02

2.7K 83 6
                                    

#CAC02

"Bakit mo ginawa 'yun?!"

Noong nagdismissal ay agad kong hinila si Mark sa labas ng room pagkatapos noong insidente na nangyari kanina.

"What did I do?" he asked innocently

Tinampal ko naman ang noo ko at umiling. 

Is he being serious? Acting like nothing happened?

"Alam mo, bida bida ka." sabi ko nalang at tinalikuran siya pero naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"Wait, hindi ko naman talaga sinasadya. E ayaw mo ba nun? Atleast you won against Mandy."

Hinilot ko ang sentido ko sa sinabi niya.

It's true that a while ago, I actually won against Mandy and because of who? Mark

Since tie kami ni Mandy at parehas kami ng number of votes ay si Mark ang naging solusyon ng tie breaker namin. We didn't have to say a speech in front of the whole class because Mark already voted for me which means I won, by only one vote. Crazy right?

"Listen, aren't you happy na nanalo ka? Kung hindi dahil sa'kin ay siguro ay nagspeech ka na sa harap tapos-"

Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil mabilis kong tinakpan ang bibig niya ng aking palad.

"Can you shut up for once. Ayoko nilang malaman na nanalo ako at maging parte ng Student Council!" I hissed.

Tumingin ako sa paligid dahil may ilang estudyante na padaan-daan at ang iba ay nakatambay.

Inalis niya naman ang palad ko sa bibig niya at sinimangutan ako. "Why are you like this?"

Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya. "Excuse me?" I said and furrowed my brows.

"I mean do you know how lucky you are? Some of our classmates and even the students here in general wished to have your position and in the Student Council. You should be proud," sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa'kin at inalis iyon. "It's not like I'm not thankful or anything pero-" I paused and sighed in frustration "Basta. I didn't even want the position in the first place."

"Tsk, e 'di kung ganyan sana hindi nalang kita binoto. Nakikita ko na ngang mananalo ka eh."

I don't know if he said that sarcastically or what but anyway, I'm still not okay with it.

"Why are you like this? Why are you being supportive all of a sudden, I mean we're not that close. I know you treat everybody the same. I'm just not used to it," sabi ko at humalukikip.

Nagkibit balikat naman siya at ngumiti. "Masama bang suportahan ang kapwa ko kaklase?"

"Hindi sa ganun," sagot ko. "Teka nga, saan ka ba galing kanina? Bakit late kang pumasok sa room?"

He placed his hand over his neck. "Ahh wala. May inutos lang sa'kin yung teacher natin. Syempre sumunod ako kasi mabait ako," he smiled proudly

I rolled my eyes.

"But seriously Lia, you should be grateful. Hindi lahat nagkakaroon ng opportunidad na ganiyan kahit pa sabihin mo ng maliit yan o malaki para sa'yo," he said. "Tsaka huwag kang mag-alala, support ka naman namin. Who knows? Baka ikaw ang maging pride ng school."

Hindi ko alam na masyado na pala akong matagal na nakatingin sa kaniya. Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin. "Anong pinagsasabi mo diyan?" I gulped

I don't know but something about his words made me feel at ease. I really didn't expect he would say that to me. Kaya siguro marami din siyang kaibigan at kaclose dahil supportive siyang tao kahit hindi ka pa niya gaanong kaclose yung tao na iyon. Sana ay katulad ko din siya.

Chase and Courage (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon