#CAC25
"When the demand increases and the supply remains the same, then it leads to a higher equilibrium price and higher quantity."
Andito kami ngayon sa classroom at nagsasaulo ng laws of supply and demand.
It's our subject in Economics and we have a recit today.
"Hay nakakahilo naman ito," saad ni Margo
"Ano ka ba, madali lang 'yan," wika ni Mae na kaklase namin
"Madali siya pero nakakalito," sagot ni Margo
Ang atensiyon ko ngayon ay nasa libro na hawak ko. Kanina pa ako nagbabasa dito at inaaral ang laws ng supply and demand.
Since, our prof is still not around. I'm eating snickers bar while studying. Nagugutom na kasi ako at pagkatapos pa ng subject na ito ang lunch break namin.
"Nag-aral ka Talliah?"
Inangat ko ang tingin kay Margo. "Ako? Oo."
Bumuntong hininga siya at binalik ang atensiyon sa libro. "Ako din eh, pero bakit parang walang pumapasok sa isip ko? Hindi naabsorb ng utak ko itong binabasa ko."
Tumingin siya ulit sa'kin. "Nagegets mo ba?"
I licked my lips and slowly nodded. "Medyo."
I saw her glanced at the chocolate on my hand. "Tamang kain ka lang diyan ah."
Binaba ko naman ang snickers bar na hawak at tumingin sa paligid. Nakita kong nag-aaral ang ilan sa'min pero ang iba ay nagdadaldalan lang.
"Huwag kang mag-aalala, may sariling mundo sila," aniya
I chuckled softly. "Mag-aral ka na nga diyan. Huwag mo kong guluhin."
"Wow eh kanina ka pa nga diyan sa page na 'yan," sabi niya sabay turo sa libro ko
Inalis ko ang kamay niya sa libro ko. "Stop it, I can't focus anymore."
She scoffed. "Pakagat nga ako, baka sakaling tumalino ako."
Nagulat nalang ako noong kinuha niya sa'kin ang snickers at kinagatan.
"Hey, akin 'yan eh!"
She looked at me while chewing. Binalik niya iyon sa'kin at agad akong umiling.
"Sige na, sa'yo na iyan." I replied
She smiled sweetly. "Thanks! Gutom nadin kasi ako. Tagal ni mag lunch tapos ang tagal din dumating ni sir."
I checked my watch and it's almost time for lunch. "Baka absent."
"Sana nga," she said and took a bite of the chocolate.
Tumalikod na siya sa'kin at hinarap si Mae.
"Mae, paturo naman oh."
Nakita kong naghihighlight si Mae sa kanyang libro.
"Saan ka ba nalilito?" she asked
"Dito sa graph. Hindi ko alam kung increasing ba ito o decreasing. Tsaka ang daming factors, may price, quantity of goods, supply tsaka demand."
"Kaya nga may iba't ibang kulay nung arrows sa graph eh," saad ni Mae
"Ayun na nga eh, nakakalito."
Hindi ako makafocus sa binabasa ko dahil sa usapan nila ni Mae. I took my highlighters out in my pencil case and started highlighting important details.
Ilang sandali ay biglang pumasok ang isa naming kaklase.
"Guys, absent si Sir!" he abruptly said
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...