Wakas

3.1K 73 60
                                    

#CACWAKAS

"Goodmorning everyone! Welcome to Talliah's Haven and Treats grand opening! We are so thankful to so many of you, who have been with is every step of the way, so that this day would finally come. My name is Talliah Hope Cojuangco, the owner of the shop."

"I would like to introduce a few special persons to you," I said and called out my family members

Hinanap ko sila at agad din silang lumapit sa'kin.

"Together with me is my family. My mom, my dad and my two siblings. I also would like to formally introduce my new employees. These are the people that I will be working for the next years."

Ilang sandali ay nagsalita naman ang emcee. Binaba ko ang microphone ko at ngumiti sa mga guest.

"Next on our agenda is the ribbon cutting ceremony, which will be followed by a tour or opening of the facility," anunsiyo niya

Pumalakpak ang mga bisita at panay ang kuha sa'min ng mga pictures. I also hired a professional photographer for good quality pictures. Importante yun dahil maipopost ko iyon sa social media para maslalong madaming tao ang makaalam sa opening ng shop ko.

"Ma...pa," tawag ko sa kanila

Nilingon nila ako habang panay padin ang ngiti sa camera habang ang mga kapatid ko naman ay nahihiya na.

"Okay na ba Talliah? Sakit na ng panga ko kakangiti," sabi ni ate sabay siko sa'kin

"Oo, ribbon cutting na. Sila mama nalang yung kasama kong gugupit," sabi ko. "Sabihin mo din kay kuya."

Tumango siya at bumulong kay kuya. Sumulyap siya sa'kin at ngitian ko sila at tinanguan. Umalis nadin sila sa tabi ko at bumalik sa harap. Maging ang empleyado ko ay sumunod nadin. Ngayon ay kami nalang ng magulang ko ang nasa harap.

Akmang aalis nadin sila pero pinigilan ko. "Ma...pa. Wait! Kayo kasama ko mag-gupit ng ribbon."

Nagkatinginan sila. "Kami talaga? Eh si papa mo nalang. Nahihiya ko," sabi ni mama

I sighed. "Ma, sige na. Maslalong nakakahiya oh. Nakaabang na yung mga guest," sabi ko at pasimpleng tinuro ang audience

"Hindi ba pwedeng kayo nalang ni papa mo? O kaya ni ate. Andyan din si kuya theo mo."

Umiling ako. "Dalawa po pwede."

Tumingin ako kay papa na siyang kumakaway pa sa mga bisita. Mukhang payag siya na makasama ko sa pag-gupit ng ribbon.

"Sige na hon, minsan lang 'to." sabi ni papa kay mama

Ngumiti ako nung unti-unting tumango si mama. Binigay ko sa kanya ang gunting at ganun din kay papa. Pumwesto kami sa tapat ng pulang ribbon. Hinawakan ko iyon at ganun din sila.

Binalik ko ang tingin sa harap at matamis na ngumiti. We did a few poses to the camera. Hindi ko alam kung saan titingin dahil halos lahat sila ay pinipicturan kami.

"One...two...three," senyas ko kela mama at papa

Tumango sila habang nakatingin sa ribbon at sabay namin iyong ginupit. Red carpet din ang tinatayuan namin ngayon.

Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng paglaglag ng ribbon sa sahig. May mga staff na nag-assist sa'min at sa kanila namin binigay ang gunting na hawak.

"Congratulations! It is now officially opened. We would like to invite everyone to come forward-" anunsyo ng emcee

"Congratulations anak," bati nila sa'kin

Ngumiti ako at niyakap sila. I heard them whispehered some few heartful words in my ear. Pumikit ako at dinama ang yakap nila. Kumalas din ako at pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko.

Chase and Courage (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon