#CAC14
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatdan ko na agad sila na nasa dining area.
"Oh Talliah, andiyan ka na. Kain na dito," tawag sa'kin ni Mama.
Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa upuan. Amoy palang ay natatakam na ako sa ulam na niluto ni Mama.
Nagdasal muna ako bago kumuha ng pagkain. She handed me the bowl of rice that I gladly took. Nagsandok din ako ng ulam at nilagay iyon sa plato ko. Nagsimula nadin akong kumain.
Habang kumakain ay pinagiisipan ko na kung sasabihin ko ba sa kanila tungkol sa gusto kong mag-aral sa Manila. It's not like I'm expecting that they would allow me, but like what Mark said, I should atleast give it a try.
"Ma...Pa," panimula ko.
Binaba ko ang kubyertos ko at tumingin sa kanila. Maging si Ate ay tumingin din sa'kin.
"Ano iyon Talliah?" tanong ni Mama
Tumigil naman sila sa pag kain at ngayon ay nakaabang sa sasabihin ko.
"Since malapit na akong magcollege, gusto ko po sanang..." I gulped and licked my lips. "Mag-aral sa Manila."
Binalot kami ng katahimikan at hindi ko magawang tumingin sa kanila.
"Alam mo na ba kung ano yung kukunin mo?" tanong ni Papa
"Uhm, hindi pa po, pero gusto ko po kasing mag entrance exam din."
"Saang school naman anak?" tanong ni Mama
"Sa UP po sana," I muttered
"Oo pero anak, hindi naman sa school yun eh. Mas maganda kung alamin mo muna yung kurso na kukunin mo," wika ni Papa
Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. "Opo, alam ko naman po yun."
Uminom ako ng tubig para mahimasmasan. "Pero nag UP din po si Ate diba?"
I don't know why I suddenly brought that up. Maybe because if she can study in one of the most famous schools, I can too.
"Oo dahil magdodoctor Ate mo nun at isa sa UP na kilala sa kurso niya," tugon ni Papa
"Tsaka anak. Mahirap ang pinagdaanan ng Ate mo dahil malayo ang Manila. Nagcocommute lang siya papunta at pauwi. Hindi namin afford na magdorm siya dahil hindi sapat ang pera na kinikita namin. Nag-aalala lang din kami sa'yo," tumingin namana ko kay Mama sa sinabi niya.
"Naiintindihan ko po," sabi ko at tipid na ngumiti
Binalik ko nalang ang atensiyon sa pagkain.
"Pero kung gusto mo, wala namang masama kung magentrance exam ka sa UP," nabuhayan ako sa sinabi ni Papa
"Oo payag din naman ako kung gusto niya talaga sa UP, pero inaalala ko lang kasi baka
"I'll pay for her dorm Ma," biglang sabi ni Ate
Tumingin kaming lahat sa kanya. Unti-unting umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Alessandra," si Mama
Ngumiti si Ate kay Mama at nagtama naman ang mga mata namin.
"If Talliah really wants to study there then so be it. Besides, maganda naman ang UP as far as I can remember," she chuckled
"Sigurado ka ba diyan anak?" tanong ni Papa
Bahagyang kumunot ang noo ni Ate. "Of course Pa, for my little sister."
Mukhang hindi padin sila nakumbinsi. "Anak, kung mag-aaral ka sa Manila ay ibang iba iyon dito. Mas marami kang makikilala at makakasalamuha. Iba't ibang tao kaya ang payo ko ay piliin mo ng mabuti ang kakaibiganin mo. Delikado din kapag nagkataon."
![](https://img.wattpad.com/cover/235130245-288-k383115.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...