38

865 25 0
                                    

#CAC38

Dumating ang Sabado at ngayon na kami magkikita ni Inna kasama ang tita niya.

Hininto ko ang kotse ko at pinatay ang makina. I took my small shoulder bag and went out of the car. I'm wearing a white loose long sleeves with a beige highwaisted trousers and black heels.

Hinubad ko ang shades ko at nakita ang kabuuan ng shop. Bumaba ang paningin ko at unti-unti akong ngumiti nang magtama ang mata namin ni Inna. Katabi niya ay isang babae na sa tingin ko ay yung tita niya.

Naglakad ako palapit sa kanila. "Hi. Good morning!"

Sinalubong ako ni Inna at agad akong niyakap. "Talliah! I missed you. Glad you came."

I chuckled. "Of course! I'm so excited for today."

Kumalas kami ng yakap at binaling ang atensiyon sa katabi niya.

"Ay tita! Eto na pala si Talliah," pagkilala niya sa'kin

I looked at the lady beside her and extended my arm. "Nice to meet you po, finally."

She took my hand and squeezed it. "Ang gandang bata mo naman hija. Ikaw pala si Talliah."

I smiled shyly as I let go of my hand. "Opo."

"Buti nakapagkita na tayo. Alam mo bang lagi ka din sa'kin kinekwento ni Inna."

"Ahh oo nga daw po eh," sabi ko at tumingin kay Inna

"Okay mamaya na ang kwentuhan at may kailangan pa tayong gawin ngayong araw," singit ni Inna sa usapan

"Ahh oo nga pala. Pasensiya na," ani tita

Tumabi siya sa'kin at pinagmasdan ang shop.

"So ito na yung bakery shop ko. Kung mapapansin mo maliit lang siya pero malawak naman yung space sa loob," paliwanag niya

Tumango ako habang sinusuri ang shop. Para sa'kin ay hindi siya gaanong malaki at hindi din maliit. May bubong siya na kulay puti at itim. May malaki ding salamin at mga bintana. Meron ding dalawang bench sa magkabilang gilid. Kulay puti lang ang pintura ng pader pero bakas ang kalumaan nito dahil sa ilang cracks at dumi.

"Bakery shop po ba ito nung una o-"

"Ah hindi. Sa totoo niyan, isa itong coffee shop nung una."

Umawang ang labi ko at tumango-tango. "Ahh kaya pala."

"Pero pwede din siyang bake shop eh. Sa totoo niyan, may mga lamesa na gawa sa kahoy at upuan pa dati dito sa labas para sa mga customers kaso binenta ko. Meron ding mga halaman na nakapalibot sa labas. Diyan din sa malapit sa pintuan," sabi niya sabay turo doon

"Maganda ito dati pero naluma. Nasira nadin yung pintura at ganun din yung mga gamit. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ba yung huling linis dito."

"Nililinisan niyo po ba talaga tita?" saad ni Inna

She went beside me and crossed her arms around her chest.

"Hindi ko na nga matandaan eh. Matagal na panahon na 'yon," sagot ni tita

Naglakad ako palapit sa shop at hinawakan ang pader. "But I think this can be fixed. Matitibay naman ang mga materyales nito."

"What are your plans ba Talliah?"

Lumingon ako sa kanila. "I'm thinking of having a small renovation but I won't go crazy to all of it. Besides, I like some of the wooden accent. It gives me vintage vibes."

Lumapit ako lalo para masuri ang maliliit na detalye. "Like this one. The small details of the wood. It can be furnished."

"Ahh oo. Mas maganda nga na iparenovate mo siya," sambit ni tita

Chase and Courage (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon