#CAC33
"And that's a wrap for today guys!"
"Thesis defended!"
Nagpalakpakan kaming mga kagrupo ko sa research defense. Lahat kami ay masayang masaya dahil kakatapos lang namin magthesis. Grabe yung kaba ko dahil kami yung unang magpepresent pero nung natapos na kami ay nagpapasalamat ako dahil kami ang nauna dahil wala na kaming iisipin pa.
The thesis defense went well. I think we did a pretty good job. We answered the panel's questions confidently, well, not all of it but I'm thankful that it finally ended.
Nakaraos din kami.
"Congrats sa'tin!" masaya kong sabi sa kanila.
Nag-group hug kami at pinuri ang isa't isa.
"Good job sa'tin guys. I'm proud of us!" sabi ni Mico
I smiled. "Ako din. Finally nakaraos din."
"Oo nga, grabe yung kaba ko kanina. Legit, namawis talaga kili kili ko," sabi ni Andy
Tumawa ako dahil hinawakan niya pa ang kili kili niya.
Nakasuot kami ng semi formal attire. Blousr and black pencil skirt for girls and white long sleeves and slacks with boys. Nakasuot ako ng kulay light pink na long sleeves na may ruffles sa gitna at itim na pencil skirt partenered with heels.
"Ako din! Tsaka sumakit din paa ko dito sa heels na suot ko. 'Di ko keri," si Mae sabay hubad ng heels niya
"Ang galing nga ni Talliah eh. Talagang walang pinaglagpas na tanong," saad ni Cole
"Grabe nasagot ko nga pero 'di ko naman alam kung tama ba yung mga pinagsasabi ko," pagbibiro ko
They laughed and continued to compliment me.
"But seriously, you did well kanina. You answered all the panel's questions confidently," he said
"True sis! Galing mo sumagot."
I smiled shyly. "Thank you but I think we all did a good job. Lahat naman tayo nageffort at nagpuyat para lang dito. I'm glad it paid off."
"Worth it talaga. Grabe tinigyawat talaga ko dulot ng stress," saad ni Mae
I chuckled. "Ako din eh, nagbreak out talaga ko. Sunod sunod ba namang araw na walang tulog."
"Oo ako din, hanggang ngayon bangag pa ko. Nasayang pa skin care ko pero buti nalang natakpan ng make-up itong mukha ko."
"Halata padin naman Mae, lalim na nga din ng eye bags mo oh!" pang-aasar ni Cole
"Wag ka, pinaghirapan ko 'to," sagot ni Mae sabay turo sa ilalim ng mata niya
I giggled. "Lahat naman tayo mukhang sabog. Normal lang yun."
"Hay salamat talaga makakapag beauty rest nadin ako," sambit ni Mae
I really feel proud and happy for us. Hindi din biro itong thesis namin. Talagang ilang baso ng kape ang nilaklak namin gabi gabi para manatiling gising, para lang matapos lahat ng gawain.
"Yes, sa wakas natapos din 'tong thesis natin. Mas nag-aalala talaga ako dito kaysa sa exams natin," sambit ni Mico
"Exams? Ano yun? Nakakain ba yun?" pagbibiro ni Cole
"Shit! May exams pa nga pala. Hay, hindi pa pala tapos ang laban," buntong hininga ni Andy
"Ayoko na! Suko na ko," mangiyak na sabi ni Mae
"Kaya 'yan guys! Malalagpasan din natin 'to," si Cole
"Fighting!" sabay sabay naming sabi
Nagtawanan kami at patuloy padin nila akong pinupuri.
![](https://img.wattpad.com/cover/235130245-288-k383115.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...