#CAC29
"Margo, ano ba? Hanggang ngayon hindi mo padin sinasagot yung tanong ko," malambing kong sabi sa kanya
"Tumigil ka na nga Talliah, malapit na tayo sa bahay niyo."
Nakaakbay ang isa kong kamay sa kanya at nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko.
Marahan akong tumawa. "Bakit kasi umuwi agad tayo?"
"Kasi alas tres na ng gabi! Okay ka lang?!" bulyaw niya
Naglalakad kami ngayon sa hindi ko alam kung saan kami papunta.
"Ang aga pa kaya nun! Tsaka nakakahiya kay Stella, umuwi agad tayo!"
Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Sila yun! Tsaka sanay na sila, eh ikaw hindi! Ikaw pa 'tong strict ang magulang. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila."
"Eh bakit? 'Di mo naman kailangan ako ihatid pauwi! Kaya kong umuwi mag-isa!" sigaw ko
"Ayos ka lang? Uuwi kang lasing?! Ni hindi ka nga marunong magbook ng grab eh!"
Naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko kaya agad akong lumayo kay Margo.
Hindi ko na napigilan kaya sumuka na ako. Nandidilim ang paningin ko pero pinagpatuloy ko padin.
Naramdaman kong hinagod ni Margo ang likod ko.
"My God Talliah! Sabi na kasing huwag ka nang uminom eh."
Ginamit ko ang palda ng dress ko para punasan ang bibig ko. Umayos ako ng tayo pero muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Margo.
"I'm fine, I'm fine."
"Tsk. Hindi na dapat tayo tumuloy. I mean look at you! Sobrang wasted. Mas wasted ka pa sa mga tao sa club. Paano nalang pala kung wala ako? Alcohol is not for you Talliah."
I chuckled bitterly. Inalis ko ang kamay niya at hinarap siya. "So what are you trying to say huh? That I can't handle myself? That I don't belong?"
She sighed and shut her eyes. "That's not what I meant-"
"Nanay ba kita ha? Wag mo nga akong binababy! I'm a grown up woman and I can handle myself!"
Madilim na ang gabi at kaming dalawa lang sa street namin. Wala na akong pakielam kung may magising na kapitbahay dahil sa'min.
"You're being ridiculous Talliah-"
"You know what? Just leave okay? Kaya ko na dito, ano gusto mo ihatid mo pa ko sa mismong bahay? Papasok ka pa sa loob?!" I sarcastically said
She looked away, completely out of patience. "Ano ba'ng problema mo? Masyadong malakas tama ng alak sa'yo ah!"
"Seryoso ka sa tanong mo?" tanong ko habang unti-unting lumalapit sa kanya
Nanatili siyang nakatitig sa'kin.
"Ang haba nung speech ko kanina tapos hindi mo padin nagets? Wala kang naintindihan dun?" tanong ko
Umiwas siya ng tingin at mahinang napamura.
"Okay, to make it short kasi masyado nga namang mahaba yung drama ko kanina. Hirap bang intindihin?"
Lumayo ako sa kanya at napahilamos sa mukha.
"Nakakapagod palang maging mabuting anak. Hirap intindihin noh? Pero yun yung nararamdaman ko. Mahirap ipaliwanag yung nararamdaman ko."
So this is what alcohol does to people? They get either high or happy and sad at the same time. Halo halong emosyon eh. Hindi ko nanaman makilala ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Teen FictionYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...