#CAC31
Sa mga sumunod na araw ay bumalik sa normal ang dati. Nagkaayos na kami nila mama at papa. Ayun ang tingin ko.
Tahimik lang kaming kumakain sa hapag kainan. Ang tagal nadin simula noong nangyari. Nung una ay hindi ako komportable. Naging awkward kami sa isa't isa.
"Pakipasa ng kanin," sabi ni papa
Nasa harapan ko ang kanin at hindi ko alam kung ako ba ang magbibigay nun o si Kuya dahil magkatapat lang kami.
Sa huli ay ako nalang ang nagbigay kay Papa. Bumalik din ulit ako sa pag kain.
"Kamusta pag-aaral?"
Medyo nabigla ako sa tanong niya. Alam kong bumalik na kami sa normal noong kinakamusta niya ulit ako.
"Okay naman po," sagot ko
Tumango lang siya at pinagpatuloy na namin ang pag kain.
I guess it's a filipino thing that when we fought with our parents, we often apologize. Sometimes we don't. We just talk normally again. Para bang walang nangyari.
Sa huli ay biglang nagbago ang usapan. May bagong pinag-uusapan sila ngayon ni mama na hindi ako makarelate. It involves something about work. Then later on, the topic diverted to my brother. Pinag-usapan din namin si ate na ngayon ay madalang na lang namin makausap. Hindi nila mapigilan na hindi mag-alala para sa kanya.
I rarely talk to her. I also became busy with school. I couldn't even tell her what happened. Ayoko namang maapektuhan siya sa nangyari at baka madistract lang siya sa trabaho. It wasn't a big deal anyway. Lumipas din naman agad.
I just hope she's doing well.
Kinagabihan ay matutulog na sana ako pero biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table at nakita ang pangalan ni Ate sa caller I.D. Napabangon ako at inayos ang itsura ko bago sinagot ang tawag niya.
"Hi Talliah!" bati niya
I waved my hands and greeted her back.
"Hi! Bakit ngayon ka lang nagparamdam ha?"
Marahan siyang tumawa. "Sorry, naging busy talaga ako eh."
Umayos ako ng upo at nilayo ang phone ng kaunti.
"Anyway, malapit na birthday mo. Can't believe you're turning eighteen already! Parang dati sumasakay pa ako sa crib mo tapos-"
"Ate!" pagpigil ko
Tumawa siya at nakita ko siyang humiga.
"Kamusta ka diyan?" tanong ko
"I'm doing fine. Nakakapag adjust nadin kahit papaano," she answered
"That's good to hear. Ingat ka padin ah. Inom ka lagi vitamins tsaka huwag mo masyadong pagudin katawan mo."
She chuckled. "Yes Ma!"
I rolled my eyes at her and leaned on my bedframe.
"Saan nga pala kayo sa birthday mo? Magdedebut ka ba?" tanong niya
"Ahh hindi, I mean hindi ako magdedebut. Ayoko nun, masyadong magastos. Magreresort daw kami eh. Kain lang tapos swimming."
"You're not gonna invite your friends?" she asked
"Yayayain ko nalang sila kinabukasan, kung hindi busy ganun. Ayoko naman kasing madistorbo sila oh ano kapag nag debut pa ko. Baka di rin sila makapunta."
She sighed. "I'm sure they'll come."
"Eh, ayos lang. I don't want a grand celebration. Just a simple day with my family and hang out with friends, that's all."
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...