#CAC01
Kinabukasan ay dumiretso ako sa mga lockers. Binuksan ko ang locker ko at kumuha ng mga libro.
"Good morning!"
Nagulat ako sa pagdating ni Mark. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Gulat ka?" natatawa niyang sabi
Napailing ako at pinagpatuloy ang pagkuha ng gamit.
"Galing magsalita nung speaker kahapon 'no?" tanong niya
Tumango ako. Binuksan din niya ang locker sa tabi ko at kumuha din ng gamit.
"What do you think about her?" he asked again
"She's very well spoken. Ang dami kong natutunan especially sa last part."
"Ako din," sagot ko. "Akala mo naman talaga nakinig."
Nakita kong bigla siyang napatingin sa'kin. "Grabe nakinig kaya ako."
I chuckled. "Yeah right."
"Kaso inantok na ko sa dulo kaya natulog nalang ako," sabi niya sabay tawa. "Pero may naintindihan naman ako."
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. It was such an incredible experience for me. I enjoyed it because I learned a lot. I always crave for new things. I want to learn more. Sana ay may iinvite pa na guest speaker ang school. Nakakainspire kasi at nakakamotivate.
"Why law?" I blurted
Nakita ko kasi kahapon ang suot niya. Naka itim na coat at puti na polo sa loob at kulay itim din na slacks.
Sinara ko na ang locker ko at hinarap siya. Napatigil siya bigla sa pagkuha ng gamit.
"Ha?" nautal niyang sabi
"Law kukunin mo diba? Am I right or?"
Sinara ko ang bag ko at nilagay iyon sa likod.
"Pano mo naman nalaman na law kukunin ko?"
Inirapan ko siya at sumandal sa lockers.
"I saw you were carrying law books yesterday...and today, another bunch of law books in your locker," sabi ko sabay silip sa locker niya.
Agad niya itong sinara. Nagulat ako doon at lumayo ng kaunti.
"Why? What's wrong?" naguguluhan kong tanong
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Nothing. Ang observant mo naman masyado."
I smiled. "So...why law? I'm just curious."
Hindi agad siya nakasagot. Ilang sandali ay sa wakas ay tumingin din siya sa'kin. He shrugged and gave me a small smile.
"Ewan," sagot niya
Kumunot ang noo ko. "Hindi mo alam or hindi ka sigurado?"
Hindi niya ako sinagot. Bigla na lamang siyang may kinawayan galing sa likod ko.
"Oy Joseph!" tawag niya
Nilingon ko kung sino yung tinawag niya at nakita ko ang schoolmate namin kahapon. The one that the guest speaker praised.
"Uy pre!" bati nito pabalik
Nakipag-apir sila sa isa't isa.
"Galing mo kahapon ah. Hanep!" ngiting puri ni Mark
"Close kayo?" pagsingit ko sa usapan
"Close ko lahat," sabi ni Mark sabay kindat
"Salamat pre. Nahiya na nga ko eh kasi ang dami bigla bumati sa'kin," sagot ni Joseph
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...