#CAC19
Pagkalabas ko ng CR ay wala na sila. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko na sila nakita. Bumalik nalang ako sa classroom at nadatnan ko ang ilang mga kakalse ko doon kasama ang aking mga kaibigan.
"Talliah! Just in time," tawag sa'kin ni Mark
Iginaya ko ang mata ko at nakitang wala pa ang adviser namin. Kaya pala maingay din sila at puro nagdadaldalan. Nakita ko naman si Inna na tinatanggal ang make-up gamit wipes, kasama din niya ang boys. Mukhang kakatapos niya lang picturan kaya tinatanggal niya na ang kanyang make-up.
"Why? May sasabihin ka ba sa'kin?" I asked as I approach them
Umupo ako sa tabing armchair ni Inna. Nakabilog ang upuan namin kaya mas kita ko sila.
Mark nodded. "Yup! May maganda kaming balita."
"Halatang hindi pa nakakamove on Mark?" pang-aasar naman ni Kurt sa tabi niya ngunit hindi naman siya pinansin ni Mark.
"Ano ba kasi yun?" ulit ko
I looked at Terrence because I know the other two won't tell me right away.
"Sa graduation kasi natin-"
"Pre, huwag mo naman unahan ni Papa Mark. Siya na magsabi sa'tin." putol ni Kurt sabay takip sa bibig ni Terrence
Inalis naman ni Terrence ang kamay ni Kurt. "Alam mo naman na eh."
"Pero hindi pa alam ni Talliah," aniya
"Sus, hindi naman big deal." lumingon ako kay Inna na nagsalita
Hawak niya ang salamin habang inaalis ang make-up. Tumingin naman siya sa'min na may halong pagtataka.
"What?" she asked innocently
"Just tell me," I said and looked at them
"Si Mark na magsasabi, epal kasi nitong si Terrence eh." wika ni Kurt
Binaba naman ni Inna ang salamin at humarap sa'min. "Ate Fey is gonna have a speech sa graduation natin.
Binalot kami ng katahimikan. Tumingin naman ako sa boys at nakita kong umwang ang labi ni Kurt.
"Ang KJ mo Inna!" he blurted
Hindi naman siya pinansin ni Inna.
"So you mean siya yung guest speaker?" I asked
"Yup!" sagot ni Inna
Every graduation o kaya recognition ay may guest speaker na pumupunta sa school. Madalas ay iniimbintahan yung alumni na gumraduate dito sa school. Especially those students who are considered the pride of our alma mater. Madalas sila yung matalino na nakapasa sa board exam, bar exam at kung ano pa. Pinapaskil din ang isang tarpolin na may mukha nila kasama ang achievements nila sa school na pinasukan nila nung college.
It's like a strategy for our school para makita ng mga tao na maganda ang paaralan namin dahil sa mga estudyante na gumraduate kagaya ni Ate Fey at para narin marami pang mag-enroll na students sa'min.
I think most schools din ganun ang ginagawa. It's their form of gratitude and pride for that particular student. Kahit ako ay gusto ko din na mapatarpolin ng school. Sana lang ay marami pa akong makamit pag dating ng college.
"Hay, sana all diba napapatarpolin ng school." sambit ni Francis na kanina lang ay tahimik
"Kung kasing talino ka ni Ate Fey," si Kurt
Tumingin naman si Francis sa kanya. "Hindi lang naman si Ate Fey yung alumni na matalino. Meron yung karibal niya si, sino nga ba yun?"
"Si Kuya Keith! Oo naalala ko pa pinagaagawan nila yung position ng top 1. Sana all talaga pinanganak ng matalino," sagot ni Kurt at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Chase and Courage (Youth Series #1)
Roman pour AdolescentsYOUTH SERIES #1 [COMPLETED] Growing up with siblings who are already successful in their fields, Talliah Hope Cojuangco, the youngest of them all, finds herself lost in moments of uncertainties as she struggles to choose the right path for her now t...