#CAC10
"Talliah! Tara na malalate na tayo!" tawag sa'kin ni Mama mula sa baba.
I quickly slid my jeans and I find it hard for me to do that because my hips are a bit wide. Gusto ko sanang magpalit at magdress nalang dahil mas komportable ako doon dahil hindi nakakahinga ang legs ko sa pantalon.
I haven't even blowed dry my hair yet! May nakalagay pang twalya sa ulo ko at pinagpapawisan nadin ako. I only have ny bra on top. Binuksan ko ang kabinet ko at naghalungkat ng damit.
Shit! Wala akong masuot!
Ngayong araw kasi ay dadalaw kami sa mga kamag-anak ko. I still don't know where the place is but I guess it's far. Hindi ko naman din inaasahan na may gala pala kaming pamilya ngayong sem break. I thought I can finally get some rest but sudden change of plans occur.
Hindi naman ako pwedeng hindi sumama dahil hindi papayag sina Mama. Kahit na sa totoo lang ay ayaw ko din sumama. Mas gusto ko nalang matulog sa bahay.
Tumalikod ako noong wala akong nahanap na damit. Tinanggal ko nalang ang towel sa ulo ko at tinapis iyon sa katawan ko.
Lalabas sana ako para puntahan ang kwarto ni Ate pero nagulat ako noong may biglang kumatok sa pinto ko.
"Talliah? Kanina ka pa tinatawag ni Mama. Bilisan mo daw diyan," boses ni Ate sa labas.
"Ahh, oo sige. Sabihin mo five minutes! Ay hindi, ten minutes!"
Binalik ko ang tingin sa kabinet ko na ngayon ay nakakalat na ang mga damit sa sahig. Bago pa makalakad palayo si Ate ay tinawag ko na siya.
"Uhh Ate, wait lang!" sigaw ko
"Oh?" buti nalang hindi pa siya nakakaalis.
"Puwede bang pahiram ng damit, wala kasi akong masuot!" sabi ko at lumapit sa pintuan.
Binuksan ko iyon at tumago ng kaunti sa pinto kaya tanging ulo ko lang ang nakalabas.
Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula ulo pababa. I held my towel even tighter and smiled awkwardly.
Ilang sandali ay tumango nalang siya at tipid na ngumiti. "Pagbibigyan kita ngayon dahil late lang tayo."
Tumalikod na siya at nakita kong pumasok siya sa kwarto na katabi ng kwarto ko.
Mabilis kong sinara ang pinto at tinggal ang towel sa katawan. Pumunta ako sa dresser at kinuha ang nakapatong na suklay doon. Umupo ako at pinatuyo ang buhok ko sa electric fan.
Habang nagpapatuyo ay biglang may kumatok ulit sa pintuan ko.
"Eto na, buksan mo na yung pinto."
Tumayo ako at naglakad palapit ng pinto. Binuksan ko iyon at mabilis na kinuha ang damit sa kaniya.
"Thanks!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis na sinara ang pinto.
Sumandal ako sa pinto at bumuntong hininga. Tinignan ko ang damit na hawa ko at nakita kong isang white off shoulder iyon na may stripes na design.
Nagandahan ako sa damit pero hindi ko pa kasi nasusubukan magsuot ng ganito. I usually wear jeans and a plain shirt. Minsan dress pero sobrang dalang lang at sinusuot ko lang iyon kapag pormal ang aming pupuntahan.
I wasn't very stylish and have no sense of fashion. My sister on the other hand, looks good on everything she wears. Magaling siyang mamili ng damit kaya lagi akong nahiram sa kaniya.
"Well, I guess I have no choice but to wear this."
Agad kong sinuot iyon at pumunta sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko at parang naninibago ako. I look more like a woman.
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...