#CAC11
Pagkabalik ko sa dining area ay nakita ko ang mga iba kong kamag-anak. Sitting beside Mom was Tita Ria while Dad was talking to Tito Jim and Tito Oliver. Lumapit ako at napansin agad nila ang pagdating ko.
"Talliah! Ikaw na ba 'yan? Ang laki mo na ah," ngumiti ako kay Tito Oliver at nagbeso.
Bumalik ako sa upuan ko pero nakita kong nakaupo doon si Tita Ellen at kausap si Ate. Nilapitan ko sila at agad naman akong nakita ni Tita.
"Ay sorry hija, dito ka nga pala nakaupo." sabi niya at agad na tumayo
"Okay lang po," sagot ko nalang at umupo na.
Nakita kong tumabi naman siya sa katabi nitong upuan ko. Uminom nalang ako ng tubig at pinagpatuloy ang pagkain.
"Masarap ba?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, masarap po yung luto ninyo."
"Sige, kain ka lang diyan." she smiled
Kinuha ko ang barbecue stick at kinagatan iyon. Tumingin ako kela Mama at nakita kong masaya silang nag-uusap ni Tita Ria habang seryoso namang nag-uusap sina Papa at Tito. They were alos drinking beer in cans. Tumingin ako kay Ate at nakita kong tapos na siya kumain pati din si Kuya.
"Jim, magkano patayo niyo ng bahay dito?" tanong ni Tito Oliver
"Sakto naman sa budget. Ang mahal dito yung lupa," sagot ni Tito Jim
Nakita kong uminom ng alak si Tito Oliver. "Ahh, balak ko din kasi magpatayo dito. Payapa ang lugar at hindi masyadong matao."
"Ahh oo. Kaya din namin dito naisipan ipatayo ang bahay dahil nga wala masyadong tao. May mga bakanteng lupa pa din naman, yun lang eh mabigat sa bulsa."
"Pansin ko nga. Mukha ngang may artista din na nakatira dito eh, baka sakaling maging kapit bahay ko," pagbibiro ni Tito Oliver.
Nagtawanan naman ang ilan sa'min. Tahimik lang akong kumakain habang pinapakinggan ang usapan nila.
"Yung bakanteng lote diyan, sa inyo din ba yun?" tanong niya
"Ahh oo. Gusto din ng misis ko na magpatayo sana ng pool doon," sagot niya at tumingin kay Tita Ellen.
"Hindi ako may gusto noong una ah, pinigilan pa nga kita kasi sabi mo baka kulangin sa budget," sagot ni Tita.
Tumawa naman si Tito Oliver. "Baka mabaon sa utang."
"Hindi ang totoo niyan, para sana sa mga bata. Alam mo na, yung magpipinsan. Madalas sila dito bumibisita atsaka mga kaibigan at kakalse din ni Emily," si Tito Jim
"Pansin ko nga na kada nagkakaroon tayo ng family reunion eh yung anak ko parang ayaw na umuwi sa bahay. Yung bunso kong anak na anim na taong gulang palang, sinasabi niya sa'kin na dito nalang daw siya tumira dahil daw ang laki ng bahay niyo," pagbibiro ni Tito Oliver
"Kasi naman medyo spolied din yung anak namin nayun. Nagpapabili din ng madaming laruan tapos ayun, lagi din nasisira," si Tita Ria
Binalik ko ang tingin sa plato ko at sinimot ang pagkain. Medyo binaba ko ang damit kong off shoulder dahil umaangat iyon sa balikat ko.
"Eto Talliah, may ginagawa si Tita Beth mo na leche flan. Tikman mo din 'yan," sambit niya at binigay sa'kin ang leche flan na nasa tupperware.
"Salamat po," nahihiya kong sabi.
Kahit na busog na ako ay nahihiya akong tanggihan siya. Binuksan ko nalang ang tupperware at kumuha ng konting leche flan. Nilagay ko iyon sa plato ko at nagsimulang kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/235130245-288-k383115.jpg)
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...