Chase and Courage (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon