#CAC40
"We will miss you Talliah!"
I smiled. "Mamimiss ko din kayo."
Andito kami ngayon ng mga katrabaho ko kasama ang boss namin sa isang korean restaurant.
Nilibre kami ni Sir Aaron dahil malaki ang kinita namin na sales sa latest project namin.
It's also an opportunity for me to say goodbye to them...
"Huwag ka ng umalis," pigil sa'kin ni Anna na nakanguso
I smiled awkwardly and bit my lip. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Oo nga! Boring kapag wala ka na," singit naman ni Cristine
"Wala ka nang pagchichismisan eh!" sabi ko
Inirapan niya ako sabay inom ng shot.
Napailing nalang ako at muling nagsalin ng soju sa shot glass ko.
I don't like the taste of it but as time goes by, I just got used to it.
"Kamusta na yung pagpapagawa ng shop mo? Malapit na ba matapos?" tanong ni John
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Uh yes! Everything is going well. It would be open very soon."
Pumalakpak naman sila. "Ayos. Excited nadin kami diyan."
"Salamat. Hope you'll look forward to it."
It's really heartwarming to receive all their supports, their genuine smiles, feedbacks and all. I'm just overwhelmed with everything right now.
Hindi pa nagbubukas ang shop ko pero sobra yung suporta na binibigay nila sa'kin.
Uminom ako sa shot glass ko at napangiwi sa pait.
Ngayon nalang ulit ako naginuman kasama sila. Sa sobrang busy ko ay talagang wala na kong oras para magparty o makipag hangout sa kanila kaya buti nalang ay nilibre kami ni sir.
Atleast, I can enjoy today. Even just for today.
"Basta walang kalimutan ah," sabi ni Cristine sabay hawak sa kamay ko
Pinatong ko ang palad ko sa kamay niya. "Of course."
Hinding hindi ko sila kakalimutan.
She smiled and poured soju on my shot glass. She raised hers as well and initiating a toast.
I smiled and took my glass on the table. I clinked it with hers and we drank it together. Sabay din naming nilapag ang baso sa lamesa.
"Kanina pa tahimik yung isa diyan," parinig ni John
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Nakita kong tinuro niya si Caleb na nasa tabi niya.
Napangiti ako at napailing. Pinaglaruan ko ang shot glass ko sa lamesa.
"Talliah. May gusto daw sabihin sa'yo si Caleb," sabi sa'kin ni John
Lumapit ako sa lamesa para maslalo siyang marinig. "Ha? Ano yun?"
Ngumuso siya sa katabi na si Caleb na nakatitig lang sa lamesa.
Umayos ng upo si John at siniko si Caleb. Bigla namang bumalik sa diwa si Caleb at kunot noong nilingon ang kaibigan.
"Ano?" he mouthed
"Sabihin mo na yung sasabihin mo," sabi ni John
"Hoy ano 'yan? May sarili kayong mundo ah," pagsingit ni Cristine habang turo turo ang chopsticks sa dalawa
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Genç KurguYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...