08

1.3K 48 6
                                    

#CAC08

Nagising ako dahil narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Kain na, Talliah." boses ni Ate

Bumangon naman ako at kinusot ang aking mata. Tumingin ako sa bintana at napansin kong gabi na pala. Nakauniporme padin ako ngayon kaya tumayo na ako at mabilis na nagbihis ng pambahay.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.

****

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon sa dining area. Kaming apat lang ang nandito dahil nagpapahinga pa si Kuya galing trabaho.

Ilang sandali ay narinig kong tumikhim si Mama. "Ahh, anak. Tanong lang namin ng Papa mo kung kailan yung alis mo papuntang U.S."

Tumingin ako kay Ate na siyang huminto sa pag kain. "Matagal-tagal pa po. Mga two to three months from now. Madami po kasing proseso at kailangan ko pa pong asuyin yung mga dokumento ko."

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Ate. Tumango lamang si Mama at pinagpatuloy na ang pag kain.

"May nahanap ka na bang trabaho?" si Papa

"Hon, sigurado akong marami pang inaasikaso si Alessandra. Mahaba at matagal na proseso iyon. Alam mo naman yun," sabi ni Mama

Mahina namang tumawa si Papa. "Pasensiya na, masaya lang ako sa anak natin. Unti-unti niya ng naabot ang pangarap niya. Matagal mo nadin inaantay ang araw na makakapag-abroad ka diba?"

Dahang-dahang tumango si Ate at tipid na ngumiti. "Opo, gusto ko din po talaga magkaroon pa ng experience."

"Hindi lang yun. Ganito yun mga anak, mahirap ka kasing yumaman dito. Buti nalang nagdoctor ang Ate niyo dahil in demand yung trabaho niya, malaki din ang kita at ang Kuya mo rin, malaki ang sahod dahil lumalago na ang teknolohiya sa mundo," paliwanag ni Papa.

Ilang sandali ay tumingin siya sa'kin. "Kaya ikaw Talliah, isipin mo nadin kung ano ang kukunin mong course at ang magiging trabaho mo para kagaya ng Ate mo, makapag-abroad ka din sa future."

Bumagsak ang mata ko sa plato ko. Bumuntong hininga ako at uminom ng tubig.

Sana nga ganun nalang kadali ang lahat. Paano kung sabihin kong hindi ko pa alam? Paano kung hinahanap ko pa ang sarili ko? Paano kung wala talaga akong gusto? Imposible dahil lahat ay may kaniya kanyang interes pero ako, hinahanap ko padin hanggang ngayon.

****

"Out na si Talliah!" sigaw ng kaklase ko.

Bumalik ang diwa ko noong tumama ang bola sa katawan ko.

P.E. time ngayon at naglalaro kami ng dodge ball sa field. I'm not really good at sports 'cause I'm not athletic.

Tumingin ako sa maliit na bola sa sahig. Ilang sandali ay tumalikod na ako at dumiretso sa bench. Kinuha ko ang hydroflask ko at uminom doon. Pinunasan ko din ang pawis ng sa mukha ko. Bumuntong hininga ako at umupo sa bench.

Pinanood ko sila habang naglalaro. Malawak ang field kaya iba't ibang sports ang pwede naming malaro. Tumingin ako sa kanan at nakita ang ilan na nagfofootball. Ang mga babae naman sa kanan ko ay nagvovolley ball. Kanina pa kami naglalaro dito at hindi ko alam kung bakit sila hindi napapagod.

Pumikit ako at dahil bigla ulit sumikat ang araw. Kanina ay makulimlim pero ngayon ay umaraw ulit. It was a sunny afternoon and I'm here sweating like a pig. Naiirita pa ako sa pawis na tumutulo sa kili kili ko at sa bra ko. Gusto ko nalang maghubad ngayon. Ayoko naman talaga mag P.E. pero napilitan lang ako dahil kulang daw sila sa players.

Chase and Courage (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon